Chapter 46:

1.4K 69 11
                                    

SAMANTALA.....

" Mam, you have a visitor here. Her name is Celine Domingo. She wants to talk to you as soon as possible," sabi ng sekretarya ni Deanna sa intercom.

Napakunot-noo si Deanna. Kulang na lang ay ipagtabuyan siya ng babae minsan sa opisina nito at halos patayin sa matatalim na tingin sa mga pagtitipong dinadaluhan nila. Halata ring iniiwasan siya nito tuwing nagkikita sila na parang may nakahahawa siyang sakit. Kaya ipinagtaka niya kung bakit gusto siya nitong kausapin nang umagang iyon.

" Please, send her in right away," utis niya.

Sumunod naman ang sekretarya niya.

" Good morning, Ms. Wong. I'm sorry to interrupt your work. But we really have to discuss some things that might interest you," tuloy-tuloy na sabi ni Ced nang makapasok sa kuwartong iyon.

Pinaupo niya ito. " There's no need for formality, you know that, Ced," marahan niyang sabi.

" Sinorpresa mo ako. Natatandaan mo pa ba yong araw na ibalik ko ang planner mo? Halos ipagtabuyan mo ako palabas ng opisina mo." Mas higit ang pagbibiro sa tono ng kanyang pagsasalita.

Namula ang pisngi nito dahil sa kahihiyan. " Pasensiya ka na sa ginawa kong yon, Deanna.

H---hindi ko........."

" Hindi mo kailangang humingi ng paumanhin, Ced. Wala na sa akin yon. Tinawag niya ito sa palayaw. " Nababagay lang yon sa akin dahil sa ginawa ko ilang taon na ang nakakaraan. Oo nga pala,kumusta na ang inaanak mo?"

" H--ha?" Natulala ito sa tanong niya. Hindi nito malaman kung paano magre-react.

" Ced? Okay ka lang ba? May nasabi ba akong hindi maganda? tanong niya sa pananahimik nito.

" Y-yeah.....I'm okay. May naalala lang ako," garalgal nitong sagot. " T-tungkol sa inaanak ko, mabuti naman siya. Malaki na rin siya ngayon......."

Parang may gusto pa itong sabihin.

" Mabuti naman kung gano'n," walang kaidea-ideyang sagot ni Deanna. " Ano nga pala ang ipinarito mo? May maipaglilingkod ba ako sa'yo?"

" Oo. Ang totoo niyan nagpunta ako rito para humingi ng pabor, kung okay lang naman sa'yo."

" Oo ba! Bakit naman hindi? Para ano pa at naging magkaibigan tayo? Basta ba makakaya kong gawin, bakit hindi?" nakangiti pa rin niyang sagot.

" Tungkol ito kay......... J---jema."

" Ano'ng tungkol kay Jema?" Nawala ang ngiti niya. Bigla siyang kinabahan. " Ced, kung nagpunta ka rito para sabihin sa akin na kalimutan ko na si Jema, I'm sorry pero hinding-hindi ko yon magagawa."

Napangiti ito sa naging reaksiyon niya. " Hindi ako nagpunta rito para utusan kang kalimutan si Jema. Ang totoo niyan, handa akong makiusap kung kinakailangan. Gusto ko lang makasiguro sa isang bagay bago ko sabihin ang talagang pakay ng pagpunta ko rito. Gaano mo kamahal si Jema?"

Nagulat siya sa biglang itinanong nito.  Kailangan pa bang pag-usapan ang bagay na iyon? Hindi pa ba rito malinaw kung gaano niya kamahal si Jema? Ang kaisa-isang babaeng minahal niya nang walang kapantay pero nagawa niyang saktan. At sa paglipas ng maraming taon ay minamahal parin niya.

" I love her more than she'll ever know," malungkot na sabi ni Deanna. Nanghihinayang siya sa isiping hindi na niya kailanman masasabi iyon kay Jema gaano man katindi ang kagustuhan niyang gawin ang bagay  na iyon.

" Kung mabibigyan ka ng pagkakataon para maiparamdam uli ang pagmamahal mo sa kanya, magagawa mo ba uling buksan ang puso mo para sa kanya?"

" Kung mabibigyan man ako ngayon ng pagkakataon para mapaniwala siya na siya lang ang minahal ko nang totoo, ngayon din buong kalooban kong tatanggapin, anuman ang kapalit. Pero sa ngayon, pakiramdam ko hanggang kahilingan na lang yon. Kung alam ko lang kung nasaan na si Jema ngayon, matagal ko na siyang pinuntahan at hindi na kailanman pakakawalan."

