Chapter Thirteen

241 9 0
                                    

Elisz' POV

"Bakit ba pinagpipilitan mo yang notes na yan?! Punyeta naman Keil! Edi sana ikaw na yung nag aral diba?!" sigaw ko, umagang umaga kase yan ang binanggit niya.

"Nasa rules yan!" sabi niya.

"Pati ba naman yan! Ayoko niyan!" Sigaw ko

"Lahat naman ayaw mo e!" sigaw niya.

"Peste! Lumayas ka nga dito!" Sigaw ko.

"Hahanda ko na pagkain mo." sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.

"Buti naman." sabi ko na lang.

Bumaba na ako. Kumakain na si Keil, naupo ako at nag sign of the cross. Gulat kayo noh? Pwes ako hindi. Leche.

Pagkabukas ko ng nakatakip na ulam, notes ang nakalagay.

"Putcha! AYAW MO BA KO PAKAININ?!" Sigaw ko.

"Ayaw." sabi niya ng hindi ako tinitignan.

"Okay fine. Basta, hindi. mo. ako. ma. pipilit!" sigaw ko.

"Okay." sabi niya at hindi na naman ako tinitignan. Umalis na lang ako.

"AKIN NA SUSI NG SASAKYAN!" Sigaw ko.

"Mag review ka muna." sabi niya sabay inangat ang susi.

"Ayaw ko. Akin na yan!" Sabay hablot ko sa susi pero hindi ko makuha dahil ang tangkad niya.

"Ayoko nga din." sabi niya.

"Kdot. Aalis na ko!" sabi ko at tinalikuran na siya. Nag punta ako kwarto ko at kinuha yung wallet ko, pag bukas ko.. WALANG PERA?! May papel at nakalagay dun, pag tingin ko ay. . "Punyetang reviewer to!" sabi ko at binato ito! Nakakainis! Bumaba agad ako at paakyat siya. Nasa hagdan pa lang ako binato ko na sakanya yung wallet ko.

Love At First FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon