"ARAY KO NAMAN! UMALOG YUNG UTAK KO!" Reklamo ni Yeri.
"May utak ka pala?" Tanong nito pabalik, na siyang nag-urge kay Yeri upang hambalusin yung mukha ni Bambam gamit ang isang kamay niya.
Pulang pula yung noo ni Yeri galing sa pitik ng binata. Parang wala kasing bukas kung makapaghiganti ang kaniyang kaibigan.
"ALAM MO YUNG GANTI MO 100 TIMES NG SAMPUNG PITIK KO SAYO KANINA." Sigaw nito habang nakahawak sa noo niya. Habang tinatawanan lang siya ni Bambam na nakahiga na sa sahig.
"Sabi sayo lintik lang ang walang ganti." He said while laughing his ass off.
"Napakasama ng ugali mo kahit kailan." Kinuha niya ang phone niya at tignan yung noo gamit ang front cam.
"HALA MUKHANG INAPI YUNG THIRD EYE KO!" Sabi nito habang tinignan ng masama si Bambam. "Kita mo yan? Kita mo yan?! BUMAKAT YUNG KUKO MONG HAYUP KA." Habang tinuturo ang parte ng noo niya kung saan may bakat nga ng karahasan na ginawa ni Bambam kanina.
"SWEAR PAG TO NAGSUGAT, YARI KA TALAGA SAKIN."
"Bakat lang naman." Sabat pa nito habang kinakapa kapa ni Yeri ang namumula niyang noo.
"Hala gagi feeling ko bumaon, ang hapdi eh." Ani Yeri habang kinakapa kapa yung maliit na sugat sa noo.
"Hala weh?!"
"Anong hala weh? Wag ka lumapit sakin dimunyo ka." Habang nilalayo ang mukha niya sa dereksyon ni Bambam.
Si Bambam naman nagpumilit paring lumapit kay Yeri upang tignan ang tinamo nitong sugat.
"Patingin." Tinanggal ni Bambam ang kamay ni Yeri na kumakapa sa sugat niya sa noo.
Bambam then held Yeri's head, using his both hands para makita ng maayos ang namumula nitong noo.
"Hala sorry!" He said after realizing that there's a small scratch on her forehead
"Pag nagsorry ka ba magdidikit ulit yung balat dyan sa noo ko?" Sarkastiko nitong sabi.
Binigyan naman siya ng dimayadong tingin ni Bambam.
"Sorry na nga eh."
Sinimulang hipan ni Bambam ang noo niya. She sat still, Kitang kita rin niya ang pagkaaligaga nito't pero mas napansin niya kung gaano sila kalapit. Mas bumilis ang tibok ng puso niya, at kahit naka aircon sila sa kwarto, pinagpapawisan ang kaniyang mga palad.
"Ano mahapdi ba?" Tanong nito habang hinihipan parin ang noo ni Yeri.
"Ah.. H-hndi naman. Medyo manhid lang." Utal niyang sagot.
"Teka kuha akong alcohol." Sabi ni Bambam habang tinignan ang expression ni Yeri kung maiinis ba to.
Hindi nga siya nagkamali dahil kinurot siya nito sa tagiliran. "Eh kung ikaw kaya sugatan ko ta's buhusan ko ng alcohol." Bambam laughed at his bestfriend's response.
"Apakapikon." Malutong niyang sabi.
Mga bandang alas dose ng matapos sila mag uno, pero hindi na pitik yung punishment, instead yung matalo ay lalagyan ng lipstick sa mukha. Idea yun ni Bambam, para naman daw pumantay na yung pula ng noo ni Yeri sa buong mukha niya.
Matapos maghilamos, they got ready, and went to their respective places; si Bambam sa higaan na nasa lapag habang si Yeri naman nasa sarili niyang kama.
"Banjing, matutulog ka na ba?" He asked
"Magpapaantok, bakit?" She replied while covering herself with her comforter.
"Di pa ko antok eh, kwentuhan tayo."
"Ih. Inaantok na ko, bahala ka diyan." She closed her eyes pero nagpumilit parin si Bambam.
"Dali naaaaaa" Yeri didn't respond, hinayaan niya lang mangulit si Bambam kung kaya't, ang ginawa ni Bambam ay dere-deretso lang siyang dumaldal.
