Walk Home

155 1 0
                                    


"Banj, sabay tayo uwi, okay lang?"

Yan ang paulit ulit na naririnig ni Yeri sa utak niya. Dahil pagkatapos ng ilang linggo, ngayon nalang sila nag usap ng personal.

She misses him.

Namimiss niyang kasama to, namimiss niya ang ingay pag nagkekwentuhan sila, mga pangungulit at pang aasar niya.

She just miss her bestfriend.

Pero ngayong magkasama sila pauwi, hindi niya na alam kung ano ba ang dapat gawin.

She felt the tension.

After kasi nilang magbayad, dali daling umalis si Wendy at si Youngjae dahil may after class practice pa raw sila sa choir.

"Yerms, una na kami ni Youngjae ha! May practice pa raw kasi sabi ni Ms. Tae—"

"Luh diba sabi niya cancelled na da—"

"Nagtext siya sakin. Di na raw natuloy, kaya halika na, bago pa magalit yun" Ngiti nito kay Youngjae habang hinihila si Youngjae paalis.  Hindi naman niya naintindihan ang pakay ni Wendy, ngunit sumunod nalang rin ito sa sinabi ng kaibigan. Nagpaalam naman din si Yugyeom after Wendy and Youngjae left.

Mukhang pinagtulungan siya ng mga 'to. Isip niya.

Now they are walking home together.

Nangungunang naglalakad si Yeri at nasa likuran niya si Bambam. Ramdam na ramdam nito ang titig ng kaibigan sa likuran niya.

Ang tahimik.

Hindi siya sanay.

Gusto niyang magsalita, ngunit hindi niya magawa. Ano naman ba kasi dapat ang itopic? Baka mamaya mapunta pa sa kung saan.

Kaya hinayaan nalang niya kung anong meron kahit pa medyo awkward.

Malapit na't natatanaw na ni Yeri ang bahay nila. And for the first time in her life, hindi niya alam ang sasabihin nito sa kaibigan.

"Bye?", "Salamat sa paghatid?", "It was nice walking home with you?", O wag nalang magsalita't mag wave goodbye?

Hindi niya alam. 

Binagalan ni Yeri ang kaniyang lakad at naramdaman niyang ganoon din si Bambam. Kinakabahan siya, kasi she wants to burst the bubble. She wants to ruin the atmosphere.

Cause she never heard silence, quite this loud.

Nakikita niyang palapit na siya sa kanilang gate, at alam na niya ang gagawin niya, magbaba-bye nalang siya dito't mag tethank you dahil sabay silang umuwi.

Kinuha niya ang susi niya sa kaniyang bulsa, at aktong kukuhain ang kalsong lock na naka sabit sa knob, iginawid ang susi at nabuksan niya ang gate. Handa na siyang lumingon dito ngunit bago pa ay narinig niya itong tinawag ang pangalan niya at nagsalita.

"Yerms, I missed you."







Secret Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon