Elisz' POV
"Ano ba ito D! Puro bata naman dito!" sabi ko sakanya.
"Nasa bahay ampunan ka, what do you expect? Shoes? Books?" sabi niya at hinila ako papunta sa isang madre. nag uusap sila at wala akong pake doon.
"Siya nga po pala si Eliszha." sabi ni Keil,
"Ang gandang bata naman nito Sean." sabi ni sister.
"I know right." sabi ko at umirap.
Kinurot ako sa tagiliran ni Keil kaya halos mapasigaw ako, "Ay PUT--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil napatingin si sister. "PUT LOVE IN MY HEART." Sabi ko at ngumiti si sister at nagpipigil ng tawa itong si Keil. Bwisit.
***
"Yung iba sa kanila iniwan lang sa labas ng gate ng ampunan, yung iba naman napulot namin. Yung iba nawala sa pamilya nila at dinala dito, yung iba namang medyo malalaki na kusang nag punta dito kasi palaboy laboy na sila." Sabi ni sister habang nililibot kami dito sa ampunan,
"Grabe no, may mga magulang pala talagang iniiwan ang anak nila. Kala ko sa teleserye lang yun." sabi ko.
Mukang nagulat si Keil sa sinabi ko, "Sister, magdodonate ako ng 30,000 para sa mga bagong damit at laruan ng mga bata." sabi ko. Hindi na 'to dahil sa rule, at mas lalong hindi to dahil sa awa. Dahil to sa gusto ko silang matulungan.
"Nako maraming salamat saiyo hija! Pag palain ka nawa ng Diyos!" sabi niya. Ngumiti na lang ako.
Nang matapos namin ibigay kay sister ang donasyon, naupo kami ni Keil sa swing. "Anong nakain mo?" sabi niya agad.
"Pwede ba, minsan lang akong ganito. Sulitin mo na." sabi ko at tinarayan siya.
"Do you want to go home?"
"Nah, 2:00 pa lang ng hapon. Dito na lang tayo buong araw."
"Anong gagawin natin dito?" sabi niya.

BINABASA MO ANG
Love At First Fight
RomanceACTION-ROMANCE Meet Eliszha Franshae, isang spoiled brat, lahat ng gusto niya nakukuha niya. Kinatatakutan ng buong campus at isa sa pinakamayaman sa bansa. Isang heartless slash heartbreaker. Siya ang tinaguriang 'EX NG CAMPUS' Paano ba naman kasi...