"Anak, Jackie?"
Hindi pa ako nakakababa ng sasakyan ay agad na akong dinamba ng yakap ni mama, halata ang pangingilid ng luha at kasiyahan sa kanyang mga mata."Ma?"
Niyakap ko sya ng mahigpit akala ko kanina hindi na ako iiyak, pero heto't parang bata akong nagsusumbong sa kanya.
"Miss na miss na kita anak, bakit ngayon mo lang ako dinalaw?""Sorry ma"
Panay ang singhot ko na may mahihinang paghikbi, pinapakawalan ang bawat hinagpis."May nangyari ba sa bunso namin? Kwento mo kay mama"
"Wala ma, namiss lang kita namiss ko kayo"
Pinunas ko ang luha ko at natawa ako ng makitang umiiyak na rin sya."Hay naku ang dradrama nyo nagugutom na ako"
Singit ng nakangiting si Miguel, ginulo nya pa ang magulo ko na ngang buhok."Halika na nga sa loob ng makakain na tayo, ipinaluto ko lahat ng paborito mong ulam"
Iginaya nya ako papasok ng mansion pansin kong walanv masyadong nagbago dito kagaya parin ng dati ang lahat, ikinawit ni mama ang kamay nya sa braso ko at panay ang update sa akin sa mga pangyayari habang wala ako, nakangiti namang nakasunod sa amin si Miguel.
"Ui welcome home bunso"
Malakas na bati sa akin ni kuya Victor kakababa nya ng hagdan galing sa pangalawang palapag, agad nya akong sinalubong at mahigpit na niyakap."Bunso?"
Nagulat pa ako ng may biglang nagsalita sa likod ko"Kuya Lucas?"
"Namiss kita"
Katulad ni kuya Victor ay niyakap din nya ako ng mahigpit, matapos nya akong bitawan naglikot ang mata ko para hanapin ang isang tao."Nasa garden ang papa mo nagpapahangin, sige na puntahan mo sya at ayaing kumain"
May pag aalinlangan akong tumingin kay mama"P-pero ma?"
"Sige na anak you'll be fine"Aminado ako sa sariling kinakabahan ako dahil muli kong makakaharap ang taong nagkaroon ng malaking parte sa paghihirap ko nitong mga nakaraang taon ngunit kailangan kong maging matapang gaya ng sabi ni Talia kailangan kong harapin lahat ng iniwan ko 3years ago. Higit kanino man para sa akin to. Nanlalamig ang aking palad ng magsimula kong bagtasin ang daan papuntang hardin at doon nakita kong nakaupo si papa sa isa sa mga upuang nakapalibot sa pahabang lamesa. Halata na ang puti nyang buhok ganun pa may matikas parin syang tignan. Inaayus nya ang mga babasaging pyesa ng chessboard na akala mo may hinihintay na kalaro.
"Pumarine ka, samahan mo akong maglaro"
Intimadating parin ang boses ni Papa kagaya ng dati, tahimik na naglakad ako palapit sa kanya at umupo sa katapat nyang upuan. Madalas kaming naglalaro ng chess dati twing may mga bagay kaming pinag uusapan o kaya naman ay mayroon akong gustong hilingin, and I can only attain those by defeating him."Balita ko gusto mong bumili ng farm?"
Sya ang unang tumira by moving his pawn forward, hindi ko inaasahan na ganito nya ako kakausapin Im expecting anger and shouting upon arriving."Oo pero kulang pa yung ipon ko"
Bumuntong hininga ako, I need to know whats in his mind."Hindi ka ba magagalit na kaharap mo ngayon ang lesbiana mong anak?"
Forwarding my middle pawn, I heard him sigh"The man you knew back then was illiterate, selfish, cold and inconsiderate, and most of all He's gone 3 years ago"
He smiled on his last word, ganun pa may mayroong panghihinayang na makikita sa kulay brown nyang mga mata. Inilabas nya ang bishop nya para harangin yung pawn ko."W-what do you mean?"
