Dear Diary,
Madaling araw na ngayon, ndi pa ako nagaalis ng make-up kasi gusto ko munang magsulat sa diary ko ..
Maraming nangyari ngayong gabi na to ..
Hindi ko alam kung saan ko uumpisahin, sa magandang part ba o sa bad?
Hay nako, sisimulan ko nlng sa maganda ..
Pagkapasok sa Gymnasium, marami ng tao. Maraming taong nakadamit Formal, ang gaganda ng mga damit nila, parang hindi mo na sila makikila sa mga suot nila.. Oo nga pala yung suot ko ngayon parang simple siya na Dress sa harap, then sa likod Backless.. Nilalamig na nga ako, kaya nagdala ako ng Jacket..
So, balik tayo sa mga maraming tao, habang naglalakad ako papunt sa mga kaklase ko, maraming nakatingin saakin .. May binubulong sila, sabi yata nung isa "ang ganda ganda niya naman." , "sabi sayo eh, kung nagayos lang yan maganda yan eh!"..
Haha priceless yung mga mukha nila .. Hanggang sa maabot ko yung table ng mga kaklase ko hindi parin maalis yung tawa ko sakanila..
"Anong nginingiti mo dyan, Mayanne?" sabi ni Emmie
"Kaya nga, para kang Baliw!" agad namang sabi ni Jenna
"Nakakatawa kasi Expression nila. hahahahahaha !" Napatawa ako ng malakas .. Pati sila nakisali na sa tawa ko.
At may biglang humawak ng Kamay ko ..
To be continued..
A/N: eto na yung Update .. Sorry kung magiging Part two eto .. Kasi parang magiging novela sa sobrang dami .. Baka mawalan ng tinta ng Ballpen si Mayanne.. Haha xD sana nagenjoy kayo sa chapter na to .. 😄
BINABASA MO ANG
Diary ng Loveless
Teen FictionHi ! Ako si Mayanne Ligsay. Ibabahagi ko ang talaarawan ko sainyo .. Ito ay naglalaman ng pagkakaLoveless ko sa taong mahal ko .. Magkakaroon paba ako ng Pagasa sa Happily ever after o masasawi sa pagibig na hinahangad ko..
