No prologue. Sorry. ^^
--------Chapter 1:
Jena's POV:
Jenaaaaaaa!!!!!! Jenaaaaaaaa!!!!!
Nagising ako sa malakas na pagsigaw ng abnormal kong kaibigan!
*araay!*
binato ko nga ng unan, kaasar e kita ng ang himbing ng tulog ko e. tsk
Ano ba shella? Nakita mong ang sarap ng tulog ko kung makasigaw ka wagas!
E kase eto ohh tignan mo *sabay abot ng papel sakin*
ohh ano naman kung 50% off sa mall ngayon? Mas gugustuhin ko pang matulog nalang kesa maglibot kasama mo! sabi ko sa kanya at humiga ulit sa kama at pumikit grabee antok talaga ko ngayon kakatulovg ko lang e.
Waaaahhh! nakakainis ka naman e. Waaaahhh! Sigee na. Tsaka last day na natin gumala ngayon ohh kase may pasok na bukas. huhu
*boink boink*
Napatayo ako sa kama!
Grabe nagtatalon ba naman sa kama ko habang umiiyak. Lakas talaga ng tama neto.
Haaaaisst! Nakakainis ka talaga alam mo bang kakatulog ko palang at sinira mo ang tulog ko para lang makapagshopping ka!! sigaw ko sa kanya.
Kasalanan ko bang napuyat ka? Teka bakit kaba puyat huh? sisi nya sakin
Oo kasalanan mo dahil ginising mo ko. sabay tayo at nagpunta na sa cr at diko na sinagot ang isa nya pang tanong
sabi ko na nga ba dimo ko matitiis at sasama kadin e. hahaha masayang sabi nya.
Grabe talaga sya kasiyahan nya ang magshopping kaya pinagbigyan kona.
Tsaka may pasok na din naman bukas.
Ayy oo nga pala hindi pa ko nagpapakilala sa inyo.
Ako nga pala si Anjenalyn Park Rivera half korean half Pilipino.
Pinanganak ako sa mayamang pamilya.
Ang daddy ko ay si Armando Rivera pure Pilipino, at ang mommy ko ay si Clarisse Park pure korean. Kami ang may ari ng malalaking hotel and restaurant sa buong Asia.
simple lang ako, maganda maputi, mahaba ang buhok na wavy, slim ang katawan, singkit ang mata, medyo matangkad at dahil isa akong Rivera mayaman ako.
Pero ang gusto ko ay simpleng buhay lang kaya naman humiwalay ako ng bahay sa parents ko at ayokong tumira sa mansyon namin dahil masyado akong ginagawang reyna ng mga katulong dun at sabi ko nga ang gusto ko simpleng buhay lang, kaya naman humiling ako kay daddy na lilipat na ako ng bahay at titira na sa condo na pag mamay-ari namin. Pumayag naman si dad dahil 17 na din naman ako.
Close kami ng parents ko kaya nalungkot sila na aalis ako ng mansyon dahil mag isa lang nila akong anak na babae pero naintindihan naman nila yun dahil gusto ko ding matutong mag isa na hindi sila kasama, katulad ng mga gwapo kong kuya.
Pero kahit na humiwalay na ako sa kanila pinag-aaral at binibigyan pa din ako ng pera ng parents ko at suportado nila ang paglipat ko sa condo.
Sa katabing unit ko naman si Shella ang kaibigan kong may sayad. Siya ang bff ko at taga gising ko sa umaga dahil daig pa ang armalite sa lakas ng bunganga. Haha
Tulad ngayon ginising nya ko. Ayy nako puyat ako e.
Kase naman tumingin pa ako ng pictures ng crush ko sa fb. Grabeee kinikilig pa din ako. Kaya hindi ako nakatulog ng maayos e. o.O
P.S ang gwapo nya kase.
saka ko na sya ipapakilala sa inyo dahil naghihintay na ang bestfriend ko.
paglabas ko ng cr nagbihis na ko at simpleng white v-neck shirt, shorts at doll shoes lang ang suot ko.
Naglagay ng konting blush-on at powder at nilugay ang wavy kong buhok. and jaran! ang ganda ko. ^^
Tara na best! hatak ni shella sakin palabas ng kwarto. di naman sya masyadong excited nyan.
Oo na wait lang.
Pagbaba namin sumakay na kami sa kotse nya at nagdrive na.
*Mall
Pumasok na kami ng botique.
Best! ang ganda neto ohh. eto pa, ayun pa, pati to ohh. Kasya ko naman to dba? sabay pakita ng mga dress.
Oo kasya mo yan kaya dalian mo na nagugutom na ko. sabi ko
Bibilin nya ata ang buong mall e, pero nasanay na ko dahil ganyan talaga ang libangan nya... Ang magshopping ng bongga.
Wala ka man lang bibilhin? tanong nya sakin.
Wala. ang dami ko pang damit sa bahay. sagot ko.
Ayy nako! Ang yaman yaman mo pero ang kuripot mo. Sige jan ka lang bayaran ko lang to sa counter. paalam nya
*nod nod*
Habang hinihintay si she tumingin muna din ako ng dress at ang ganda nung nakita ko. Kulay blue na backless na may glitters ang simple pero ang ganda, kaya naman binayaran ko na din sa counter.
**
Paglabas namin ng botique dumiretso na kami ng McDo dahil gutom na din kami.
**
Pagkatapos kumain nag aya na din akong umuwi dahil ayoko na ding magtagal pa.
Nauna na si she sa kotse dahil nilagay nya pa dun ang mga pinamili nya.
Habang naglalakad papunta ng parking may nakita akong lalaki na naglalakad din at nakita kong nalaglag ang wallet nya.
Kaya naman bago pa makasakay sa kotse nya e iaabot ko na ang wallet nya sa kanya.
Kuya! Nalaglag mo po wallet mo. Sabi ko kaya napahinto sya sa paglakad at tinitigan ako.... dug. dug. dug shet ang gwapo! yung puso ko bkit ganito. makalaglag panty ang kagwapuhan. Omo
Inabot ko na ang wallet at pagkakuha nya biglang sumakay ng kotse at sinarado ng malakas ang pinto at pinaandar ng mabilis ang sasakyan!
Bwisit! binabawi ko ng gwapo sya! Ang yabang nya! Hindi man lang nag pasalamat. Gggrrr. May araw din yun sakin.
At sumakay na ko sa kotse ni she ng badtrip.
BINABASA MO ANG
His side (love at first sight)
Ficção AdolescentePaano kung magkatagpo ang isang Jena at Silver na hindi maganda ang unang pagkikita pero umpisa palang ay gusto na nila ang isa't isa? Paano nila aaminin ang kanilang nararamdaman kung mortal silang magkaaway? Hanggang sa dulo kaya ay gusto padin ni...