" Deanna, bro! Kanina pa kita hinahanap. Ilang beses na akong tumawag sa inyo pero hindi nila alam kung saan ka nagpunta. Saan ka ba galing, ha? Alam mo namang hindi ako makapag-happenings nang hindi ka kasama," tuloy-tuloy na sabi ni Bea nang pagbuksan siya ng pinto.
" Galing ako sa Tagaytay, bro. Nandiyan ba sina Tito at Tita?" Ang tinutukoy niya ay ang mga magulang nito.
" Wala sila. May dinaluhang party. Bored na nga ako dito sa bahay eh." Nauna ito sa kusina para kumuha ng makakain. " Ano naman ginawa mo sa Tagaytay?"
" Kasama ko si Jema, bro," aniyang inabot ang bote ng beer.
" Talaga?!" Nanunudyong ngiti ang nakaukit sa mga labi ni Bea.
Isang tango ang isinagot niya saka tuloy-tuloy na ininom ang laman ng bote.
" Kasama mo naman pala si Jema, eh bakit ganyan ang itchura ng pagmumukha mo? Nag-away ba kayo?"
Iling naman ang isinagot niya
" Gano'n naman pala. Bakit parang ang bigat-bigat ng problema mo?" Napailing ito sa tuloy-tuloy niyang pagtungga.
" Hassle sa bahay, pare. Kinausap ako ni Dad pagdating ko kanina."
" Problema ba?"
Tumango siya." Tara, doon tayo sa pool, bro. Doon na lang tayo mag-inuman at pag-usapan kung anuman yang bumabagabag sa'yo, kesa lumabas pa tayo at pumunta sa bar. Mas makakapag-usap tayo nang masinsinan dito."
Pagkatapos ilagay sa isang tray ang mga bote ng beer at magpagawa ng pulutan sa katulong saka sila tumuloy sa gilid ng swimming pool.
" Tungkol kay Kat.....at sa engagement namin."
" Hindi pa rin ba nagbabago ang desisyon ng Daddy mo?"
" Mas lalo pa siyang naging desidido na ipagpatuloy ang kasal ko kay Kat dahil malapit na akong mag-graduate. Pero, bro, alam mo namang tutol ako sa gusto nilang mangyari, di ba?"
Tumango si Bea. Higit kaninuman, naiintindihan nito ang gusto niyang mangyari. Kung may magagawa lang ito para tulungan siya, matagal na nitong ginawa.
" Ano ngayon ang plano mo?" Bakit hindi mo kausapin si Kat at sabihin mo sakanya ang gusto mong mangyari? Sigurado akong maiintindihan ka niya."
" Ginawa ko na yon, Bea. Gaya ko, tutol din siyang magpakasal kami. Hinintay naming magbago ang naging pasya ng mga magulang namin pero mas tumindi ang kagustuhan nina Daddy na matuloy ang kasal."
" Kung gano'n palang nagkakaintindihan kayo ni Kat, bakit hindi mo ligawan si Jema at nang maging legal na kayong dalawa sa mga mata ng parents mo?"
" Maganda ang takbo ng pagkakaibigan namin ni Jema at ayaw kong masira yon. Kapag malinaw na ang lahat sa aming dalawa ni Kat, saka ko aasikasuhin ang tungkol sa amin ni Jema."
" Siguruhin mo lang na kakausapin mo si Kat sa lalong madaling panahon bago mahuli ang lahat. Baka sa iba pa malaman ni Jema na engaged ka na sa iba, malamang bad shot ang aabutin mo sakanya. Ikaw rin, alam ko namang patay na patay ka kay Jema," tudyo pa nito. Sabay silang natawa sa birong iyon."
" Promise, bro, kakausapin ko si Kat para maging klaro ang lahat saka kami haharap sa mga magulang namin para sabihin na ayaw naming matuloy ang kasal."
" Good for you!" Let's have a toast to that."
" So how about you, Bea? Hindi mo ba popormahan si Jho?"
Nasamid ito.
" Come on....alam ko namang may gusto ka kay Jho, di ba?"
" Gusto mo bang magkaroon ng World War Three sa pagitan namin ni Michelle? Alam mo namang napakaselosa at sobrang possessive ng girlfriend ko na yon."
" Ang sabihin mo, hindi ka lng maka-score kay Jho dahil no pansin ka sakanya," patuloy na kantiyaw ni Deanna.
" Ulol!" muli silang nagtawanan.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
RomanceIt all started with a joke..Tinanggap ni Jema ang pambubuyo ng mga kaibigan..Nilapitan niya si Deanna, ang campus crush nilang kaklase. Nakipagkilala siya at sa harap ng girlfriend ni Deanna sinabi niyang crush niya ito. Pagkatapos umalis siyang par...