5

113 6 0
                                        

"Pinag alala mo ako, akala ko kung ano na ang nangyari sayo"
"Hmm?"
Ibinukas nya ang isang mata para tanawin ako at madali ding isinara pagkatapos.

"Bakit tayo nasa ospital?"
"Dinala kita dito kagabi, nataranta ako nung mawalan ka ng malay pero sabi ng doktor kailangan mo lang daw ng pahinga possible daw na wala kang maayus na tulog at pahinga"

"Kailan ako lalabas?"
"Pag okay kana, lalabas na tayo"
Kinuha ko ang kamay nya at mahina itong pinisil ngumiti sya bilang sagot.

"Im more than okay now Jackie, ilabas mo na ako dito"

#######

Talia

Ang saya ko! Ang saya saya ko okay na kami ni Jackie well hindi pa gaya ng dati but we are working on it char! Para lang mag jowa charing! Susmiyo marimar katakot takot na uhog at luha ang inilabas ko kagabi para lang magkabati kami.

"Aray!"
Pinitik nya yung noo ko, baka mamya mamula to tisay pa naman ako Bad!

"Para kang tanga, kung makangiti ka para kang retarded"
Seryosong ibinalik na nya ulit yung tingin nya sa laptop.

"Beb?"
"May tinatapos ako Talia, mamya mo ako kulitin"
Sa totoo lang malapit na syang mag level up sa pagiging masungit nya, kandidato na sya para maging Ice dragon, natawa ako sa sariling kalokohan dahilan para tumingin ulit sa gawi ko, sinamaan nya ako ng tingin bago ibalik ang buong atensyon sa pagtatype. Ang cool naman ng bestfrenny ko ilan na kaya ang napa iyak nito?  Naku baka more than hundreds na ang ganda kaya ni Jackie mukhang artista kahawig nga nya si Ivana Baquero ng Shanara chronicles e.

"Im trying to concentrate here Talia"
Tumawa ako ng mahina, kasungit man ui

"Beb?"
"Beb?"
Masungit syang tumingin sakin

"Beb gusto ko ng Ice cream"
Nakita kong kumunot ang noo nya at bahagya iyong minasahe, as if titigilan ko sya kakabati lang namin e.

"Fine, wait me here"
Pumasok sya ng kwarto, maya maya lang ay lumabas na sya dire diretso sa pinto. See hindi parin nya ako matitiis cute ko kaya, hindi pa nagtatagal ng makaalis si Jackie ng mag ring ang cellphone ko, nakaramdamam ako ng lungkot ng makita kung kanino galing ang tawag.

"Hey Samantha?"
*Okay na ba kayo?"
Huminga ako ng malalim

"Oo kagabi lang"
"Talaga?"
Mahihimigan ang saya kahit nanghihina ang boses nya.

"Tingin mo pwede mo syang dalhin sa lugar ko para magkita kami?"
"O-oo naman pero baka hindi pa ngayon alam mo na, hahanap pa ako ng tyempo"
"I see, hihintayin ko yan Talia, salamat magpapahinga na muna ako bye"

Parang nawala ako sa mood bigla, nalulungkot ako na hindi ko maintindihan.

"Mukha kang si Daisy duck"
"Tinuyaw man ui!"
Sapo ang dibdib na sinamaan ko ng tingin si Jackie may bitbit syang supot ng 7/11, kuminang ang mata ko ng ilabas nya ang ice cream na dala.

"Sinong kausap mo?"
Inabot nya sa akin ang plastic cup na may laman ng rocky road ice cream.

"Ikaw diba?"
Hmmmm heaven ang sarap

"Kanina, pilosopo"
"Ahh, matandang kaibigan bakit?"
"Wala naman curious lang"
"Bakit ka bumili ng Ice cream?"
"Diba pinabili mo ako? Adik kaba?"
"Hindi curious lang din"
Tumawa ako sa sarili kong kalokohan, pero si Jackie nakatingin lang sa akin habang seryoso ang mukha, pero bago sya magbaba ng tingin nakita kung gumuhit ang magandang ngiti. Ngiting ngayon ko nalang ulit nakita.

Pain of Yesterday (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon