Chapter 10: Date and Plan

176 5 2
                                    

Jena's POV:

7pm na

Nandito na ko sa condo ko at may dala na naman akong cookies bago ako umuwi. Sino kaya ang naglalagay nun sa locker ko? Hmm.

Dun na din pala ko sa condo ni She nagdinner. Kasama namin yung Jhonloyd! Loko yung bestfriend ko ahh. nagdadala ba naman ng lalaki sa condo. Haha baka kung anong kababalaghan ginagawa nila dun ah! Joke lang may tiwala naman ako kay She no! Pero balita ko may nagkakagusto pa kay She e. Ian ata pangalan nun. Haba ng hair ng friend ko diba?

Oo nga pala, Iniisip ko pa din si Arjay, iniisip ko kasi kung sakaling sakin nangyari yun diba. Siguro ganun din ang gagawin ko, masakit kasing magamit ka lang lalo na yung mga tinuring mong tunay na kaibigan. Haaaay, buti naman totoo si shella sakin. Pero sa totoo lang kaninang kausap ko si Arjay ang gwapo nya pala! Sobra nga e. Kaya nga diko na sya masyadong kinausap kanina kasi baka ano pa magawa ko sa kanya e. HAHA chos! Pero seryoso ang gwapo nya nga kaya ayun umalis nalang ako agad. Haaaay.

P.S mas gwapo pa nga si Arjay kesa dun kay Silver at Cris e. :)

*krrrriiiing kriiiingg krrrinngg*

Naputol ang pag-iisip ko ng magring ang phone ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag

Mommy calling.....

Sinagot ko na yung tawag

hello mommy?

Hello darling, uuwi kami jan next week with your kuyas ha. Dun ka muna sa mansyon magstay habang nandun kami. Sige na ingat ka jan princess. loveyou.

Bye mom. love you din po.

Yes! Uuwi sila dito nextweek. Miss ko na din kasi mga kuya ko e. Actually, my tatlo akong mga kuya sila sina Kuya Dennis, Kuya Jeivee, at Kuya Elijah. Gwapo mga yan syempre. Haha Miss ko na din sila e. Friday na din naman ngayon kaya malapit ko na silang makita! Excited talaga ko. Miss ko na din yung nag-iisa kong pinsan na si Angel, tumira dati yun dito, nagaral din sya sa CU nung highschool kaya lang lumipat na sya sa States. Sana magkita ulit kami.

*beep* beep* beep*

3messages received -Unknown numbers to ahh.
+63912345678
Hello Jena :) pwede ba tayong lumabas bukas? Susunduin nalang kita alam ko na jan sa condo nyo. 8am ahh. -Cris

Waaaah! Bakit nya alam kung saan ako nakatira? Tapos may date kami bukas? Nyaaaah!

Binasa ko pa yung isang text.

+639187654321
Start na tayong gawin bukas yung sa report natin para may matapos tayo agad. I'll fetch you at 8am sharp. -Silver

Aba loko to ahh! Teka bakit nila alam yung number ko? Stalker ko ba sila? Kung ganon, kinikilig ako. Pero teka! Sinong pipiliin ko Mahal ko o Mahal ako? Haha Echos lang. Bahala na nga matagal pa naman yung sa report namin e, huli pa nga kami so dun muna ko kay Cris.

Pero teka may isa pa!

+639093425783
Hello Jena salamat kanina ahh. Gagawin ko talaga yung mga sinabi mo. :) So, lets be friends?
-Arjay

Waaaah! Bakit pati sya alam yung number ko? Anu ba yan ang haba ng hair ng lola nyo! Medyo kinikilig ako sa tatlong to ahh. Pero nalungkot ako kasi friend lang ang alok sakin ni Arjay! Haha joke lang. So ayun rereplyan ko na Sila!

To Cris:
okay sige. :) I replied

To:Silver
Sunday nalang. I have a date. Sorry :)

To Arjay:

Wala yun. Salamat din sa tiwala mo ^^ Sure friends na tayo :3

Ayun nagsent na sa tatlo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His side (love at first sight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon