TAHIMIK na lumabas ng auditorium si Jema habang ang mga kaibigan ay masayang nakipagbatian sa mga ibanh kakilala. Huminto siya saglit nang may tumawag sa pangalan niya.
" Jema, wait!" nakangiting tawag ni Deanna.
" Oh, Hi, Deanna! Congratulations!" Pinilit niyang patatagin ang boses saka nginitian ang mga kasama nito. Nalulungkot siya sa napipinto nilang paghihiwalay.
" Hello, sweetheart.....happy graduation to you, too!" ganting-bati nito, walang pakialam kung kaharap man ang mga magulang nito.
Nakita pa niya kung paano naiba ang ekspresyon ng may-edad na lalaking kasama nito.
" By the way, mga parents ko. Dad, Mom, this is Jema."
Inilahad ni Jema ang kanang kamay at ngumiti sa mga ito. " Nice to meet you, Sir, Ma'am," malugod niyang bati sa mga ito.
" Happy graduation, hija," ani Mam Judin.
" M-maraming salamat ho."
" Deanna, bakit hindi mo siya imbitahan bukas ng gabi para sa munting salo-salo sa bahay? I'm sure hindi ka tatanggihan ng kaibigan mo. At sigurado kong matutuwa siya kapag nalaman niyang malapit ka nang ---------"
" Ah, Dad, I'll take care of that!" may diing sabi ni Deanna.
Hindi iyon nakaligtas sa pakiramdam ni Jema.
" Mom, mauna na kayo sa kotse. Susunod na lang ako, kakausapin ko lang si Jema." Nakuha naman kaagad ng Mommy niya ang ibig niyang mangyari.
" Hija, my invitation still stands," patuloy ng Daddy niya.
Tumingim siya kay Deanna na parang hinihingi ang tulong nito. " I would be glad to attend if Deanna will take me there, Sir!"
Makahulugan ang mga ngiting gumuhit sa mga labi ng Dad niya. Matapos magpaalam sa kanya, umalis na ang nga ito para bigyan sila ng pagkakataong makapag-usap.
" So what is it?" nakangiting tanong niya kay Deanna. Na-conscious siya sa malagkit na titig nito.
" You're so beautiful, sweetheart!" walang ano-ano'y bulong nito. " I want to give you this. Happy graduation, sweetheart!" Iniabot nito sa kanya ang isang kahita.
Dahan-dahan niya iyong kinuha at saka marahang binuksan habang pinapanood siya nito. Napasinghap siya nang makita ang regalo ni Deanna. A gold necklace with an initial " D " sa pendant.
" Deanna, this is too much. I-I can't....." maluha-luha niyang sabi. She was touched with his gesture.
" Gusto kong tanggapin mo ang regalong yan. Matagal ko na yang gustong ibigay sayo pero naghintay ako ng tamang pagkakataon."
Ano ang ibig nitong sabihin?
" Ako na ang magsusuot sayo." Hindi na makatutol si Jema nang kunin ni Deanna mula sa kanya ang kwintas at isuot iyon sa leeg niya. " Bagay na bagay sa'yo, sweetheart. Ipangako mo sa akin na iingatan mo ang regalo kong ito. Bigay yan sa akin ni Mommy noong first birthday ko."
" Deanna, napakaimportanteng bagay nito sa'yo------------"
" Importante ka rin sa buhay ko, sweetheart!" masuyong sabi nito saka ikinulong ang mukha sa mga palad nito.
Pinamulahan siya ng pisngi. Lalo siyang naguluhan sa mga pangyayari base sa mga naririnig mula rito.
" Thank you! I wish I could give you something as important as this."
" You could give me a kiss," tudyo ni Deanna. Nakatanim pa rin sa isip nito nang gabing lasing siya at halikan nito. Mula noon ay hindi na ito natahimik.
Hindi nagdalawang-isip si Jema. Pinagbigyan niya ang hinihingi nito. Ilang sandali lang ay dahan-dahang bumaba ang mga labi nito palapit sa mukha niya. Pero hindi sa pisngi na tulad ng inaasahan niya kundi sa mga labi!
Nang maramdaman nito sa ikalawang pagkakataon ang tamis ng mga labi niya'y hindi nito napigilan ang sarili na tagalan ang paghalik.
" I love you, sweetheart," bulong nito sa kanyang tainga nang sa wakas ay maghiwalay ang kanilang mga labi. Nagpalipat-lipat ang titig nito sa kanyang mukha at sa suot niyang kuwintas.
Halos hindi na makagalaw si Jema dahil sa epekto ng halik nito. Hindi niya iyon inaasahan. Ilang sandali muna ang lumipas bago tuluyang rumehistro sa kanyang utak ang sinabi nito.
Mahal siya ni Deanna!
" May gagawin ka ba mamayang gabi?" Dinama ng dalawang daliri nito ang kanyang mga labi.
" H-ha? A-ano?" balik-tanong ni Jema.
" I'm asking you out. Susunduin kita mamayang gabi, okay lang ba sa'yo?"
"S-saan tayo pupunta?"
" It's a surprise, sweetheart. Be ready at seven, okay?" Let's make our fairy tales come true..
Napatango na lang siya. Lalo niyang hindi inaasahan nang muli siya nitong hinalikan sa mga labi
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
RomanceIt all started with a joke..Tinanggap ni Jema ang pambubuyo ng mga kaibigan..Nilapitan niya si Deanna, ang campus crush nilang kaklase. Nakipagkilala siya at sa harap ng girlfriend ni Deanna sinabi niyang crush niya ito. Pagkatapos umalis siyang par...