NATUWA si Ced sa isinagot nito. Hindi siya makapaniwala sa sinseridad sa boses nito. Ngayon siya higit na naniniwalang ang pag-iibigan nina Deanna at Jema ay totoo at pang-habambuhay.  Iyon nga lang, hindi nabigyan ang mga ito ng tamang pagkakataon para maipadama sa isa't-isa ang pag-ibig na iyon.

At ngayong may pagkakataon ang mga itong dugtungan ang kahapon, gagawin nilang magkakaibigan ang lahat para muling pagtagpuin and dalawang taong totoong nagmamahalan pero pinagkaitan ng panahon.

" May pagkakataon ka pa para gawin ang mga bagay na hinihiling mo, Deanna. Alam ko kung nasaan si Jema."

" A-anong ibig mong sabihin?"

" Nandito siya ngayon sa Pilipinas. Dumating siya ilang araw na ang nakararaan. At kung nagtataka ka kung bakit ngayon ko lang sinabi sa'yo dahil bumuo muna kami ng plano para sa inyong dalawa."

" Ced, sabihin mo sa aking hindi ito isang biro lang," hindi pa rin makapaniwalang bulalas nito.
Umiling siya bilang pag sang-ayon na hindi nga siya nagbibiro.

Lubusan na itong naniwala. " Ced, you really are a gem, alam mo ba iyon?"

" Thank you, Deanna. Pero hindi mo na ako kailangan bolahin pa. Kailangang magkausap kayo ni Jema, para ituwid ang mga nangyari sa inyo noon."

Na-guilty siya. " You will get your chance tomorrow night at our reunion party in Manila Hotel.

" Hindi pa alam ni Jema ang tungkol sa party na yon dahil hindi namin ipinakita ang invitation sa kanya. Nag-aalala kami na baka kapag naisip niyang nandoon ka sa party, umatras siya. Kaya plano naming sorpresahin na lang siya at isama sa party nang hindi niya nalalaman ang pupuntahan. Hahayaan namin kayong dalawa na pag-usapan ang mga bagay na kailangan n'yong pag-usapan.

" Nakikiusap din ako na huwag kang magtatangkang kausapin siya ngayong araw na ito o bukas bago ang reunion party natin. Baka maisipan niyang umalis kapag ginawa mo yon. Nakapaghintay ka na nang matagal, lubusin mo na. At makakatulong din kung hindi n'yo na babalikan ang mapait na kahapon," paalala pa niya.

" Ced, thank you so much." Niyakap siya ni Deanna bilang pasasalamat. " Hindi ko alam kung ano'ng nagpabago sa opinyon mo sakin ngayon. Pero anuman yon, ipinapangako ko na gagawin ko ang lahat ng makakaya ko maibalik lang ang dating saya ng pagmamahalan namin ni Jema."

" Yan ang dapat mong gawin. Pagpasensiyahan mo na ang masamang bagay na sinabi namin sa'yo. Pagpasensiyahan mo na rin na hindi ka namin binigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag noon. At kaya ko ito ginagawa para makabawi sa mga nagawa namin sa'yo."

" Naiintindihan ko at wala kang dapat na ihingi ng tawad."

" Mabuti naman at nagkakaintindihan na tayo ngayon. Kailangan ko nang umalis. Dumaan lang ako para sabihin sa'yo ang magandang balita." Nauna na siyang maglakad patungo sa pintuan.

" Ced, maraming salamat sa pagmamalasakit mo. Hindi ko ito makakalimutan," muli nitong pasasalamat. Sinundan siya nito at ipinagbukas ng pinto. " Puwede ko na bang sabihin na magkaibigan na tayo uli?"

" Oo naman! Basta ipangako mo lang na pakamamahalin mo si Jema mula ngayon at huwag mong sasaktan," nakangiti nang sabi niya.

" Mahal ko si Jema mula noon hanggang ngayon. Wala kang dapat na ipag-alala pa tungkol doon."

" Mabuti naman kung gano'n, Deanna. Paano, aalis na ako."

" Sige. Salamat sa pagpunta mo dito, Ced. Magkita na lang tayo bukas.

" Aasahan naming lahat ang pagdating mo doon.

At Deanna....... "

" Yes?"

" Gusto ko sanang tandaam mo, ginawa ko ito hindi lang sa kadahilanang alam kong mahal na mahal mo pa rin si Jema hanggang ngayon. May isa pang mabigat na dahilan. Kapag dumating ang panahong yon na maiintindihan mo ang ibig kong sabihin, maging masaya ka sana at huwag nang aksayahin pa ang panahon n'yo sa pag-aaway."

Tumango si Deanna kahit parang naguguluhan sa huli niyang sinabi.

Authors Note:

Last One for now magiging busy muna ako uli at focus sa work but pag me free time I will make sure to update my story...Abangan natin ang mangyayari kung magkikita naba sila...

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon