Dear diary,
Akala ko totoo na yung nangyari sa HS Night.. Yun pala Imagination ko lang .. Kailan pa ba ako magpapantasya na magkakagusto saakin yun. Hindi naman ako Type nun..
Nang pagkapasok ko sa room namin, bigla naman akong kinulit ni Millie kung sino na daw nagbigay saakin ng Bracelet .
Oo nga noh! Sabi ni Crush sasabihin niya saakin sa HS Night.
Hay naku, makakalimutin din yata tong si Crush eh.
Sinabi ko kay Millie na hindi ko pa siya kilala. Sino kaya yun?
Pumunta kami sa Canteen ni Millie para bumili. Hinulaan namin ni Millie kung sino siya kaso wala kaming evidence na siya nga talaga yun .
NaBored na kami ni Millie at pumunta na agad sa Room. May Teacher na sa loob, nasobrahan yata kwentuhan namin ..
Pinagalitan kami at pinaupo na din. At nagsimula siya magsalita, nung HS Night hindi nila sinabi ko sino yung Queen ang King of the Night. Kaya ngayon nila sasabihin ..
Kailangan pa kasing bumoto doon eh, kaya natagalan.
Nasa Gymnasium na kami, at doon nila sinabi. Hindi naman talaga ako excited sa mga ganitong bagay kasi hindi ko to hilig.
Nagsalita na yung isang Teacher, sinasabi na yung King of the Night.
At ang napili ay si Crush.
Ahhhh, syempre sa sobrang Gwapo niya mapipili siyang King of the Night. Adik ba sila kung hindi nila binoto ?
Anyway, syempre tatawagin din kung sino yung Queen. Lahat nang mga babae kinakabahan. Oo aaminin ko, magaganda lahat ng mga Girls nung HS Night. nagEffort sa mga damit nila at makeUp..
Habang sinasabi na yung Queen of the Night, naghahawak-hawak lahat ng mga Girls na parang may Competition na magaganap. Nakakatawa talaga sila .
At ang napiling Queen ay si .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nadya.. haha, maganda naman talaga siya. Mabait pa.
Ganda niya kaya sa HS Night.
So, yun nga yun .. Hindi pa nagpaparamdam yung nagbigay saakin nung Bracelet.
Hanggang dito nalng ang maisusulat ko,
-Love, Mayanne <3
*~*~*~*~*~*~*~*~
Pls Give it a Like or a comment Thanks so much xoxo
BINABASA MO ANG
Diary ng Loveless
Teen FictionHi ! Ako si Mayanne Ligsay. Ibabahagi ko ang talaarawan ko sainyo .. Ito ay naglalaman ng pagkakaLoveless ko sa taong mahal ko .. Magkakaroon paba ako ng Pagasa sa Happily ever after o masasawi sa pagibig na hinahangad ko..