"Sige magkekwento nalang ako kahit makinig ka nalang..."
"Alam mo ba dati nung bata ako, may kwento sakin si lola, totoo daw yung mga guni guni mo na akala mo guni guni mo lang pero multo na pala." Walang preno niyang sabi.
"Tapos one time nangyari kasi sakin sa bahay, inutusan kasi ako ni mama na magligpit ng tiklupin tapos after non parang sa may pintuan parang may anino, diba usually pag ganon pag nilingon mo, parang "ay anino lang ng ibang bagay don sa bahay, pero nong nangyari yun, pag titignan ko bigla bigla nalang nawawala, syempre pinagpaliban ko kasi nga sabi ko matapang ako."
Yeri listened, she changed position, kinuha niya ung isang unan para ilagay sa kabilanh edge ng kama niya at humarap banda kung saan yung side na hinigaan ni Bambam.
"Tapos hanggang napapansin ko sa peripheral vision ko nga nasa kabilang banda na siya, tapos ganun lang yung nangyari hanggang sa minadali ko nalang yung paglilipit kasi kinikilabutan na rin ako. Matapos nun edi nilagay ko na sa closet yung damit, just as when I exited the room, bigla siyang bumukas."
Right after Bambam said the last sentence ay kasabay din non ang pag tunog ng cabinet ni Yeri. Agad agad siyang umalis sa higaan niya't sumiksik sa tabi ni Bambam. Tumawa naman si Bambam towards Yeri's reflexes.
"Akala ko ba matutulog ka na?" He giggly asked.
"Paano ako makakatulog eh nagkwento ka ng nakakatakot?!"
They stayed like that for minutes. Hinayaan naman ni Bambam si Yeri na tumabi sa kaniya. Alam naman kasi nito na matatakutin ang bestfriend niya. Kahit nong mga bata sila, gustong gusto magpakwento ni Yeri ng nakakatakot pero siya rin mismo takot.
Now that Yeri's calm, bigla nalang niya narealize na magkatabi pala sila ni Bambam. Scared to go back to her bed, tiniis nalang niya ang kalempong ng puso niya.
"Banjing, may sasabihin pala ako."
Ayan na naman tayo sa sasabihin-sasabihin, wala namang nabibigay na dulot.
"Ano?"
Parehas silang nakatitig sa kisame habang nakatabon sila ng kumot.
"Wala, kanina lang kasi sinabi ni papa na mapapaaga yung alis ko."
"Weh? Kailan na daw?"
"Right after graduation natin, yun lang kasi yung pinaka malapit." He sighed.
"Totoo ba?" Now she looked at him. "Edi hindi na matutuloy yung EK natin next month?"
"Hindi na." He looked at her too. Kita nitong medyo nangingilid na ang luha ni Yeri sa mata.
"Babalik ka naman diba?" She asked, na parang nagbigay ng konting kirot sa kaniyang puso. Natatakot din siya, kasi paano kung hindi? Natatakot din siya sa isasagot ni Bambam kahit sinabi naman na ng binata na tatapusin niya lang yung college years nya doon.
"Oo naman! Bakit naman hindi?" He assured.
"Wala naman. Usually kasi diba pag nakuha na sa ibang bansa, isusunod na rin yung ibang family members niyo?"
"Oo, pero sabi ko naman mas gusto ko rito tumira, bukod sa jologs ako di ko kaya makipag englishan doon. Baka masipa pa ko ng kangaroo pag nagkataon." Biro niya at tumawa pa siya sa sarili niyang joke kahit di naman nakakatawa.
Yeri just looked at her bestfriend. Ngayon palang nalulungkot na siya, paano pa kaya pag umalis na to, buong buhay kasi nila they've depend on each others' back. Sabi nga ng mga mommy nila, di sila mapaghiwalay.
Di rin niya alam yung nararamdaman niya ngayon. If it's just a feeling of longingness dahil aalis na yung bestfriend niya or iba pa?
"Mamimiss kita." She suddenly blurted na ikinagulat din ni Bambam.
"Me too. Basta walang kalimutan ha?" He replied.
"Promise."
Now to think about it, hindi niya alam kung ano yung promise na 'yon, ang hindi makalimutan ang bestfriend niya, o ang tuluyang hindi makalimutan ang nararamdaman niya para dito?