Chapter 49:

3.1K 100 77
                                    

MAGKAHAWAK-KAMAY na tinungo nina Jema at Deanna ang gitna ng dance floor. Halos lahat ng mga taong malapit doon ay sa kanila napako ang mga tingin. Hindi naman iyon nakapagtataka dahil napakaganda nilang tignan bilang pareha.

" You look beautiful," madamdaming bulong ni Deanna. Nagbigay iyon ng kakaibang kiliti sa kanya.

" T-thank you. I-ikaw din." For Pete's sake! Bakit nauutal siya sa tuwing ibubuka niya ang bibig?" Lihim niyang sinisi ang sarili kung bakit ganoon na lang ang epekto nito sa kanya.

" You mean I look beautiful, too?"

" Y-yes, N-no.....I- I mean napaka cute mo ngayong gabi," nahihiya niyang amin.

" Thank you, sweetheart! I must admit, you're more beautiful now."

" Stop flattering me, Deanna!"

" I am not flattering you, Jema. Katotohanan ang sinasabi ko.

Hindi na lang siya umimik. Ang katahimikang namamagitan sa kanila ang nangusap para tuluyan nang mawala ang tensyong namamagitan sa kanila.

Hindi nila pansin kung tinitignan man sila ng mga naroroon.

Mayamaya lang ay nakita niyang tumayo si Ced at nilapitan ang DJ. Binulungan ito.

Masuyo siyang hinapit ni Deanna palapit dito. Para silang iisang katawan mula sa malayo. Sapat ang ginawa nito para muling bumangon ang takot sa dibdib niya. " Deanna!"

" Ssshhh. Listen to the music, sweetheart," sa halip ay bulong nito. Hinahalikan siya nito sa punong-tainga.

       Two old friends meet again
       Wearing older faces
       Talk about the places they've been..

" It's so good to see you again, sweetheart," puno ng pagsuyong bulong ni Deanna.

Tuluyan nang kumawala ang pinipigil na luha ni Jema nang marinig ang mga salitang iyon. Namalayan na lang niyang inihihilig nito ang kanyang ulo palapit sa dibdib nito habang masuyong hinahagod ang kanyang buhok.

Two old sweethearts who fell apart
Somewhere long ago
How are they to know
Someday they'd meet again
And have a need for more than reminiscin'

" Hush, sweetheart," pigil ni Deanna sa nararamdamang pag-iyak niya. " I'm so sorry for all the pains I've caused you. But I want you to know that after all those years, it is only you that I have loved. And it pains me more than you could imagine seeing you suffering because of me."

" Deanna, you can't do this to me," pagsusumamo niya. Ayaw na niyang maalala ang nakaraan.

" I still love you, Jema," anito habang masuyong pinupunasan ng daliri ang luhang umalpas sa kanyang mga mata. " I never stopped loving you after all these years. Please, give us a chance."

Maybe this time
It'll be loving they'll find
Maybe now they can be more than just friends
She's back in his life
And it feels so right
Maybe this time LOVE won't END....

" Deanna, hindi gano'n kasimple ang gusto mong mangyari. Marami nang mga bagay ang nabago at nadagdag. Komplikado na ang sitwasyon," marahang paliwanag niya. Nakayakap ang mga kamay niya sa leeg nito habang ito naman ay nakahawak sa bewang niya. Sa masuyong haplos at hawak nito'y may pakiramdam siyang hindi siya nito muling pakakawalan.

" I don't care. What matters is that I love you so much. Now that you're in my arms again, I'm not letting you go. It was hell since you're gone. You were mine the moment you gave yourself to me................and I'll be damned if ever you disappear from me again."

" Deanna, hindi mo kasi alam ang lahat kaya hindi mo pa naiintindihan." Hindi na alam ni Jema ang dapat sabihin para maliwanagan ito. Nang marinig ang mga sinabi nito'y lalong nanghina ang depensa niyang huwag magpaapekto rito.

Makakayanan kaya niyang muling sumugal, muling mahalin ito at muling masaktan kung saka-sakali? Sapat na bang magtiwala siyang muli at tanggapin ang pag-ibig na iniaalay nito sa ikalawang pagkakataon?

Namalayan na lang nila na marami nang pareha ang nagsasayaw sa paligid.

" I guess I'd better take you to your seat now," bulong nito nang ilang sandaling wala nang salitang bumitaw sa kanilang dalawa.

Malugod naman niyang tinanggap iyon. " Yes, that would be nice, thank you."

Inalalayan siya nito pabalik sa kanyang upuan nang marinig nila ang isang pamilyar na boses. Si Bea.

" Deanna, Good to see you again," bati nito, kinamayan ang kaibigan at tinapik sa balikat.

" Bea! Kumusta ka na? It's good to see you, too! Niyakap nito ang babae.

" Puwedeng mahiram muna itong kaibigan ko? Magkukumustahan lang kami sandali," hinging-pahintulot ng babae kay Jema.

" Sure, go ahead, Bea. Sigurado kong marami kayong pagkukuwentuhan," taboy niya sa mga ito.

Halata namang napipilitan lang si Deanna sa imbitasyon ni Bea. Gusto sana nitong makasama siya sa buong gabi pero kabastusan naman kung hindi nito pauunlakan ang paanyaya ng matalik na kaibigan. Isa pa, tama rin si Jema, marami silang kailangang pag-usapan.

" Babalik din ako kaagad." Pinisil pa no Deanna ang kamay niya bago umalis. Parang sinasabing hindi siya makakawala rito nang gabing iyon.





Authors Note:

“Because fate has a funny way of mending things back together. I mean you are here and I am here, and we’ll find each other again, that is, if that’s the way it’s supposed to be. So if you believe I believe.” — R.M Drake

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon