15

211 8 2
                                    

Sa loob ng tatlong taon ngayon nalang ulit ako nagising sa sariling kwarto wala itong pinagbago at walang inalis sila mama sa mga gamit ko ganun parin ang itsura pati ang kulay kapeng pintura, sumisilip na ang liwanag sa ilang siwang ng abong kurtina na syang tumatakip sa malaking bintana ng aking kwarto. Magdamag ata akong gising kakaisip sa mga pangyayari at kung ano ba ang dapat kong gawin, ngunit bago mag umaga ay nakabuo na rin ako ng konkretong desisyon. Nag inat ako ng kamay pataas bago nagsimulang tumayo, hinawi ko ang abong kurtina dahilan para kumalat ang liwanag sa kabuuan ng silid. Agad na bumungad sa akin ang nagmamayabang na luntiang taniman na nakapaligid sa mansyon ganun din ang nag gagandahang bulaklak sa hardin ni mama, tila naririnig ko pa ang huni ng mga ibon sa paligid.

"Mam Jackie?"
Tawag sa akin sa likod ng aking pintuan, sinundan yun ng mahihinang katok agad na nagtungo ako sa pinto para pagbuksan ang nasa likod nito.

"Yes?"
"M-mam, kakain na po ng pananghalian"
"Okay susunod ako"
Mataman kong tinitigan ang babaeng katiwala ng hindi maalis ang tingin nya sa mukha ko, ang tantya ko ay nasa bentey singko palang ang babae.

"S-sorry po mam ang ganda nyo po kasi"
Mabilis na syang umalis sa harap ko pagkatapos.

Dumiretso na ako ng banyo pagkapinid ng pinto para makapag ayus naghanda din ako ng  Long Black Peak Lapel Tux Jacket, white long sleeves at black slacks na isusuot para sa araw na ito.

#####

"Sorry Im late"
Anunsyo ko pagkapasok ng kusina nakaupo na ang lahat paikot sa pahabang lamesa at nagsisimula ng kumain, umupo ako sa dulong upuan katapat ni papa.

"Why?"
Takang tanong ko sa kanila habang nagsasandok ng makakain, lahat ng mata nila ay nakatutuk sa akin.

"Formal ng suot mo bunso whats the occasion?"
Nakataas pa ang kilay ni kuya Victor habang nakatingin sa akin, nasakin parin ang mga mata nila at naghihintay ng sagot isa isa kung sinalubong ang mga tingin nila bago bumuntong hininga.

"Pa, ma at sa inyo mga kuya gusto kong pakasalan si Samantha"
Nakita kong agad bumuka ang bibig ni Miguel alam kong sa lahat sya ang may malaking pagtutul.

"Jackie? Hindi biro ang kasal"
Ungot niya

"Alam ko Miguel, mahal ko si Talia, at magiging unfair ako sa sarili ko kay Samantha at kay Talia pag ginawa ko yun, kaya nga gusto kong makausap si Don Simpson, pa?"
Saglit na nakipagpalitan sa akin ng makahulugang tingin si Papa, ngumiti sya sa akin pagkatapos

"Kung sigurado kana pupunta tayo mamyang gabi"
Sa pagkakataong ito hindi na ako nag iisa, at sobrang laking bagay nun sa akin.

Matapos mananghalian ginamit ko ang luma kong sasakyan na nakaparada parin sa garahe at nagtungo sa mall para bumili ng mga bulaklak  bago dumiretso sa ospital. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa manibela  ng sasakyan aminado sa kabang nararamdaman, iniisip kung tama ba ang gagawin ko.

"Hello there beautiful"
Humalik ako sa noo ni Samantha, inabot ko din sa kanya ang dalang bulaklak na masaya naman nyang kinuha. Pansin kong medyo basa pa ang mais nyang buhok indikasyon na bagong ligo sya amoy din ang mabango nyang amoy sa kabuoan ng kwarto, humahalik sa maputi at maputla nyang balat ang sinag ng araw. Mas masigla syang tignan ngayon kesa kahapon.

"Ang porma mo ngayon ah? Anong meron?"
"Samantha"
Humila ako ng upuan malapit sa kanya at dun umupo kinuha ko ang kamay nya at inilagay iyon sa pagitan ng mga kamay ko.

"Sam, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa alam kung nangako ako sayo 3 years ago na babalikan kita, at magpapakasal tayo pag maayus na ang lahat at tangap na nila ang relasyong meron tayo"
Mataman syang nakatingin sa akin at naghihintay ng susunod kong sasabihin.

Pain of Yesterday (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon