Jena's POV:
Nandito kami ngayon sa cafeteria, kumakain ng lunch at kasama ko si She at Luigi mukang magkasundo na nga sila e.
Ayy nako she kung alam mo lang kung paanong sinagawan ni jena si papa Silver kanina. Hahaha. -Luigi
Sayang diko nakita!-she
sabay inom ng coke.
Kanina pa nila pinaguusapan yung pagsigaw ko dun sa silver na yun!
Look whos here!-Luigi
Wat the eff! Ang gwapo nila. Parang artista! -she
Tinignan ko ang dalawa at parang kumikinang ang mga mata! Tumingin din ako sa paligid at ganon din ang nakita ko. Masyado silang namangha e muka naman silang mayayabang!
Tabi!
sigaw ni Silver dun sa mga nakapila, tumabi naman ang mga estudyante at mukang takot na takot.
Yung order namin! -Silver
Eto na po sir! sabi ng isang crew.
Umupo na sila sa bakanteng upuan. Kumain nalang ako ng inorder ko at hindi na sila pinansin.
*chum chum*
Sis! Nakatingin sayo yung gwapo ohhh! turo ni she kay silver.
Pagtingin ko umiwas ito ng tingin.
Sinulyapan ko din sya at ang gwapo nya nga! Pero ang yabang nya kase.
Tumingin ulit sya sakin at nagkatitigan kami ng ilang segundo parang nagdikit ang mata namin sa isat isa.
Naiintindihan mo ba girl?- luigi
Woiiii! Bkt natulala ka jan? Kanina pa ko dumadaldal dito ohh. tanong ni luigi sakin.
Ayy sorry. Ano ulit tanong mo?
Ang sabi ko ano una na ko may dadaanan pa ko sa locker ko e.-Luigi
Ako din sis. May kukunin pa ko sa library e. Bye. -she
Sigee. Bye! ^^
Ohh bilisan mo jan. Wag kana tumingin sa kung saan saan. Haha
Loko talaga yung mga yun. Tsk
Tumayo na din ako at kinuha ko na ang mga aklat ko.
Habang naglalakad sa pathway.
*Booogshh*
May nakabunggo sakin at tinakbuhan ako. Yan tuloy nangalaglag mga aklat at ibang dala ko. Diman lang ako tinulungan nung la---
Ano ba yan! Dika man lang nagiingat. Lalo kang nagmumukang tanga!
Pagtingala ko nakita ko si Silver!
Oo si Silver nga! Tutulong nalang ang yabang padin.
Kung hindi bukal sa puso mo ang pagtulong edi sana hindi mo nalang ako tinulungan-sigaw ko sa kanya.
Ohh eto na! Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo! at bakit naman kita papa----
*kriinnggggggg*
Naputol ang sasabihin nya ng biglang nagring ang bell. Inabot nya na sakin yung mga gamit ko at ayun diretso na sa room ang mayabang. Tss. Diko man lang narinig yun huling sinabi nya!
Papa? Papatulan? Wala naman akong sinabing ganon ahh.
Lintek na Silver yan ohh. Lagi nlang akong ginugulo.
--
Pagpasok ko sa classroom halos sabay lang kaming pumasok ng teacher namin.
Umupo na ko andun na din si Luigi at si Silver na natutulog, hindi man lang binabawalan ng teacher namin.
*Im miss Tarra Broquil and Im your English teacher so our lesson for today is bla bla bla ---
Wala kong naiintindihan sa mga sinasabi ng teacher ko ang boring ng klase nya at naiinggit ako sa katabi kong natutulog. Inaantok din ako e. Gusto ko ding matulog buti pa sya di binabawalan.
Napatingin ako sa gawi nya. Ang gwapo nya kahit na tulog sya. Muka syang anghel pag tulog. Ang haba ng pilik mata nya, ang kinis ng mukha at ang tangos ng ilong.
Okay get 1/4 sheet of paper. And number your paper from 1-20.
Napatigil ako sa pagtitig kay Silver nang magsalita ang teacher ko. Ayy nako. Quiz agad? Tss. Dipa naman din ako nakinig. Bahala na!
Nagising na si Silver at ginugulo ako. Pssst peram ballpen.
Wala na kong extra ballpen. sabi ko sakanya. Ano ba yan nag aaral tas walang ballpen?
Nagstart na ang tanong, at wala akong alam!
Akina ballpen mo. at kinuha nya nga ang ballpen ko.
Teka anong gagawin mo? Sasagot pa ko. Wala kong gagamitin
Basta wag ka nlang magulo jan.
Bwisit sya! Wala na kong nagawa tinanggap kona na makakazero ako, wala din naman akong alam sa tanong ng teacher ko.
Pagtapos ng quiz pinasa nya na ang papel nya.
At ng iaanounce na ni mam ang score namin.
Dalawa lang ang nakaperfect sa inyo.
Si Mr. Clarkson at Ms. Rivera lang. The rest bumawi nalang kayo. Sige bye class. Lumabas na si Ms. TarraButi pa si Silver naka perfect at yung si Ri---
Rivera?! Dba ako yon? Teka di naman ako nagquiz ahh. Ibig sabihin ginawan nya ko ng quiz kaya kinuha nya ang ballpen ko?
Ang galing nya ahh. Di naman sya nakinig natulog lang tapos perfect pa. Wow!
Ang galing mo naman girl dapat pala nangopya ako sayo. sabi sakin ni Luigi
Haha. Baliw ka talaga!
Tss. Eto na! narinig kong sabi ni Silver at inabot sakin ang ballpen.
Sigee! Sal--
Tinalikuran ako at lumabas na sya ng classroom.
Yabang nya! Pero di bale alam kong mabait din sya. Dahil dalawang beses nya akong tinulungan ngayong araw.
Pero bakit nya kaya ginawang sagutan ang quiz ko? Dahil ba naawa sya sakin kase alam nyang wala kong masasagot sa mga tanong.
Kung ganon salamat nlang pero ang yabang nya pa din.
At ang gwapo nya!
*dug.dug.dug*

BINABASA MO ANG
His side (love at first sight)
Teen FictionPaano kung magkatagpo ang isang Jena at Silver na hindi maganda ang unang pagkikita pero umpisa palang ay gusto na nila ang isa't isa? Paano nila aaminin ang kanilang nararamdaman kung mortal silang magkaaway? Hanggang sa dulo kaya ay gusto padin ni...