TRIGGER WARNING-VIOLENCE/MURDER
Cold
Third just got home from her school when she heard a loud moans and groans coming from her parents room.
Bago makapunta sa sarili niyang silid ay madaraanan muna niya ang sa mga magulang niya.
Dadaanan nalang sana niya ito pero napansin niyang medyo naakawang ang pintuan, naisip niyang hindi naman magtatalik ang magulang na nakabukas ang pinto. Kaya naman dahil sa kuryusidad ay sinilip niya ito at nakita ang mga pangyayaring hindi na dapat niya nakita pa.
Her daddy is having sex in bed, but not with her mom. It's not her mom, dahil nakita niyang mas bata ito.
Sisigawan na dapat niya ang dalawa pero may humila sa kanya. Nilingon niya ang kung sino mang nilalang iyon at nakitang ang mommy niya ang nag hila sa kanya papunta sa kwarto niya.
Takang-taka siyang tumitig sa kanyang ina.
Kung andito pala ito ay bakit parang hinahayaan nalang nito ang kababuyang ginagawa nang kanyang ama?
"Mommy..." hindi pa man siya natatapos mag salita ay nagsalita rin ang mommy niya.
"Shhh... It's okay Third. Kararating ko lang din ngayon, pero hindi ba pwedeng kausapin nalang natin ang daddy mo mamaya?" Pag-aalo nito sa kanya, dahil nakikita nitong tutulo na ang kanyang luha.
"Huh? Why mom? Bakit hindi mo sila kayang pigilan ngayon?" tanong niya habang gumagaragal ang boses.
"Wag ka nang maingay please. Baka marinig ka ng daddy mo." pakiusap nito sa kanya.
"Bakit nga mom?" pamimilit niya rito dahil hindi niya maintindihan kung bakit kailangan ang mommy niya ang magtago.
"Because I love your Dad. Anak matagal ko nang alam ang relasyon niya ng babaeng iyon."
"Pero dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay hinahayaan ko nalang, ganun naman diba? Pag mahal mo ibibigay mo lahat ng magpapasaya sa kanya kahit ikaw pa yung masaktan?" sagot nito sa kanya habang pinupunasan ang mga luhang nakatakas sa mga mata nito.
Nag unahang tumulo ang luha ni Third sa naging sagot ng kanyang ina, because of love? Bullshit! Thats plain bullshit!
"Hindi yun ganun Mom! Kung mahal mo talaga siya at alam mong matagal na niyang ginagawa yan bakit hindi ka nalang nakipag hiwalay? Kesa magpaka martyr ka, at hayaan mong ipamukha sayong hindi kana sapat." inis na sagot ni Third sa kanyang mommy dahil litong-lito na talaga siya sa mga nangyayari.
"Bakit hinahayaan mo ang pambabastos nila sa pamamahay natin? Bakit Ma!? Bakit ganyan ang pagmamahal mo kung pwede namang iwanan mo nalang." Dagdag pa niyang sambit habang nagpipigil nang inis sa kanyang ina.
"Bakit hindi mo saakin sinabi? Bakit pinaniwala mo ako na may mabuti akong Ama!" naputol ang dapat pa niyang sasabihin nang marinig nilang may kumalabog sa labas kaya agad na sumugod si Third papalabas pero hinihila siya ng kanyang ina kaya hindi sila nakita ng ama, na kasalukuyang bumababa sa hagdanan habang may kausap sa telepono nito.
Nag tagis ang kanyang bagang at tuloy-tuloy na pumasok sa kwarto ng mga magulang. At doon nakita niya ang babaeng kaniig ng ama kani-kanina lamang...
Sinugod niya ito at sinampal sa mag kabilang pisngi, gulat at may kaba naman itong tumingin sa kanya pero kalaunan ay napalitan ng nang-aasar na ngisi.
"Dumating ka na pala, hindi naman nasabi saakin ni Fidel na may anak pala siyang bruha! At talagang sinamahan ka pa nitong nanay mong asong sunod-sunuran kay Fidel!" nang uuyam itong tumawa kaya mas lalo lang nag apoy sa galit si Third.
"Sino ka ba para insultuhin ang mommy ko? Isa ka lang namang kabit na hindi mailegal kaya pumupuslit kapag wala ang legal na pamilya!" galit na sagot naman ni Viviene sa babae ng ama. Pero talagang mapang asar ang babaeng ito dahil nakuha pa nitong titigan lang siya na para ba silang kawawa.
"BAKIT ANG KATI-KATI NA BA!KATING-KATI KANA BA KAYA KAHIT MAY ASAWA AY PAPATULAN MO PA! O BAKA NAMAN KASI WALANG NAGKAKA GUSTO SAYO DAHIL AMPANGET MO KAYA DISPERADA KANA!" nagpupuyos sa galit na sigaw ni Third.
Sinampal naman siya ng babae na mas ikinagalit pa niya... Nakita niyang pumagitna ang mommy niya sa kanilang dalawa.
"Pwede ba umalis kana lang sa bahay na ito! Kaya ko kayong pag bigyan ng asawa ko. Kaya kong sikmurain ang mga ginagawa niyo! pero ang saktan mo ang anak ko ay mapapatay na kita." pagpipigil nang galit ang maririnig mo sa bawat salita nang kanyang ina, sinampal rin nito ang babae sa magkabilang pisngi. Tumingin naman ito sa kanila na parang galit na galit.
"Talaga lang ha!" nang hahamon na sagot ng babae sa kanyang mommy at hinila pa nito ang buhok ng kanyang ina.
Kaya hindi na talaga nakapag timpi si Third, nakita niya ang sign pen ng daddy niya sa lamesa nito.
Agad niya iyong kinuha at tinanggal ang takip, sumugod siya sa babaeng kasalukuyang sinasabunutan ang kanyang mommy. Nang makalapit ay isinaksak niya ang hawak sa leeg nito.
Sumirit ang dugo nito pero patuloy niya itong sinaksak sa leeg nang babae. Wala na siyang makita kundi ang babaeng iyon, nagdidilim ang paningin niya at gusto na niyang malagutan ito ng hininga.
Natauhan lang siya ng agawin ng mommy niya ang hawak niyang sign pen.
"Third... Oh, my, God. Anak anong ginawa mo." kinakabahan at lumuluhang sambit nang mommy niya.
Siya naman ay natauhan at napatingin sa babaeng wala ng buhay na naka handusay sa malamig na sahig. Pero imbis na magsisi ay ngumiti pa siya.
Her eyes become cold as she turns around to the man standing in the door.
Her Dad. Shock and anger are visible to his face, but she didn't even blink as their eyes met each one.
She just felt cold, not because of nervous or fear.
She just felt it in her soul.
Her soul became cold as the contentment consume her.
She never regret what she did...
She will never...
YOU ARE READING
Queen series 2: Dangerous Revenge
RandomViviene Third Gomez is a woman who haves a strong principle. Family is really important to her. She really loves her Mom and Dad but when the incident happened, she loathed her Dad and she became cold and heartless woman.