Chapter 6:

2.9K 82 0
                                    

" Good morning, Sir!! Sorry I'm late." Wala siyang pakialam kung lahat ng mga kaklase niya ay lumingon sa direksiyon niya.

" You're late again, Jema!" sita ng istrikto nilang professor.

" I'm really sorry, Sir! It's so ma-traffic kasi, eh" pa-cute niyang sabi na hindi mababakasan ng takot o pagkailang. Kinawayan pa niya ang tatlong kaibigan.

" Okay, you may take your seat now, Jema," walang nagawang sabi ng professor.

" Thank you, Sir! Nginitian niya ito nang matamis na parang walang nangyari. Dumiretso siya sa bakanteng silya sa tabi ng tatlong kaibigan. Tulad ng dati, nag-rereserve na naman ang mga ito ng upuan para sakanya.

Hindi sinasadya, napatingin si Jema sa bandang likuran. Nakatitig na naman sakanya ang babaeng palaging nakatingin sakanya sa tuwing pumapasok siya. Parang nakakaloko ang ngiting iyon ng kaklase. Tinaasan niya ito ng kilay at saka umupo sa tabi ni Celine.

" Sis, siguradong may nangyari na naman sa bahay n'yo. Late ka na naman nang forty-five minutes, eh!anito

" Hay naku,sis! Tama ka..May shooting na naman sa bahay kagabi kaya ayun, napuyat na naman ako!" parang tuwang-tuwa pang balita ni Jema. " Mamaya magkukwento ako in full details with matching sound effects pa!!" Sa magbabarkada si Jema ang malakas ang loob, madaldal, at mapagpatawa. But deep inside her, tahimik siya at emosyonal.

" Ikaw talaga! Teka, nakapag review ka naba  magbibigay daw ng quiz si Sir bago tao i-dismiss sabad ni Ponggay. Tuwang-tuwa ito sa pagiging kikay niya.

" Hindi..Pero okay lang yon, sis!! Stock knowledge lang yan!

" Hoy, mga bruha, tumigil na kayo! Nakatingin na si Sir sa atin. Baka mapagalitan na naman tayo," saway naman ni Jho. Ito ang pinakatahimik sa lahat at mahinhin kung kumilos.

" Okay, class don't forget your assignments! You're dismissed," annunsiyo ng kanilang prefessor.

" Kain muna tayo sa canteen, nagugutom na ako eh, si Ponggay, madalas napagkakamalang suplada at mataray dahil walang kiyeme kung magsalita.

" Oo nga..Kain muna tayo, tapos magkukuwento si Jema kung anong nangyari kagabi."

" Sige na nga, alam n'yo namang malaki ang takot ko sainyo, mga sis eh! biro ni Jema na nauna nang lumabas ng classroom. " Tignan n'yo nanginginig pa!" nakatawa niyang dugtong. Nanginginig pa sya kunwari.

" Ano ba talaga ang nangyari sa inyo, Jema at nawalan ka na naman ng ganang pumasok nang maaga kanina ha? pangungulit ni Jho nang nagmimiryenda na sila sa canteen.

" Hay naku, si Ate kasi at yung ka live-in niya  nag-shooting na naman kagabi. Ang lakas nga ng sounds effects eh, as in ang lalakas ng kalabog."

Bunso si Jema sa dalawang magkapatid. May kaya ang pamilya niya kaya nakakapamuhay sila ng matiwasay kahit ulila na sa ama. Isa lang ang problema niya, wala silang pakialamanan. Kaya idinadaan na lang niya sa biro at lakas ng loob ang lahat para kahit paano ay hindi niya maramdaman ang lungkot.

Hindi naman na sila masyadong pinakikialaman palibhasa malalaki na raw sila..Ang ate niya ay may legal ng pamilya at kasalukuyang naghihintay ng petisyon at sa Amerika na maninirahan.

" Sis, huwag ka munang titingin ha," si Jho in an excited tone. " Si Deanna, nakatingin sa'yo and take note, as in kanina pa nakatitig sa'yo."

" Sinong Deanna ang pinagsasabi mo?" Lumingon si Jema sa direksyong sinasabi ni Jho. Ang babaeng ngumiti sakanya pagpasok aa klase!!

" Yong bago nating kaklase sa Biology class. Actually, papi sya..Pero,sis masyadong babaero! warning ni Ced na sinundan ng mga mata ang tinitignan niya.

" Halata nga! Dahil sa katabi nitong kolehiyala na parang ahas ang pagkapulupot ng mga kamay sa braso ng babae. At nang magtama ang tingin nila, parang nakakalokong nginitian siya nito,

Nainis si Jema, Sa loob-loob ay gusto nitong makuha ang kanyang atensiyon. Pwes, pagbibigyan niya ito!!! " Mga sis, dare me!! Lalapitan ko yang babaeng yan at magpapakilala ako!!"

" Uh-huh, ayan kana naman sa dare mo. Kahit naman pigilan ka namin, sisige kapa rin. Halatang kinakabahan si Jho sa sinabi niya. Kilala siya nito. Wala siyang inuurungan. Kapag sinabi niya, gagawin niya gaano man kahirap.

" Come on, Jho, huwag kang killjoy! Diyan na nga lang binubuhos ni Jema ang frustrations niya sa buhay pinipigilan mo pa pambubuyo ni Ponggay na isa pang game. " I dare you, Jema lapitan mo siya."

" Talaga? Ano'ng premyo ko? Na-excite si Jema.
" Ililibre ka namin ng one week lunch at sa movie ni Bright!! Napangiti si Ced sa bagong gimmick ng barkada. For sure, hindi matatanggihan ni Jema ang hinahangaang aktor.

" Dare..!!! chorused nina Ced, Ponggay at Jho..

" Watch Me!!!

Sabay-sabay silang tumayo para pumunta sa mesang kinaroroonan nina Deanna. Palibhasa kilala sila sa buong campus, kaya napatingin sakanila ang mga kumakaing estudyante.

Note: this it meet the gang and how deanna and jema met each other and how they fall in love with each other..

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon