Yeri's confused and a bit of irritated. Pag talaga nakita niya tong si Yugyeom ay paniguradong kokotongan niya 'to to the max.
Paano kasi, after the song changed in a slow one, dali dali itong kumaripas sa kung saan, leaving yeri in the sea of people.
She chatted him dahil nga inis siya rito. Matapos niyang pag-isipan ng mabuti ang kaibigan, may pa "he's a sunshine who makes people smile" pa siyang nalalaman tas ganito gagawin sa kaniya after? Medyo nakalimutan niya rin nga palang tarantado tong mga tropa ng bestfriend niya.
Maliit lang siya oo, and the perks of being short is para makipagsiksikan ng ganon kadali sa matataong lugar. And she's proud that she's acing this thing kahit bwisit siya. And now she's about to find the exit, hinahanap nalang niya which way ang madaling lusutan palabas when someone grabbed her wrist.
Napalingon naman siya dito. And to her surprise, it's him.
Her heart beated fast.
Hindi niya alam kung anong gagawin niya o kung ano ang sasabihin kaya naman napatitig nalang siya sa kamay ni Bambam na nakahawak sa palapulsuan niya.
He immediately removed his grip on her wrist after realising na parehas nilang tinititigan ito.
"Ah, uhm. Sorry.." he said. Pero hindi alam ni Yeri kung ano ang dapat ireply. Tameme rin siya. She suddenly became a statue.
He was dazzling.
Bagay na bagay talaga sakaniya ang kulay pula. No words of admiration can ever weigh whatever the hell she want to praise him with.
She didn't know what to say to him after looking at his visuals.
She muttered a word. Pero kahit siya hindi niya alam kung ano yung salitang yun.
"Yeri.. Ah, Banjing. Pwede ka bang maisayaw?" He started.
Mas kumaripas lalo ang tibok ng puso ng dalaga. "O-oo naman! Bakit naman hindi?" She said while forcing a laugh kahit kinakabahan na siya.
Bambam lead her on the middle, kung saan sila pumwesto ni Gyeom kanina.
They were now facing each other. Hindi alam ni Yeri kung ano ang dapat gawin, kung saan siya hahawak, kung magiinitiate siyang ilagay ang mga kamay niya sa batok nito.
But to her suprise, Bambam went to collect her feminine hands and guide it up to his neck, on his shoulders. Inilagay naman niya ang dalawang kamay niya sa baywang nito.
Now she's sweating hard, kahit pa man airconditioned ang buong looban ng venue.
His touch has a lot of effect on her. Alam niya yon, kaya ngayon she's really nervous.
The song playing was just a bit fancy to dance on, kaya sobrang casual lang ng pag giya nilang dalawa. Sumasabay sa kung ano mang agos sila dadalhin.
"Kumusta ka?" Panimula muli ni Bambam
"Ah. Okay naman.. Ikaw?"
"Okay lang din."
And just like that, ganun katulin ang pag uusap nila. Ramdam nila parehas na may tensyon, pero walang gustong humiwalay.
Both are stubborn to carry out a conversation once again. Parang sa pagsayaw na yon, okay na sila. Sa posisyon nilang yon, nagkakaintindihan na ang kanilang mga puso.
Kanila nga ba? O kay Yeri lang?
They remained like that, while a whole song finished playing. Though their eyes are not directly looking at each others'. Kung yunh kay Yeri ay naglilibot, yung kay Bambam ganun rin.