Jena's POV:
Nandito na ko ngayon sa bahay at nandito din si shella! Tssk. Ginugulo na nya ko. Tinatanong kung bakit wala yung kotse ko sa parking, kung bakit hinatid ako ni Silver sa dito sa condo at kung bakit kami sabay ni Silver.
Yung totoo, nagpunta lang ba sya dito para lang itanong yun? Haaay nako! Kung alam nya lang!
Sis bakit nga kase? tanong nya!
Oo na ikukwento ko na!
*flashback
Uwian na namin. Natapos na yung math. Ayun kase yung last subject namin. Kabitin nga e. XD
Nagaayos na ko ng gamit ko para makauwi na din. Nagpaalam na din sakin si Luigi na mauuna na sya may dadaanan pa daw kase sya e.
Lumabas na ko ng classroom at naglalakad na sa pathway tinexx ko na din si shella na mauuna na kong umuwi at pumayag naman sya. Wala naman syang magagawa e. XD
Nang nasa parking na ko, sasakay na sana ko sa kotse ko kaya lang napansin ko flat yung dalawang gulong nito.
Tignan mo to. Kung minamalas ka nga naman ohh! Sino kaya may gawa nito! Tss. No choice magtataxi nalang ako at tinexx ko na si Manong Ry (driver namin sa mansyon) para sya na ang bahalang magaayos sa kotse ko.
Nagaabang na ko ng taxi ng biglang....
Sakay na! Wala ka yatang kotse e! Hatid na kita.
Pagtingin ko kung sino yung nagsalita nakita ko si Silver!
Sabi na sya yun e. Sino ba naman yung mayabang na magsasalita kung hindi sya! Ihahatud nya daw ako?! Kikiligin na sana ko kaya lang ang yabang e.
Hindi na! Magtataxi nalang ako nakakahiya naman kase sa kotse mo!
Sasakay kaba o sasakay ka? Wag kana magtaxi baka mapahamak kapa! Sakay na!
Wow ahh. Kung makautos naman to kala mo kung sino. Dko naman narinig yung huli nya pang sinabi bago yung 'sakay na' bulong lang kase yun! Sumakay nalang din ako choosy paba ko ang gwapo neto. Haha
Sasakay din pala! reklamo nya.
Pumunta na ko sa driver's seat. Pinaandar nya na yung kotse at biglang
Pinreno! Bwisit lakas nun ahh muntik na kong maumpog.
Hoy! may balak kabang patayin ako? Kung meron ibaba mo nalang ako! sigaw ko.
Pero imbis na sumagot e nilalapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Teka?! Hahalikan nya ba ko? Kung ganon di ako ready. (landeee) Haha. Pero teka nga palapit na ng palapit yung mukha nya sa mukha ko e. dug.dug. Eto na naman yung puso ko.
Nararamdaman ko na yung hininga nya kaya pumikit nalang ako at hinihintay na dumikit ang labi nya sa labi ko.
Magseatbelt ka kase para iwas din sa disgrasya. Tsk.
Seatbelt?! Napadilat ako ng mata akala ko naman hahalikan na nya ko. Pinaandar na nya ang sasakyan. Umiwas nalang ako ng tingin. Nakikita ko sa peripheral vision ko na nakangiti si Silver! Bakit kaya? Naiisip nya ba yung itsura ko kanina? Baka feeling nya gusto ko talagang mahalikan sya. Nakakahiya naman.
Nagdrive nalang sya hanggang sa makarating sa condo namin.
Bakit alam mo saan ako nakatira? Tanong ko. Wow lang kase, alam nya kung saan ako nakatira.
Imbis na sumagot bumaba sya ng kotse.
Bwisit talaga yung lalaking yun. Bumaba nalang din ako. Pumasok din sya sa building kung saan dun din ako, at sumakay na din kami ng elevator.
*ting
Andito na kami sa 7th floor kasama ko padin si Silver. Teka Ihahatid nya ba ko? Papunta kase sya sa unit ko.
Teka Silver ihaha---
Diko na natapos sasabihin ko dahil biglang pumasok na sya sa unit NYA!
Wtf! Ang akala kopa naman alam nya talaga san ako nakatira. Akala ko din ihahatid nya ko. Yun pala dito din sya nakatira sa katabing unit ko. Akala kopa naman. Tsss. >...<
*end of flashback*
Ohh ano masaya kana nakwento ko na ahh! sabi ko sa kanya
Teka lang sis. sabi nya habang nakalagay ang kamay sa may baba na para bang nagiisip. Siguro alam nya talaga kung saan ka nakatira!
Bakit mo naman nasabi? Sinabay nya lang ako kung saan sya pupunta. Pano pala kung hindi naman ako dito nakatira? Edi ganun din magtataxi din ako nun. Magaaya pa syang maghatid magpapasabay lang palang uuwi. inis na sabi ko sa kanya!
Chillax sis! Isipin mo nga! Siguro nagkataon lang na parehas kayong tinitirahan kaya nga sinabi nyang ihahatid kana nya diba! Dika naman nya ibababa dito kung hindi nya alam na dito ka din nakatira. Ibig sabihin alam nya kung saan ka nakatira! mahabang paliwanag nya pumapalakpak pa ang bruha.
Kahit na Tss. sabi ko at humiga na sa kama.
Teka nga sis, bakit kaba naiinis jan atleast hinatid ka nya diba? Ayaw mo nun! Inalok ka nyang sumabay sa kanya. Ayiiie.
Tukso nya sakin.
Osya! Una na ko ahh. Ayun lang talaga ang sadya ko e. Byeee! Goodnight. Wag kanang maginarte jan!
Lumabas na sya ng kwarto. Haaaays! Ginulo nya lang isip ko. Pero bakit kaya ganun! Naiinis ako sa kanya pag binabalewala nya ko. (arte parang magjowa lang) Bwissiiit! Makapagfb na nga lang.
Pagbukas ko ng fb ko ang daming friend requests. Diko naman lahat kilala kaya diko nlang pinansin. Pero may isa doon na nakapukaw ng atensyon ko, yung crush ko! sheeeeeet! Inadd nya ko. Woooo. I click the "accept" so yun friend na kame.
Sya nga pala si Cris Chan ultimate crush ko. Ang gwapo neto. Chinito sya palibhasa Half chinese. hehe
Bakit nya kaya ko inaad? Baka naman crush nya na din ako hehe. Lage kopa naman tinititigan mga pictures nya kaya lang hindi lahat dahil hindi naman kami fruend. Pero ngayon friends na kami kaya madami dami akong titigan na pictures neto ahh. Hahaha.
*tinining*
May nagmessage sakin. Pagtingin ko si Cris Chan.
Hello Jena ;) See you soon! btw you're so pretty.
Waaaah! Magrereply sana ko kaya lang bigla nalang syang nagoffline! Ayyy na ko. Di bale see you soon daw e. Paghahandaan ko ang araw na yun. hihi.
Pretty ko daw! XD
---
Ano kaya ang magiging papel ni Cris sa buhay ni Jena? :)
BINABASA MO ANG
His side (love at first sight)
Teen FictionPaano kung magkatagpo ang isang Jena at Silver na hindi maganda ang unang pagkikita pero umpisa palang ay gusto na nila ang isa't isa? Paano nila aaminin ang kanilang nararamdaman kung mortal silang magkaaway? Hanggang sa dulo kaya ay gusto padin ni...