Emmerson's POV:
Pare astig partner mo ahh! Si arjay. E mukang may alam pa yung kapatid kong grade 1 jan e. Hahaha - Rhapsody
Oo nga pare ahh! Mukang ikaw lang ang gagawa ng sainyo. Haha. Sige una na kami ahh Goodluck. -Mj
At ayun nagsialisan na ang mga loko pagkatapos akong bwisitin. Tss
Hoy arjay! alam mo bang ang malas ko dahil ikaw ang nakapartner ko ha?! Tss. Inaasahan ko yung matalino hindi yung katulad mong!!!! ahhhhhhh. Nakakainis talaga! sinisigawan ko si arjay. Ang sama ko ba? hindi naman sa ganon. Gusto ko lang kasing mataas ang makuha ko sa reporting namin, kaya lang paano na to kung lalo itong partner ko e walang alam!
Ako nalang ang gagawa. Bibigay ko nalang sayo pagkatapos.-siya
Ikaw gagawa? Nagpapatawa kaba? Edi lalo tayong babags---
hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil bigla na syang lumabas ng classroom at.....
Sumunod ka nalang hindi naman ikaw yung gagawa! Ako!! sigaw nya
Wow ahh. Spechless ako dun diko akalain na sisigaw sya ng ganun. Tss bahala na nga. Makauwi na din.
Arjay's POV:
Paglabas ko ng room andito ako ngayon sa may garden. Nakaupo sa may puno. Dito kasi yung tambayan ko kapag malungkot ako e. Akala ko mag isa lang ako dito, dahil madalas walang mga estudyante na tumatambay dito, mas gusto kasi nila sa field. So ayun, Nakita ko si Jena classmate ko. Nakita ko sya dun sa may kabilang puno malapit dito, tumayo sya at naglalakad papunta dito napansin nya yata ako.
Ohh hi Arjay! ^_^
Hello! :)
'Dito ka din pala tumatambay? tanong nya.
'Ahm hindi naman, kapag may malalim lang akong iniisip tsaka kapag malungkot.
'Talaga? So kaya ka nandito ngayon dahil malungkot ka?
'Ahm ganun na nga hehe. Ikaw bakit ka nandito? Kase diba madalang na magpunta yung mga estudyante dito? tanong ko sa kanya, madalang kasi talaga mga estudyante dito dahil nakakatakot daw kase.
Ahm madalang lang din ako pumunta dito kapag may iniisip lang din at kapag masaya ako. :)
'Edi Nandito ka ngayon dahil masaya ka?
'Ahe oo. ^_^ nakangiting sabi nya.
Bakit lagi kang mag-isa? wala kabang mga kaibigan? -tanong nyaDati meron. Pero ngayon wala na. Ayoko na din.-ako
Huh? Bakit naman? -siya
Kasi hindi na nila ko kailangan. Kaya ayun iniwan na nila ko. sagot ko sa kanya.
Bakit ka nga pala malungkot? Dahil ba sa kanila kasi sila yung iniisip mo? Pwede ko bang malaman?
Wala naman sigurong masama kung magkukwento ako diba? Matagal ko na din naman to sinasarili. Mukha naman kasing hindi nya rin sasabihin sa iba kasi wala din syang masyadong mga kaibigan.
Kase iniisip ko yung mga sinasabi sakin ng mga classmates natin. Iniisip ko tuloy kung ano ba ang dapat kong gawin, kung yung etong ako o yung totoong ako. Haaay, kahit kasi anong gawin mo sa buhay mo, magpakatotoo ka man o hindi, huhusgahan kapa din ng marami. Kaya heto ako ngayon nagpapakahirap magbago para hindi gamitin lang ng iba para sa sarili nila.
Ganun naman siguro yun, makakahanap ka ng mga taong nasa tabi mo na kailangan kalang kapag may gusto sila pero kapag ikaw na ang may kailangan mawawala na sila. Ganoon naman diba?
BINABASA MO ANG
His side (love at first sight)
Teen FictionPaano kung magkatagpo ang isang Jena at Silver na hindi maganda ang unang pagkikita pero umpisa palang ay gusto na nila ang isa't isa? Paano nila aaminin ang kanilang nararamdaman kung mortal silang magkaaway? Hanggang sa dulo kaya ay gusto padin ni...