Tagatak ang pawis at habol ang hiningang ipinatong ko ang dalawang kamay sa aking tuhod, hindi ko na halos matandaan kung nakailang ikot ako sa oval dahil halos ibuhos ko ang buong lakas sa pagtakbo para pawalan ang inis na nararamdaman. Tumayo ako ng maayus ng masigurong maayus na ang aking paghinga, inikot ko ang paningin sa paligid kaunti lang ang tao dahil siguro gabi na din.
"Talia"
Mahinang usal ko sa kanyang pangalan, tatlong taon narin mula ng mangyari ang lahat, mula nooy pinilit kong magbago para sa sarili ko. Ikinubli ng pangyayaring yun ang dating si Jack, ang dating masayin, mapagbiro at positibong ako."Penny for your thoughts?"
Akala koy umalis na ang kaluluwa ko sa sariling katawan ng makarinig ako ng malalim na boses galing sa aking likuran, agad na lumingon ako sa aking balikat at agad ding humarap ng mapagsino ito."Miguel?"
Maluwag ang pagkakangiti nya sa akin showing his dimple na lalong naging dahilan ng mas gwapo nyang mukha, maraming nagsasabing magkahawig kami well hindi ko naman yun itinatangi."How are you?"
"Good, ikaw kumusta? tagal mo ding di nagpakita sa akin ah"
"You know business here and there hirap makahanap ng time para makapagrelax"
Pinag untog namin ang aming kamao bilang pagbati sa isat isa, base sa itsura ng kanyang mukha punong puno ito ng istoryang baon nya sa nakalipas na isang lingo, hindi nga ako nagkamali ng ayain nya ako sa pinakamalapit na coffee shop."Jack?"
"Uhm?"
Pinili namin ang medyo tagong pwesto para sa kaunting privacy, nang makaupo'y bahagya kong sinimsim ang halimuyak ng mabangong kape na kumakalat sa buong lugar tila isa itong gamot sa pagod kong katawan dahil naramdaman ko ang pagkalma ng aking sarili."Kailan ka uuwi sa probinsya? Miss ka na ni mama"
"Pero hindi si papa, baka masapak lang ako nun"
"Come on Jack tatlong taon ka ng hindi nakakauwi, bumisita ka naman"
Kumbinsi sa akin ng kuya kong si Miguel, inabot nya pa ang kamay kong nakapatong sa lamesa at bahagya iyong pinisil."Pano mo pala nalamang nasa park ako?"
Pag iiba ko ng topic, itinaas ko ang kaliwang kamay ng makita ang kadarating na si Wilson (isa sa mga waiter ng shop)"Galing ako sa apartment mo, pero nasa baba palang ako hinarang na ako ni Panot(landlord namin, wala na kasi syang buhok kaya tinatawag syang panot ng karamihan) sabi nya nagjogging ka nga raw"
"Hello sa pinakamaganda at pinakapogi kong customer ngayong gabi, anong atin?"
Masayang bati at putol ni Wilson sa aming usapan, pang gabi siguro ang shift nya ngayon halata iyon sa basa nya pang buhok, maputing foundation na hindi pumantay sa kanyang leeg at pink na lipstick nakasuot din sya ng puting polo shirt, itim na slacks at itim na apron."Isang black coffee at coffee latte Wilson, salamat"
"Anything else gurl?"
Ngumiti ako ng tipid at bahagyang umiling"How about you sir pogi?"
Maarteng tanong ni Wilson, hindi rin nakaligtas sa paningin ko ng hawiin nya ang ilang buhok na naglandas sa kanyang mukha at itago ito sa likod ng kanyang tainga."Wala na, yun lang salamat"
Umalis na Wilson pagkalaun makalipas ang ilang minutoy kumekending syang lumabas ng bar bitbit ang isang tray na may dalawang itim na tasa inilagay nya ito sa tapat namin at agad ding nagpaalam matapos.
"Wala ka pa bang balak kausapin si papa?"
Nag angat ko ng tingin mula sa iniinum na kape para lang makita ang malungkot nyang mukha."Alam mong sinubukan ko na yan ng maraming beses nakakapagod ng magpa ulit ulit, ikinahihiya nya ako Miguel, hindi paba malinaw yun?"
At sinisisi ko parin si Talia kung bakit nalaman ng buong San Isidro ang pagiging Lesbiana ko. I still hate her. Hindi man lang nya ako hinayaang makabuo muna ng desisyon, ninakaw nya sa akin ang opurtunidad na ipundasyon ang aking sarili bago ako humarap kila papa at sa mga taong mahilig mangialam sa buhay ng may buhay."Pero matagal na yun, basta come home pag ready kana huh? Hininhintay ka namin"
Buong sensiridad na usal ni Miguel ngumiti ako sa kanya bilang sagot, kahit ang totooy wala pa akong siguradong desisyon, natatakot ako sa maraming bagay pakiwari ko ay hubad ako sa tingin nf marami at pilit nilang sinisilip ang bawat detalye ng aking pagkatao.

BINABASA MO ANG
Pain of Yesterday (gxg)
Romance"Samantha?" Lumingon sya sa akin at mabining ngumiti ng magtama ang aming paningin, nasa rooftop kami ng school building at minamasdan ang papalubog ng araw. "Uhmm?" Saglit ko syang minasdan bago nagsimulang maglakad palapit sa kanya, isinasayaw ng...