Nakakunot ang noong tanong ko sa kanya, hindi makapaniwala sa lahat ng naririnig galing sa kanya."Nalaman ko lahat ng hirap at pinagdaanan mo and I know na naging malaking parte ako ng lahat ng yun, bukod kay Miguel may isang tao akong inutusan to secure your safety-
"What?! Ibig sabihin reported sayo lahat ng ginagawa ko?"
"Im sorry Anak, safety mo ang nagbibigay ng peace of mind sa akin at alam ko ding marami kang chicks"
Natawa sya ng malakas dahilan para ikapula ng mukha ko feeling ko para na akong kamatis ngayon."Stop!"
"Nakuha mo sa akin yan, wag mong sabihin sa mama mo madami akong chicks nung kabataan ko"
Yung inaakala kong mabigat na usap namin ni papa naging kabaligtaran ng inaakala ko, lahat ng sakit, hirap at galit bigla nalang nawala parang hinipan ito at dagling tinangay ng hangin."Maiba ako anak, kilala mo si Don Simpson?"
Hindi ko namalayan na nakain na yung pawn ko, I need to do something."Samantha's dad, why?"
"Dumalaw siya dito ng ilang beses kasama yung misis nya"
Napakunot ang noo ko fixing my eyes on him, for what reason, parang nabasa ni papa ang nasa isip ko at agad sumagot."Nagkaroon kami ng mga discussion about businesses, life, plans, you and Samantha. But dont get me wrong Im only telling you this cause you need to know but the decision and everything, its all up to you"
"Im all ears Pa"
Kinakabahan ako sa mga susunod kong maririnig"Don Simpson wants you to marry Samantha, alam kong alam mo ang dahilan kung bakit"
Bumuntong hininga sya may pag aalala ding nakasilip sa kanyang mga mata ngayon ko nalang ulit nakita ang ganitong side ni papa, na nag aalala sya para sa akin."Pero syempre disesyon mo parin ang masusunod matagal na kayong nagkahiwalay ni Samantha, baka may iba ng nagugustuhan ang puso mo?"
Saglit akong natigilan sa pagbaba ng horse piece ko, alam kong aware si papa dun dahil nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. Ako naman ang napabuntong hininga."Talia"
"Yung makulit na lagi mong kasama dati?"
"Yes and I love her, alam kong may part parin sa puso ko si Samantha and I want her to be happy but how about my happiness? What about my feelings for Talia? What should I do?"
Binalik ni papa sa ayus lahat ng chess piece, matapos nyun sumandal sya sa upuan at saglit na tumanaw sa bilog na buwan. Naguguluhan man ako sa ikinilos nya piniling kong hintayin ang sasabihin nya."I think you need to rest anak mas magulo pa sa mga pyesa ng chess ang utak mo, pag may enough ka ng pahinga dun ka mag isip ng kung anong dapat mong gawin, kung ano man ang magiging desisyon mo I will assure you na nasa likod mo kaming lahat"
"Thanks pa, I mean it"
"I should have than this a long time ago""Kayong mag ama wala ba kayong balak kumain? Aba'y lumalamig na ang mga nakahain"
Sabay kaming napatingin ni papa sa gawi ni mama kakalabas nya sa hardin at nakapameywang pa, bahagya ding umihip ang hangin dahilan ng pag galaw ng saya ni mama."Nariyan na"
Nakatawang sagot ni papa, tumayo na kami pareho at magka antabay na naglakad"Nga pala Ackie may binili akong farm malapit dito sa San Isidro ipinangalan ko sayo yung titulo, puntahan mo kapag may oras ka"
Tinapik nya ang balikat ko at nagpatiuna ng maglakad naiwan ako sa kaninang kinalalagyan habang prinoproseso ang sinabi nya.

BINABASA MO ANG
Pain of Yesterday (gxg)
Romance"Samantha?" Lumingon sya sa akin at mabining ngumiti ng magtama ang aming paningin, nasa rooftop kami ng school building at minamasdan ang papalubog ng araw. "Uhmm?" Saglit ko syang minasdan bago nagsimulang maglakad palapit sa kanya, isinasayaw ng...