Dos

8 1 0
                                    

Annoying

Nakauwi na sila Third pero galit parin siya kaya agad siyang nag hanap ng alak na maainom. Mabuti nalang at kasama parin niya ang mga pinsan at nasamahan siya nitong mag inom.

Uminom lang sila buong gabi hanggang sa nakatulog nalang silang tatlo dahil sa kalasingan.




Masakit ang ulo ni Third nang magising kinabukasan, nakita niyang na sofa lamang siyang natutulog pati narin ang pinsang si Veronica, habang mahimbing rin ang tulog ni Vincent sa sahig.

Sumusuray pa siyang tumayo at hinanap ang cellphone para malaman kung anong oras na, nang makita itong naka patong sa mesa ay kinuha niya ito.

Alauna na pala ng tanghali, antagal na nilang natutulog. Dumiretso ang dalaga sa banyo at naghilamos, nag toothbrush at naligo narin siya at lumabas ng sala matapos mag bihis.

Ginising niya ang dalawang pinsan at dumiretso sa kusina para mag handa ng agahan nila.

Natapos na ang mga ito sa pagligo at pagbibihis, mga mukha itong lutang na umupo sa hapagkainan.

Si Third naman ay pinag lagyan ng pagkain ang mga plato ng pinsan, nagtimpla narin siya ng kape para sa mga ito.

Sabay-sabay silang kumain na walang imikan. Pagod na pagod ang mga mukha nila at mga inaantok pa.

"Ako na mag huhugas, Third. Ikaw na nagluto eh." pag piprisinta ni Veronica matapos nilang kumain hinayaan naman siya ni Third dahil alam niyang magpupumilit lang din ito.

"Sige, salamat" nginitian niya ito at pumunta sa sala, umupo si Third sa tabi ng pinsang si vincent.

Nag hihikab pa ang isang ito habang nanunuod ng anime sa kanyang tv, siya naman ay nakinuod na lamang dahil wala rin naman siyang gagawin.


Kalaunan ay umalis na ang mga pinsan ni Third, samantalang siya naman ay inumpisahang maglinis ng condo.

Sinimulan niyang i-vacuum ang sahig at pinunasan ang mga lamesa at upuan. Naglaba rin siya upang maabala ang sarili, ayaw na kasi muna niyang mag-isip dahil maaalala lang niya ang ama, na kinamumuhian niya.




Kinabukasan maagang pumasok si Third sa kumpanya niya. Agad siyang binati ng mga tauhan niya at binati naman niya ang mga ito pabalik.

Hanggat maaari ay ayaw niyang nakikita siyang galit ng mga ito, kaya pinakikisamahan nalang niya at ngumingiti siya kahit na minsan ay napipilitan nalang siya.


Her whole day is hectic and irritating. Oras-oras kasi ay tumatawag ang kanyang ama, pero hindi naman niya ito sinasagot at mas lalo lang nadagdagan iyon dahil sa dami ng kanyang trabaho. Pirma dito pirma doon.

Pagod na pagod si Third na sumandal sa kanyang upuan, inaalala ang mukha ng ina na tanging nagpapa kalma sa kanyang sistema.


Napaka bagal na lumipas ng oras, pakiramdam niya ay binugbog siya sa dami ng trabaho niya. Niligpit na niya ang mga gamit niya ng sumapit ang alas syete ng gabi. Gutom na gutom na siya kaya naman tinungo niya ang pinaka malapit na kainan sa kanyang kumpanya.


Kakaupo palang niya ay agad ng may lumapit na waiter.

"What's your order ma'am?" tanong sa kanya nito

"Ahm, isang order naman nitong B meal niyo at isang Ice tea." sagot niya at tipid na ngumiti. Ngumiti rin naman ang waiter at umalis rin, sinabi nitong dadalhin nalang ang pagkain niya matapos ang ten minutes.

Queen series 2: Dangerous RevengeWhere stories live. Discover now