Chapter Nineteen

174 9 3
                                    

Eliszha's POV

"Tatanggapin mo din pala sorry ko, aarte pa." sabi ni Keil.

"Edi wag! Bahala ka." sabi ko at tatalikuran ko na siya dapat kaso hinatak niya ang braso ko.

"Pipigilan mo din pala ko, umaarte pa." sabi ko sakanya. 

"Whatever! Tara na nga lang!"

"Teka? Mag cucut ako ng klase?" tanong ko kay Keil.

"Sino may sabi? Mag la-Library tayo! Tara na!" 

***

"HUWAAAAAA! Ang sakit sa mataaaaa!" bigla akong binatukan ni Keil.

"Aray naman!" Sabi ko.

"Ang OA mo kasi e! Tara dun sa upuan at mag rereview ka!" sabi niya sakin at hinatak na naman ako paupo.

"Parang tinatamad ako D!" sabi ko sakanya.

"Shhh! Quiet please!!" sigaw nung librarian na studyante. Sino ba to? Siya yung sinapak ko at yung nanghihingi sakin ng pagkain, ano ba pangalan neto? Nathaniel? Natty? Nathan? Ah ewan.. Tinarayan ko na lang siya at humarap kay Keil.

"Kelan ba hindi?" sabi niya ng pabulong lang.

"Leche! Kala mo kasi madali eh!" sabi ko sakanya.

"Shhhh!" sigaw ulit ng librarian.

"SHHH SHHH MO MUKA MO!" Sigaw ko.

"Ano ba yan?! Bakit ang ingay?!" sigaw niya.

"Miss Librarian, sigaw ka ng sigaw kaya natural maingay!" sigaw ko na.

"Eh ang ingay ingay mo eh!" sigaw nung librarian na mukang kengkoy.

Love At First FightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon