Dear Diary,
So ngayon, tapos ang school year. Sorry kung hindi ka updated simula pa lang. Kasi hindi ko alam na Maraming excitement na mangyayari sa taon na ito.
Hindi ko na malaman kung ano ba talaga kinikilos niya. Hindi mo na siya mabasa ng isang tingin lang. Parang ang hirap niya nang intindihin. Kaya minsan, binabalewala ko nlng siya.
Wala rin namang mangyayari kung ikoComfort ko siya o iaApproach. Hindi naman talaga kami ganoon ka close nun. Kung maguusap nga lang kami, may kailangan kami sa isa't-isa.
Ang dami kong naramdaman ngayong taon na ito. Halo-halo parang yung pagkain, maraming sago; maraming problema. Kapag kumuha ka at isinubo mo na yun hindi mo na kayang iluwa. Masarap na ngayon yun dahil taginit na. Haha, biro lang.
Pero talaga yung totoo, kapag ang pagsubok nandyan na hindi mo na kayang taguan yan na parang tagutaguan. Minsan mahirap talaga ang mga ito.
Ang Drama ko naman ngayong magsulat. Parang may pinagdadaanan hah?
Bukas nlng Diary, pagod ako ngayon eh ..
Hanggang dito nlng ang maisusulat ko.
-Love, Mayanne <3
BINABASA MO ANG
Diary ng Loveless
Teen FictionHi ! Ako si Mayanne Ligsay. Ibabahagi ko ang talaarawan ko sainyo .. Ito ay naglalaman ng pagkakaLoveless ko sa taong mahal ko .. Magkakaroon paba ako ng Pagasa sa Happily ever after o masasawi sa pagibig na hinahangad ko..
