Dear Diary,
Ngayon ang start ng Pratice namin .. Eh, yung sasayawin namin ay yung dapat may partner kaya kumuha na sila ng partner nila ..
Medyo awkward ang part nung kumukuha nang kapartner yung mga kaklase ko .. kasi hindi naman talaga ganoon kaclose yung mga girls sa lalaki .. Oo, naguusap nga sila pero ung social dance na ganyan magiinarte lahat .. Hayss ..
Dahil sa kaAwkwardan na nangyari, ipinartner nalng kami ng teacher namin. "Okay, ikaw kapartner mo siya" sabi ni Teacher Lyn sa mga nasa harapan hanggang sa makapunta saakin si Teacher Lyn at sinabing "Ikaw at siya" pagkatapos niyang ituro umalis na siya .. At tiningnan ko kung sino ung kapartner ko ..
Si .. si .. si .. si Crush ! OhMyG, bumilis agad si heart tumatalon pa nga yata eh .. Yung mga butterflies sa tyan ko nagsiliparan sa loob .. Naghahyperventilate na nga yata ako nung mga oras na yun eh .. Kaso hindi naman OA ung normal na ang bilis mo lang huminga pero hindi nila pansin .. Basta ganun ..
Nagstart na yung practice .. Hindi ako makagalaw ng maayos .. Kinakabahan na talaga ako nang mga oras na iyon .. Pero kailangan hindi maapakan yung paa niya .. Hindi ako makaFocus sa mga steps na itinuturo .. At nabigla ako nang magsalita si Crush "Makinig ka, para hindi ka nagkakamali" sabi niya habang nakatingin siya sa nagtuturo ng mga steps, eh ako napatingin sa kanya at tumango nalng ..
Ayaw maSink-in sa Utak ko yung mga steps na sinasabi .. Habang tinitingnan ko ung mga galaw, naiisip ko si Crush .. Ewan ko bakit ako ganito .. Nababaliw na nga ata ako ..
Pero nang makinig na talaga ako sa mga steps na itinuturo ay nakasunod na kami ni Crush .. Ang galing palang sumayaw ni Crush .. Ang smooth ng galaw niya ..
Pagkatapos namin sa practice ay nagsiupo na kami ng mga kaklase ko .. Sa sobrang pagod namin ay nakatulog ang mga ilan .. Hayaan mo na free time rin na man eh .. Sa hindi sinaasahang paglingon ko nakita kong nakatingin sa bandang direksyon ko si Crush .. Tapos bigla siyang ngumiti .. Nakakalusaw talaga ang mga tingin at mga ngiti niya .. :3
Hanggang dito nlang ang aking maisusulat ..
-Love, Mayanne <3
*~*~*~*~*~*~*~*~
Pls Give it a Like or a comment Thanks so much xoxo

BINABASA MO ANG
Diary ng Loveless
Teen FictionHi ! Ako si Mayanne Ligsay. Ibabahagi ko ang talaarawan ko sainyo .. Ito ay naglalaman ng pagkakaLoveless ko sa taong mahal ko .. Magkakaroon paba ako ng Pagasa sa Happily ever after o masasawi sa pagibig na hinahangad ko..