SHOOTERS Disco Club. Isa iyong sikat na hangout ng mga kabataan at young professionals. Nagpakasaya sina Jema nang gabing iyon tulad ng mga taong naroon. For the first time ay uminom sila ng tequila.
" Sis, sina Deanna at Bea....at may mga kasama," pagbibigay-alam ni Ced.
Nilingon ni Jema ang inginunguso nitong direksiyon. Hindi niya maaninag ang itinuturo nito dahil madilim at panay ang kislap ng mga ilaw.
I wonder kung sino na naman ang nasa tabi niya?
" Okay, sis, let's have toast," itinaas ni Jema ang hawak na kopita," to all of us! Sana matapos na natin ang internship at tuluyan nang maka-graduate. Mauntog na rin sana ang ulo ni Deanna at ma-inlove na siya sa akin."
" Hey, sali kami diyan," pawisang habol ni Ponggay mula sa dance floor. Kanina pa ito nagsasayaw kasama si Jho. Kinuha nila ang kani-kanilang kopita.
" At para saan naman yon? nagtatakang tanong ni Jho matapos nilang mag-toast at tunggain ang alak.
" Napaparami na yata ang inom natin ha?" baling nito kay Jema.
" Para saan pa, no! Siyempre, para sa Love of her life niyang si Deanna. Eh, wala naman bukambibig yang kaibigan nating yan kundi ang babaeng yon!" irap ni Ponggay, kinindatan pa ang katabing si Jho.
" Speaking of the devil. Nandito siya ngayon and take note, kasama si Bea," makahulugang baling ni Ced kay Jho saka lumingon sa direksiyon ng mga tinutukoy.
Sabay-sabay silang napalingon sa puwesto ng dalawang babae. Tumayo ang mga ito at papunta sa gawi nila.
" Ngayon, alam ko na kung bakit na-inlove ka sa babaeng yan. Lalong nagiging papi, sis!" nakakalokong sabi ni Ponggay; tinapik pa si Jema sa balikat. " Hindi na ako nagtataka kung bakit hanggang ngayon baliw na baliw ka pa rin sa kanya."
" She's tall and amazingly attractive!" si Jho.
Umarko naman ang kilay ni Ced. Nagtataka kung bakit hindi pinansin ng kaibigan ang crush nitong si Bea.
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
RomanceIt all started with a joke..Tinanggap ni Jema ang pambubuyo ng mga kaibigan..Nilapitan niya si Deanna, ang campus crush nilang kaklase. Nakipagkilala siya at sa harap ng girlfriend ni Deanna sinabi niyang crush niya ito. Pagkatapos umalis siyang par...