Matutulog na lang si Jema nang tumunog ang telepono. Nagtaka siya. Tumawag na sina Ced, Ponggay at Jho, at may kung ilang oras din silang nagkuwentuhan.
Nakagawian na nilang magkakaibigan na kahit buong araw nang magkasama sa eskuwelahan ay hindi pa rin nagsasawaang mag-usap sa telepono kinagabihan.
" Hello------"
" Hi, sweetheart!" anang tinig mula sa kabilang linya.Ginising ng boses na iyon ang inaantok niyang diwa. Kung bakit kasi boses lang ni Deanna ay masyado na siyang naaapektuhan.
" Ginising ba kita?"
Kinalma ni Jema ang sarili. " Matutulog pa lang naman ako. Paano mo nga pala nalaman ang number ko? I-I never gave it to you and it isn't listed in the directory."
Narinig niya ang mahinang tawa nito.
" I did some researching. Para ano pa't tinawag mo akong babaero kung phone number mo lang hindi ko pa malalaman," pagyayabang nito sa tonong nagbibiro. " Anyway, I would like to invite you out tomorrow night. Gusto ko i-celebrate ang pagkakakilala natin."
" K-Kailangan pa ba yon?" Doon niya napatunayan na mabilis ito sa pakikipag-date. " And mind you, hindi puwedeng ako lang. Kailangang kasama ko sina Ced, Ponggay at Jho."
Natawa na naman ito sa sinabi niya. " Sinabi ko bang ikaw lang ang niyayaya ko?"
" Ah, gano'n..Puwes, mas mabuti pang ibaba ko na itong telepono kung ganyang aasarin mo na naman ako. Maghanap ka na lang ng ibang makakausap at iistorbohin sa pagtulog. Baka bangungutin pa ako kapag tuluyan akong nainis."
" No! Please don't hang up!" ani Deanna. " All right, lahat kayo kasama ko. Seryoso na ako."
" Good! Bakit nga pala bigla kang nang-imbita? Wala kang date, no?"
" Hmmm, sabihin na nating gano'n na nga. Dahil ikaw ang dahilan kaya wala na kami no'ng dati kong girlfriend. Pero hindi na yon importante. Gusto kitang makasama. Wala ka namang boyfriend-----"
" At paano ka nakakasigurong wala nga akong boyfriend, ha?" putol niya sa iba pang sasabihin nito."
" Jema, marami na akong alam tungkol sa'yo. You're beginning to sound cute again," pambobola nito. " I told you, I did some researching."
Para siyang batang hindi nakatanggi sa imbitasyon nito. " Okay. Magkita na lang tayo sa parking pagkatapos ng klase."
" No way! Susunduin kita bukas at sabay na tayong papasok para hindi ka na ulit ma-late. So ibig sabihin n'on Miss Galanza , hindi mo na kailangang dalhin ang maganda mong kotse."
At bakit naman naisipan nitong sunduin siya? " Hoy, Ms.Wong! Alam mo ba kung anong pinagsasasabi mo?"
" Jema...." Parang isang malambing na musika ang pagtawag nito sa pangalan niya sa kauna-unahang pagkakataon. " Basta hintayin mo ako bukas and that's final!"
" O-Okay, agree! Agahan mo ang pagsundo sa akin." For the very first time, hindi siya nagprotesta sa gustong mangyari nito.
" Yes, I will, sweetheart!"
" Whatever."" Bye, sweetheart. Dream of me, please," nakakaloko pa nitong sabi bago ibaba ang telepono.
Iyon ang naging simula ng malimit na paglabas-labas nila. Paminsan-minsan ay grupo sila, pero malimit ay silang dalawa lang. Mahigpit ang pagbabantay ni Deanna kay Jema. Kung anuman ang dahilan ay ito lang ang nakakaalam.
Hanggang sa lumalim ang pagkakaibigan nila. Wala silang itinatagong sikreto sa isa't isa. Alam nila pareho kung anong mga bagay ang nakapagpapasaya sa kanila.
Ang nanatili lang nakatago ay ang totoo nilang nararamdaman para sa isa't isa.
Note: haaaaayyyyy sarap bumalik sa nakaraan yung nakakasama mo si crush..
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
RomanceIt all started with a joke..Tinanggap ni Jema ang pambubuyo ng mga kaibigan..Nilapitan niya si Deanna, ang campus crush nilang kaklase. Nakipagkilala siya at sa harap ng girlfriend ni Deanna sinabi niyang crush niya ito. Pagkatapos umalis siyang par...