Keil's POV
Pag pasok ko sa kwarto ko tinignan ko agad ang test paper na pinasagot ko sakanya, at sinimulan ng icheck. WOW. Level up si Maldita, 7 lang ang mali niya at 43 ang tama niya. Mukang matatalo ako sa deal namin ah. Napasubo ako masyado. Takteng yan! Tatlong dare ang ibibigay niya sakin. Ano kaya yon? But anyway highway okay lang. Atleast hindi na ko maipapakasal kay Khai Davis, at magiging malaya na ako. Pwede ko ng ligawan si Maldita—-teka? Ano bang pinag iisip ko? Putspa naman! I'm not yet sure about sa feelings ko between Elisz and Ainah. Hay.
Dibale, malapit ng matapos ang nasa listahan. Makukuha ko na ang gusto ko. Naalala ko yung huling dalaw ko dati kay daddy.
Flashback:
"Kanino nga dad?! Just answer my question!" sigaw ko sabay sipa ng upuan, napatingin bigla sakin si daddy. "Please." sabi ko na nanlulumo na.
"Khai. Khai Davis." sabi ni daddy.
Hindi ba talaga kay Eliszha? So it means sa iba siya mapupunta? Hindi ako ang ka-arrange marriage niya? Namuo ang katahimikan at napasapo ako sa mukha.
"Pag natapos ang sampung utos diyan, makukuha mo ang gusto mo. Hm, ano bang gusto mo mangyari anak pag nakuha mo ang gusto mo?" dad.
"I want my freedom. Ayokong maipakasal kay Khai Davis. Gusto kong ipakasan sa taong gusto ko." sabi ko kay daddy.
"Ayaw mong maipakasal kay Khai Davis? Papakasalan mo ang babaeng mahal mo? It means, ayaw mong makilala pa si Khai Davis? *tumango ako* Okay then. Hindi mo siya makikita, o makakasama kahit kailan pag tapos na pag tapos ng sampung utos na yan." sabi ni daddy. "Deal?"
"Yes dad, deal."
End of flashback
Napatigil ako sa pag iisip ng mag ring ang phone ko, sinilip ko at nakita ko ang caller. Si Ainah. Ang dami ko ng pinoproblema isa pa to. I know mahal ko si na ata si Elisz, pero bakit isang tawag lang ni Ainah para akong tanga na sunod agad?*sigh
"Hey." bati ko sakanya.
"Hey, Sean. How you doing?" sabi niya.
"Im good. And you?" tanong ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Love At First Fight
RomanceACTION-ROMANCE Meet Eliszha Franshae, isang spoiled brat, lahat ng gusto niya nakukuha niya. Kinatatakutan ng buong campus at isa sa pinakamayaman sa bansa. Isang heartless slash heartbreaker. Siya ang tinaguriang 'EX NG CAMPUS' Paano ba naman kasi...