Prologue

883 20 5
                                    

Eliszha's POV

"Paki bilisan naman manong, malelate na ko oh." sabi ko. Peste! Tanghali na. Lecheng buhay 'to. Hindi ko alam kung nananadya ba ang panahon e. Kung kailan nag mamadali dun naman traffic. Shit!

"Ma'am traffic po e." -sabi ni Manong.

"Nakikita ko, hindi ako tanga." sabi ko. Tumaray na lang ako.

"S-Sorry po." -sabi niya na lang.

"O, shut up. Mag drive ka na lang." sabi ko. 

Nang makarating kami sa school, "Ayoko ng makita pag mumuka mo manong. O 20,000 pwede na ba yan?!" sabi ko at binato sakaniya yung pera. Psh.

Nagmamadali akong pumasok sa room, buti na lang marunong lumayas sa daan tong mga pesteng studyante na 'to.

Pag pasok ko sa room. . . "Are you ready to pray classmates?" sabi ng bestfriend kong si Shayan Marie Tan. Biglang nag tinginan sakin pero ako? Ito dedma lang. 

Nagpunta ako sa upuan ko at nakita kong may bag dun, kinuha ko ang bag at hinagis ko. Wala akong pake kung kanino yun. Naupo ako sa upuan. "Miss Franshae, pwedeng tumayo ka muna at magdadasal tayo?" sabi ng bestfriend ko ng nakangiting nakakaloko. Tinarayan ko siya at bugnot na tumayo. 

"Our Father, Who art in heaven

Hallowed be Thy Name;
Thy kingdom come,
Thy will be done,
on earth as it is in heaven.
Give us this day our daily bread,
and forgive us our trespasses,
as we forgive those who trespass against us;
and lead us not into temptation,
but deliver us from evil. Amen."

Pag katapos na pag katapos ng prayer na upo ako agad. "Ahem, good morning class." bati ng prof namin. Napairap na lang ako.

"Good Morning Miss Kumukutikutitap. Pfftt.." sabi ng mga kaklase ko.

"Good Morning, miss Franshae." tinignan ko siya. matagal na titig. Sabay umirap ako.

"Morning." walang gana kong sagot. 

Nag discuss siya ng nagdiscuss, wala akong pake. Aanhin ko ba yan? 

***

Ang haba naman ng pila dito sa lecheng canteen na 'to. Ipasara ko 'to e. Makapagpatayo na lang kaya sa campus ng resto na ako lang pwede? Hm, good idea. Pero wag muna ngayon.

"Tabi!" sigaw ko. Nagtinginan sila samin ng bestfriend ko at nag alisan na sila. 

"Bitch." rinig kong sabi ng isang babae habang nakatalikod. Hinatak ko ang buhok niya at nginudngod sa lupa.

"Kilalanin mo kung sino ang kakalabanin mo, slut." sabi ko. at binitawan siya. Kinuha ko ang alcohol ko sa bag at nag alcohol.

"Tara na Shay, sa mall na lang tayo. Ang daming malandi dito e. Na-aallergy ako." Sabi ko at lumabas na. Natawa na lang si Shayan/Shay.

**

"O, shit." sabi ko. May nakabangga sakin habang palabas ako sa restaurant.

"Sorry miss, I have to go." sabi niya at naglakad palayo.

"Damn it!" sigaw ko. 

"I said sorry na diba?!" sabi niya at humarap ulit.

"Hindi ko kailangan ng sorry mo, dinikitan mo ko!" sabi ko.

"Ang arte mo. Kala mo maganda ka." sabi niya at tinalikuran ako.

"Aba!" sabi ko. 

"HAHAHAHAHA!" Tawa ng kaibigan kong siraulo.

"Ugh. I hate you Shay!" sabi ko at nag walkout.

***

Nag pahatid ako kay Shay sa bahay, remember? Wala akong driver. Buti na lang nag patawag ako kay daddy ng new driver. Pag kauwi ko sa bahay.

"Sa wakas, dumating na ang napakabait kong anak. Come here, baby." sabi ni Daddy.

"Siya ang bago mong driver." sabi ni Daddy at biglang humarap ang lalaki na kinalaki ng mata ko. "Eliszha, meet Keil. Your new driver. From now on, dito siya titira sa bahay. At kasama mo siya sa lahat ng pupuntahan mo."

"WHAT?!" Sigaw ko.

NO! NO! NO!

Love At First FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon