Yeri can't quite sleep.
Hindi niya alam kung dahil ba sobra sobra na siya sa tulog, o marahil nasa iisang kwarto lang sila ng bestfriend niya.
"Baka nakakalimutan mong may sakit ka Yeri." Bulong niya sa sarili.
Kanina pa siya hindi mapakali, kaya naman kahit madilim ay sinisilip silip parin niya ang kaibigan na taimtim na natutulog sa lapag.
The nightlight.
Naisip niyang may nightlight siya.
Dahan dahan siyang bumangon sa pagkakahiga, gamit ang flashlight ng kaniyang cellphone ay hinahanap niya ang nightlight sa drawer niya.
She tiptoed towards the outlet na malapit kay Bambam at saka isinaksak ang ilaw.
There.
She can now see his face clearly.
Alam niyang mantika matulog ang kaibigan kaya naman kahit anong gaslaw na ginagawa niya ay hindi ito magising gising.
She checked her phone. It's 12 am.
Anong oras ba sila umakyat kanina? Mga 9? 10? Pero hindi parin siya makatulog?
Yeri's a bit of an overthinker. She imagine things in a bizarre way. Baka ito rin ang rason kaya hindi siya makatulog?
Just as when she's gonna take a peek on her friend, namataan nitong nakatitig din si Bambam sakaniya.
She immediately withdrew.
Gising siya? Kabado niyang sabi sa utak niya.
"Di ka makatulog?" She heard him speak in a soothing tone.
She didn't reply, but instead dinungaw niya ulit si Bambam, na nakaupo na galing sa pagkakahiga.
Their eyes were in the same level, pantay na pantay na ngayon ang kanilang mga tingin.
Yeri shook her head to his question.
Kinapa naman ni Bambam ang noo ni Yeri to see if mainit pa ang temperatura nito sa katawan. He wasn't satisfied with his assessment, kaya lumandas ang kaniyang kanang kamay sa leeg ni Yerim.
"Mainit ka pa." Anito at kumuha ng thermometer ay inilagay sa kili kili ng kaibigan.
Pumungay ang mga mata ni Yeri. Hindi nga niya alam kung bakit wala man lang siyang feeling of edginess, ni hindi rin siya kinakabahan. Siguro dahil normal naman kasi talaga yung ginagawa ni Bambam? Eh kahit naman before, they would always do sleepovers and such. At normal lang din naman na pag may sakit ang isa sa kanila, obligado mag-alaga yung isa.
Siya lang naman ang nagbibigay ng malisya sa lahat ng kilos nito nong narealize niyang nahulog na siya dito. Diba Yeri?
Naalala pa nga niya dati, parehas silang umuwing basang basa sa ulan dahil niyaya ni Yeri si Bambam, kasi sabi nito all his life, hindi daw siya pinapayagan maligo under the rain. Iba na raw kasi yung panahon ngayon sabi ng mama ni Bam, madumi na daw yung ulan na nahuhulog galing langit compared nong kapanahunan nila.
But Yeri's persistent. Kaya tinakas niya ang bestfriend niya sa bahay nito at naligo sila sa ulan, sa mismong tapat ng kalsada kung saan may ibang bata rin ang ineenjoy ang bawat patak ng tubig galing sa kalangitan.
At kahit pa man lagnat at palo galing sa mama ni Bambam ang inabot niya matapos ang kasiyahan, hinding hindi magsisisi ito na sumama siya sa kalokohan ni Yeri.
And that night, she took care of him too.
Kaya naman ngayon, she's thinking na this is normal. Na eto naman talaga dapat yung gawin ng bestfriend niya kasi in the first place, siya naman ang nang-iwan sa venue diba?
Pero kasalanan din naman ni Yeri na maligo sa ulan.
Na isigaw sa parte ng neighborhood na yun ang nararamdaman niya. Kahit pa man marami nang natutulog noong gabing yun.
Wala naman kasing masasaktan kung wala namang nagbibigay malisya diba?
So partly, it's her fault.
Tumunog ang thermometer na nakalagay sa kili kili ni Yeri. Kinuha niya 'to at tinignan.
38.6°
Medyo mataas pa rin.
He attended his friend by putting some wet cloth on her forehead. Pinainom niya rin ito ng gamot bago pa man pahigain ulit.
Pero kahit may sakit, hindi parin siya makatulog.
"Yeri."
"Bambam."
They spoke in unison.
"Ikaw muna." Bambam said.
"Hindi ako makatulog."
"Anong gusto mong gawin ko?" He asked. But she didn't replied.
5 minutes has passed. The conversation also died after that.
Pinilit ipikit ni Yeri ang mata nito pero wala talaga.
"Banjing." He called her.
"Hmm?"
"Sorry." He apologized. Magsasalita na sana si Yeri pero nagsalita ulit si Bambam.
"Sorry." He repeated.
"Sorry, cause I'm such a douche. Sorry if we lowkey drifted away, hindi ko kasi alam kung ano ba dapat gagawin ko. Sorry kasi sobrang nagkulang na ko as your bestfriend. Okay lang kahit hindi mo ko agad tanggapin yung apology ko..."
He sighed.
"...I missed you Banjing, I truly did. Namiss ko yung kulitan natin, I missed hanging out with you. I missed all the things that we do. I really really missed you Yeri."
Hindi alam ni Yeri kung ano dapat yung sasabihin niya. Kaya nakikinig na lamang siya dito.
"And for the last time, I'm also apologizing because this has been long due.. Gusto ko sana kasing sabihin sa'yo agad kaso wala, hindi ako makakuha ng timing..."
"Kahapon, I was about to tell you, kaso sobrang daming nangyari. Kaya here it goes.."
She was now nervous, hindi niya alam kung ano dapat yung sasabihin ni Bambam sa kaniya. She has no clue.
"Banjing, matagal na kasi akong pinasusunod ni Papa sa Australia..."
"...Actually nakwento ko na sa'yo 'to diba? I never really considered living there. Hindi ko sineseryoso yung sinasabi ni papa. Pero now that we're going to college.. I think I have to consider the option.. May scholarship grant kasi ipinupush sakin si papa. Actually para na rin matulungan siya sa kompanya.."
"Alam mo namang sobrang workaholic nun diba? Kaya napag isip isip ko rin na tanggapin yung offer.."
"Kaya sorry.. sorry if hindi ko kaagad nasabi sayo."
Yeri doesn't know what to feel. Mas lalo lang bumigat ang pakiramdam niya.
"Banjing? Tulog ka na ba?" He said at dinungaw si Yeri na agad agad na ipinikit ang kaniyang mga mata. Sunod sunod na pumapatak ang luha niya. But since the light was dimmer, hindi ito nahalata ni Bambam.
"Hays tulog na nga. I guess this isn't the right timing to tell you, huh? Maybe when you're better" He sighed.
"Goodnight." He said, at humiga muli sa foam na nakalatag sa sahig.
But.. what he didn't know is on that night, she cried herself to sleep.