"Hindi mo ba sasagutin? Kanina pa tumatawag sayo yan"
Puna sa akin ni Miguel ng muling umilaw at tumunog ang cellphone ko sa panglimang beses."Hindi, nag iisip ako"
Muli kong tinunga ang alak na iniinum at senet ang cellphone ko sa silent mode, tinawagan ko kanina si Miguel pagka alis ng resort at nagkasundong magkita sa isang bar hindi kalayuan sa kung saan sya tumutuloy."So? Bakit nga tayo ulit umiinom?"
"Nakwento ko na sayo si Talia diba?"
"Oo nasa apartment mo sya, then whats the problem?"
Halos magsigawan na kami dahil sa malakas na music na kasalukuyang tumutugtug plus pa ang ilang hiyawan ng maiingay na mananayaw."Natatakot ako sa nararamdaman ko para kay Talia"
Kumunot ang noo nya sa akin"Anong nakakatakot dun?"
"We're bestfriend and she's straight"
Muli kung nilagok ang laman ng boteng iniinom"I dont see a problem here"
Kumunot pa yung noo nya, I heavely sigh kailangan ko pa ba talagang isa isahin kung bakit."Miguel, my feelings for her will only jeopardize our friendship kakabati lang namin. At napakalaki ng porsyentong layuan nya ako dahil straight nga sya and possible by now my boyfriend na si Talia"
"Alam mo dalawa lang yan, sisirain mo dahil mahal mo sya at bubuo kayo ng bago, or titiisin mo yung sakit and you will stick around dahil magkaibigan kayo, sa buhay naman kailangang lagi kang mamili ng isa, dyan tayo nag grogrow and sooner or later anu man ang piliin mo after nyan sigurado namang maaayus nyo ulit"
Tumingin sya sa akin at saglit na tumahimik"You know Jack, sometimes straight people cant think straight"
Ngumiti sya sa akin at bahagya pang tinapik ang balikat ko."Ewan ko ba, parang nahihirapang mag function yung utak ko ngayon"
"Tingin ko kailangan mo lang maging sigurado sa nararamdaman mo at maging matapang sa kung ano man ang kakalabasan ng magiging desisyon mo"
"Sigurado naman ako sa kung anong nararamdaman ko Miguel"
Ang dating masiglang tugtugin ay biglang napalitan ng malalam na musika dahilan para magpares pares ang mga mananayaw."Talaga? Pwede ko bang isingit si Samantha hindi bat nangako kang hahanapin mo sya pag okay kana sa sitwasyon mo?"
Pakiramdam ko lalong sumakit ang ulo ko, napahawak ako sa sintido at bahagya yung minasahe."Hindi mo ba naisip na baka hinihintay ka din ni Samantha?"
"Stop Miguel!"
He hit something inside me na lalong nagpagulo ng utak ko at muling nagpakirot ng puso ko. Alam kong nangako ako, pero paano yung nararamdaman ko kay Talia? Matagal ko ng hindi nakikita si Samantha pero everytime na nababangit ang pangalan nya parehong epekto parin ang nararamdaman ko."Naku patay kang bata ka, kailangang maging malinaw muna sayo kung ano ba talaga at sino ang nasa puso mo, tandaan mo dapat malinaw bago ka magdesisyon pero kahit ano pa yan, suportahan taka"
###
Madaling araw na ng umuwi ako, kaya ko pa namang magdrive at tolerable naman ang hilong nararamdaman ko kaya hindi na ako nagpahatid pa kay Miguel.
"Bakit ngayon kalang?"
Bungad ni Talia, nasa sala sya at halatang hinihintay ako."Bakit gising kapa?"
Kunot noong tanong ko pabalik sa kanya bago sya lagpasan at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig."San ka galing?"
Alam kuong sinusubukan nyang maging mahinahon"Somewhere"
"Alam mong hindi yan ang sagot na gusto kong marinig"
"You know what Talia matulog na tayo its already morning we are too exhausted and sleepy to talk"
Sahestyon ko sa kanya, akma ko na sana syang tatalikuran ng magsalita sya ulit."I know something is bothering you, at nag aalala ako bakit ka ba nagkakaganyan please tell me."
Mabibigat na buntong hininga ang pinawalan nya, agad akong humarap sa kanya only to find out that shes crying."Talia please dont cry I-Im sorry"
"Ayaw mo na bang nasa paligid ako, gusto mo na ba akong umalis?"
"Syempre hindi, bakit mo naisip yan?"
"Iniwan mo ako kagabi, alam mo ba ang sama sama ng loob ko sayo dinala mo ako dun tas iiwan mo lang din pala ako, tas pagdating ko dito wala ka hindi ko alam kung nasaan ka hindi ka din sumasagot sa mga tawag at messages ko. Takot na takot ako Jackie parang feeling ko bumabalik ako sa nakaraan 3 years ago, wag ka na ulit umalis wag mo na ako ulit iwan"
Tuloy tuloy na syang umiyak at lalo pa itong lumakas ng yakapin ko sya, hindi ko alam na ganito pala ang epekto ng pag alis ko."Shhhhh wag ka nang umiyak"
"Jackie bakit?"
Punong puno ng katanungan ang mga mata nya, sinalubong ko yun at nakipagpalitan ng titig sa kanya. Hindi ko na kayang pigilin pa ang sarili ko lalot ganito ako kalapit kay Talia, nanginginig ang mga kamay ng abutin ko ang makinis nyang pisngi at hawiin ang luhang naglandas dun, napalunok ako ng ilang beses ng mapagmasdan ang namumula nyang labi."Talia, wag ka sanang magagalit"
Walang pahintulot na isinara ko ang pagitan namin ni Talia at dinama ang lambot ng kanyang labi kahit pa nalalasahan ko ang maalat nyang luha, ang daming halo halong emosyon ang agad kong naramdaman, saya, lungkot, takot, kaba, tama bang isinugal ko lahat? Pinakiramdaman ko ang magiging reaksyon nya, hindi sya gumalaw para itulak ako pero hindi rin sya sumasagot sa mga halik ko. Lumayo ako sa kanya para makita ang reaksyon nya"Talia?"
Madamdamin ang pagkakabigkas ko ng pangalan nya, bigla akong nakaramdam ng takot ng makita ang mga mata nyang punong puno ng katanungan."Bakit mo ginawa yun?"
Matapos nyang sabihin yun ay agad na syang tumayo at naglakad palayo sa akin, mabilis na naisara nya ang kanyang pinto bago ko pa sya mahabol."Great Jack now what!?"
Inis na kausap ko sa sarili
BINABASA MO ANG
Pain of Yesterday (gxg)
רומנטיקה"Samantha?" Lumingon sya sa akin at mabining ngumiti ng magtama ang aming paningin, nasa rooftop kami ng school building at minamasdan ang papalubog ng araw. "Uhmm?" Saglit ko syang minasdan bago nagsimulang maglakad palapit sa kanya, isinasayaw ng...