Chapter Nine

100 5 0
                                        

Dear Diary,

Hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari ngaun.. Sumasakit na ang ulo ko.. Hindi ko na magawa yung mga gusto kong gawin ngaun .. Hindi na ako komportable sa kilos ko .. Hayyyss buhay ! Tsk tsk ..

Kaya ako nagkakaganyan eh, bigla akong chinat ni Crush kagabi, syempre nagulat ako .. Eh sumagot naman ako .. at nagpatuloy yung conversation namin hanggang sa may sinabi siyang "magusap tayo bukas hah, importante kasi eto eh". sinagot ko "Okay." Wala naman akong magagawa kung gusto niyang makipag usap saakin ngaun .. Ewan ko kung ano yung dahilan ..

Hindi na nga ako makatulog kagabi eh. Sa sobrang gusto kong malaman yung dahilan, gumagawa nalang ako ng mga sasabihin niya ..

Pagdating ko sa school wala pa si Crush .. Lagi naman akong nauuna dun eh .. Nakaupo ako at naghihintay sa mga kaklase ko .. At nakita ko na si Jenna; yung kaklase kong miyembro sa isang Group sa Room (kasali din ako).. At agad akong nagOpen up sakanya dun sa nangyari kagabi ..

Maaasahan mo naman siya sa mga ganyang Problema .. Kahit yung saakin hindi naman Problema .. Ayoko lang talagang makipagusap sa Crush ko kahit gusto ko .. Nakakailang kasi .. Hayys .. -,- ang gulo ko diba?

Nasa gitna kami ni Jenna sa usapan namin hanngang sa nakita kong kararating ni Crush sa room. sa mga oras na iyon nasa kubo kami ni Jenna naguusap, then biglang lumabas si Crush sa room at tumingin sa direksyon namin .. Agad kong kinuha yung kamay ni Jenna at kinaladkad siya papuntang C.R ..

Nakakapagod yun ah ! Ang layo kaya ng comfort room .. Hindi naman kami nagtagal sa banyo .. Parang pumunta lang kami dun at umalis na rin kaagad ..

At pagkapasok namin sa room, una kong nakita si Crush nakatingin ng diretso saakin .. Inalis ko yung tingin ko at ginawa ko yung mga bagay na kailangan kong gawin ..

At nung hapon na, sinabihan niya si Nadya; yung kaklase kong palatawa sa klase, at mabait siya sa lahat .. Sinabi niya saakin na gusto niya na daw akong magusap, nagulat ako sa sinabi niya .. "Hala! Hindi pa ako ready.." Agad nalang bumuka ang bibig ko at sinabi ang mga salitang iyon .. Sinabi na din ni Nadya kay Crush ndi pa ako ready makipagusap sakanya ..

Hanggang matapos yung araw .. Hindi pa kami naguusap ni Crush .. Sana bukas makalimutan na niya ..

Hanngang dito nalang ang maisususlat ko

-Love, Mayanne <3

*~*~*~*~*~*~*~*~
Pls Give it a Like or a comment Thanks so much xoxo

Diary ng LovelessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon