Bakit?

133 1 0
                                    


Yeri doesn't know what to feel, after receiving Yugyeom's call.

Ang sabi sa kaniya ng kaibigan, biglang nagka-emergency daw si Chaeyoung kaya sinamahan nito ni Bambam.

Emergency naman pala.

Kaya nga she's torn apart. Hindi niya kasi alam kung anong dapat niyang gawing reaksyon.

Okay lang ba kasi emergency naman? Okay lang ba kasi may importante naman yun kesa sa pag-uwi nila ng sabay? 

Okay lang ba kasi si Chaeyoung naman yun?

She knows she's a bit angry inside. Pero considering the situation, mas pinili na lang niyang tumahimik, mas pipiliin na lang niyang intindihin.

Nakita niyang papalapit na si Gyeom patungo sa kung saan siya naghihintay. Kitang kita niyang hingal na hingal to galing sa pagtakbo.

"Yeri! Sorry kung naghintay ka." 

Buti pa siya, marunong magsorry.

"Uy okay lang!" Matamlay nitong sabi.

Yugyeom explained Bambam's side once again, kahit sinabi ni Yeri na naiintindihan nito ang sitwasyon. He kept saying sorry to her, kahit hindi naman ito ang may kasalanan.

"Alam mo Gyeom, kanina ka pa nagsosorry diyan. Ikaw ba si Bambam?"

"Ang tamlay mo kasi." He replied. Kahit ang totoo nito'y he's only explaining Bambam's side para kahit papaano gumaan ang loob ni Yeri. Kahit halatang mas nainis lang ito.

They walked home. Kanina kasi inaayang mag grab ni Yugyeom si Yeri since malalim na ang gabi, plus she's wearing heels. Alam naman niya kasi yung struggle ng girls sa pagsuot ng mga bagay na hindi kumportable. Ngunit, pinilit ni Yeri na maglakad nalang daw sila, tutal, twenty minute walk lang naman ang venue to their neighborhood.

Tahimik silang naglalakad. He saw Yeri's a bit down, ngunit wala siyang magawa. Naiintindihan naman kasi siguro niya ang pinanggagalingan ng feelings ni Yeri. He's a bit of an audience, sa totoo lang. He knows Bambam just needs a bit of a push, pero sa sitwasyon ngayon, hindi niya na alam kung ano ang gagawin niya just to comfort her.

Kaya naman he just let their atmosphere quiet. Naisip nitong baka kailangan lang niya ng kasama, yung may presence man lang ba sa paligid niya.

The walk was smooth at the first ten minutes, ngunit noong nakalahati na nila ang distansya'y naramdaman nila parehas ang maliliit na patak ng ulan, hanggang sa bahagyang lumakas na ito.

Kinuha ni Yugyeom ang kamay ni Yeri. "Yerms! Sumilong ka." Anito.

Ngunit hindi nagpatinag si Yeri, "Uyy sumilong ka, magkakasakit ka pa niyan! Lagot ako nito kay Bambam!" Ulit niya habang bahagyang hinihila na ang palapulsuhan nito.

"Gyeom. Bakit gano'n?" garalgal na sabi ni Yeri. Napatigil naman si Yugyeom sa paghila sa dalaga't napatingin nalang sa kaniya.

"Bakit ba kasi hindi na lang ako?" Ngayon, kitang kita na ni Yugyeom ang luhang lumandas sa pisngi ni Yeri kasabay ang pag lakas ng agos ng ulan.

"Mahirap ba? Mahirap bang kahit isang beses lang, ako naman yung piliin? Mahirap ba kong mahalin?" Ani Yeri habang sinasalubong ang lamig ng simoy ng hangin at ang tubig galing sa langit.

His heart sank at seeing Yeri like this. Ngayon niya lang nakitang nagbreak down si Yeri ng ganito, contradicting to her bubbly and energetic personality.

"Hindi ko kasi maintindihan. Tao lang naman ako. Hindi ko naman sinasadya na mahulog sa kaniya. Hindi ko naman kasalanan na mahal ko na rin siya." She cried.

Yugyeom looked at her. Gusto niya ring umiyak. Hindi rin naman niya alam ang sasabihin, kaya hinila nalang niya si Yeri at niyakap ito, just to comfort her.

Mas lalo naman humagulgol ang dalaga sa ginawang gesture ni Yugyeom. 

"Hindi ko na alam.." She muffled. "I just want this feeling to stop. Masyado nang masakit.." 

Secret Confession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon