8

88 7 0
                                    

Talia

Dinala ako ni Jackie sa isang resort kasama ang photography team na pinadala ng kanilang company para sa photoshoot cho cho daw ng bagong inuming produkto na ipapakilala nila sa susunod na buwan, kasama yung malandi nyang model na pangalanan nating snake dahil kung makalingkis kay Jackie akala mo wala ako sa tabi. Hello!!! Like Hello Her bestfriend is here duh?! So ayun nga isa lang to sa maraming trabaho ni Jackie, ewan ko ba parang lahat ata ng available work kinukuha nya.

"Talia right? The bestfriend"
Ipangalandakan ganun?

"Yeah"
Peke akong ngumiti sa kanya nung humila sya ng upuan sa right side ko at dun umupo pansin kong may bitbit syang inumin na agad din nyang inilapag sa pabilog na lamesa, bakit ba to nandito nasaan si Jackie?

"Ali nga pala, nice to meet you"
"Same here"
Inilahad nya sa akin ang kaliwang kamay madali ko naman itong kinuha.

"Akala ko kanina bagong girlfriend ka nya muntik na akong mag selos"
Maarte nya pang pinaikot ikot yung kulot nyang buhok gamit ang kanyang hintuturo.

"Bagong girlfriend?"
Ma intriga kung tanong, ano yun araw araw bago?

"Oo, lagi kasing may bago yan e akala mo laging nagpapalit ng damit well hindi naman natin sya masisisi she's a goddess"

"So gf ka ni Jackie?"
Curious kong taning sa kanya

"Actually, hindi na nagbreak kami nung nakaraang buwan nagtagal lang siguro kami ng one week. But you know the worst part here I fell hard for her that I cant still move on"
Ramdam ko ang pait sa bawat salita nya

"Owwww damn, must be hurt"
"Like hell"
Pareho kaming nanahimik matapos, narinig ko pa syang bumuntong hininga ng malalim hindi ko alam kong para saan but I can feel that shes hurting.

"Nakapili na ba kayo ng kwarto?"
Basag nya sa katahimikan namin

"Hindi pa, mamya nalang siguro pag nandito na ang lahat"
Kasalukuyan kaming tumutuloy sa malaki at maaliwalas na cottage, may tatlo itong kwarto maluwag na sala at kusina, kumpleto din ito sa gamit para sa dalawang gabi at isang araw naming pag ukupa sa lugar.

"Who's that girl?"
Medyo napataas ang tono ng boses ni Ali, sinundan ko ng tingin yung tinitignan nya sa labas ng sliding door para lang makita si Jackie at ang magandang babaeng kasama nito na enjoy na enjoy sa kanilang pag uusap kulang nalang magpalit ang mukha nila.

"Ali, pwede bang mauna na akong pumili ng kwarto? Gusto ko na din kasing magpahinga"

"Akala ko ba hihintayin natin sila?"

"Inaantok na kasi ako mukhang matagal pa silang mag uusap usap, 10 pm na rin halos"

"Sabagay, sige sabihan ko nalang din sila"
Hindi ko alam kong nahalata nya, pero ayokong makitang may ibang kasama si Jackie kahit ako naguguluhan at nawewerduhan narin sa sarili ko.

#########

"Few more shots nalang Ali and we're done"
Nakasuot sya ng red na bikini habang hawak nya sa kanang kamay ang ine endorsong alak mapang akit ang kanyang mukha at mapanukso naman ang kanyang katawan. Isa  si Ali sa magagandang modelo na laging kinukuhang tiga endorso ng kompanyang pinagtratrabahuhan ko at hindi naman na ako nagtataka kung bakit.

"Dapa ka nga Ali, yan, hold it"
Basang basa na ang buong katawan nya at bahagya na rin itong nababalot ng puting buhangin, but thats the image that I want to capture.

"James, paayus ng reflector, Tim pa wisik ng tubig"
Nang masatisfied ako sa kinalabasan ng mga shots nagsimula na rin kaming mag pack up, agad na hinanap ng mga mata ko si Talia ngunit hindi ko ito makita sa paligid.

"Looking for someone?"
Nagulat pa ako ng biglang lumitaw sa harap ko si Isabelle at harangin ako sa paglalakad, sya ang may ari ng resort.

"Yeah, Im looking for Talia"
Panay parin ang tingin ko sa paligid, aayain ko na kasi syang umuwi gusto ko ng magpahinga sa apartment na iirita na rin ako sa pangungulit ni Ali dahil gistong makipag balikan at Isabelle na halatang may gusto sa akin.

"Oww, akala ko ako ang hinahanap mo"
Maarte pa syang tumawa like I will fall for it.

"Im sorry Isabelle, I need to go"
Mabilis ang mga paang nilagpasan ko sya para hanapin si Talia ilang beses nya pa akong tinawag pero hindi ko na sya pinansin, baka nagtatampo na sa akin si Talia hindi ko na sya halos na asikaso, kaya nga sinubukan kong tapusin ng maaga yung trabaho. Makalipas ang ilang pag iikot nakita ko na rin sya sa wakas naka upo sya sa buhanginan at nasa dagat ang tingin pero hindi sya nag iisa may kasama syang lalaki. Lumapit ako ng kunti para marinig ang pag uusap nila alam kong masama ang makinig sa pag uusap ng iba pero hindi ko mapigilan ang sariling hindi makinig lalot si Talia ang involved.

"Talia, alam mo una palang kitang nakita nahulog na talaga ang loob ko sayo hindi na ako magpapaligoy ligoy pa gusto kong maging girlfriend ka"

Para akong na estatwa sa pagkakatayo, dagli akong nakaramdam ng takot hindi ko alam kung saan ito galing. Pero isa lang ang sigurado nasasaktan ako, parang may nakatusok na malaking karayom sa puso ko at sumasakit ito sa bawat paghinga ko. Napapikig ako ng mariin ayokong marinig ang isasagot niya natatakot ako, hindi ko na sila inabala pa at nagsimula na akong maglakad palayo I need to see Miguel. Ibibilin ko nalang kay Tim na ihatid si Talia sa apartment ng ligtas.

Pain of Yesterday (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon