Chapter 7

49 1 0
                                    


Authors Note:

Una sa lahat pasensya na sa matagal na update. Para po mas maintindihan nyo ang kwentong ito ay iibahin ko ang istilo ng pagsalaysay sa istorya. Kung sakaling mabasa nyo ang AUTHOR'S POV ay idinedetalye nito ang bawat pangyayari sa mga characters ng kwentong ito.

Enjoy reading! Follow nyo po ako sa aking twitter account: @vhyncosep

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Author's POV

Alas dos na ng madaling araw ay hindi parin makatulog si Mish. Hanggang ngayon ay magulo parin ang isip niya, dahil hindi niya akalain ang pag-amin sa kanya ni jerick.

Naguguluhan siya sa kanyang sarili kung matutuwa o maiinis dahil dito. Maghapon niyang itinuon ang atensyon sa mga gawaing bahay para lang iwasan ito.

Habang nakahiga siya sa loob ng kanyang kwarto ay bigla-bigla siyang nakaramdam ng malamig na hangin na dumampi sa kanyang balat. Doon niya lang napansin na bukas pala ang bintana ng kanyang kwarto.

Patayo na sana siya upang isara ang bintana ngunit napatigil siya ng mula sa labas nito ay may napansin siyang  anino ng isang lalaki na may dalang panaksak. Nagtaasan ang mga balahibo niya sa takot at kaba. Dali-dali niyang binuksan ang ilaw sa loob ng kwarto at mabilis niyang tinungo ang bintana upang isara ito, ngunit bago niya ito isara ay sinilip niya sa labas kung sino ang lalaking iyon.

Ngunit ipinagtaka niya na wala siyang nakitang tao sa labas, luminga linga siya sa paligid at ng madako ang tingin niya sa kanang bahagi ay bigla siyang nagsisigaw sa takot. Dahil malapit lang pala sa kanya ang lalaking may dalang panaksak. Nakasuot ito ng jacket na itim, nakapantalon at nakasumbrero. Natigilan siya ng natanggal ang suot nitong sumbrero. Halos mandiri siya sa anyong nitong inaagnas na, hindi makilala ang mukha nito at ang isang mata nito ay nakaluwa na. 

Ng aktong hahawakan siya nito sa kanyang braso ay dali-dali niyang isinara ang bintana.

Tumakbo siya papunta sa kama, ngunit bago siya makarating doon ay napatid siya dahil may naramdaman siyang kamay na humawak sa kanyang paa mula sa ilalim ng kama. Napasigaw siya sa sobrang takot.

"AAAAAHHHHHHHH..." halos mapaos siya kakasigaw para lang may makarinig sa kanya.

Halos panawan siya ng ulirat ng makita ang maraming dugo sa kamay nito na nakakapit sa kanyang binti. Unti-unting lumalabas sa ilalim ng kama ang nilalang na iyon. Doon niya napansin na isa itong babae. Ang mukha nito ay natatabingan ng mahaba nitong buhok, ang suot nitong bestida ay puro mantsa ng dugo, ang buong katawan nito ay puno ng sugat.

Lalo siyang nanginig sa takot ng biglang kumalampag ang bintana. Nilingon niya ang bintana dahil sa lakas ng ingay na nagmumula rito, tila gustong pumasok sa loob ng kanyang kwarto ang nilalang na lalaki sa labas.

Hindi niya alam kung sino ang dalawang nilalang na itong nanggugulo sa kanya.

"AHHHHHHHH..." halos maiyak siya kakasigaw ng maramdaman ang mga kamay ng babaeng nilalang sa kanyang leeg.

Halos di siya makahinga sa pagkakasakal nito. Nabaling muli ang tingin niya sa bintana dahil nakita niya ang unti-unting pagpasok ng lalaking nila sa kanyang kwarto.

"AHHHHHHHHH..." isang malakas na sigaw muli ang kanyang pinakawalan bago siya mawalan ng malay.

------------------------------------------

Napabalikwas ng bangon si Jerick ng marinig ang malakas na sigaw ni Mish. Dali-dali niyang tinungo ang kwarto nito. Pagpasok pa lamang niya sa kwarto nito ay nagulat siya sa kalagayan nito. Wala itong malay na nakahiga sa sahig. Lumapit agad siya dito at ito'y ginising.

"Mish, gising!!!" Tinapik-tapik niya ang pisngi nito.

Ng imulat ni mish ang mga mata nito ay bakas parin ang takot dito.

"Anong nangyari sayo?  Bakit ka sumigaw? "

Imbis na sagutin siya nito ay bigla itong humagulgol ng iyak. Inilalayan niya itong makaupo.

"Wag kang matakot, ano bang nangyari sayo? " muli ay hindi na naman siya nito sinagot.

Niyakap niya ito sa kanyang bisig upang iparamdam ang pagdamay niya para rito.

Maya -maya ay nagsalita ito na halos hindi niya maintindihan dahil sa patuloy parin nitong pag -iyak.

"May mu-multo sa bahay mo " ng marinig niya ang sinabi nito ni mish ay bahagya siyang lumayo rito para makita ang mukha nito kung ito'y nagsasabi ng totoo.

"Binabangungot ka lang " kaagad na nasabi niya.

Umiling -iling ito na patuloy parin sa pag -iyak. "Sir jerick, alam ko mahirap paniwalaan yung mga sinasabi ko pero nagsasabi ako ng totoo. May multo ng lalaking may dalang panaksak dyan sa labas ng bintana at isang babaeng duguan naman dyan sa ilalim ng hinihigaan kong kama."

"Hah?" Yun lang ang nasagot niya dahil hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang mga sinasabi nito. Hindi naman siya naniniwala sa multo, kung hindi lang niya kilala si mish ay iisipin niyang nababaliw na ito.

Nilapitan niya ang bintana na nakabahagyang nakabukas. Sumilip siya sa labas at wala naman siyang nakita ni kahit na anino ng binabanggit nitong si mish. Muli siyang lumapit kay mish.

"Sir Jerick, natatakot po ako. Nakita nyo po ba sa labas yung sinasabi ko? "

Umiling siya. "Binabangungot ka lang. Kung gusto mo ngayong gabi doon ka matulog sa kwarto ko, doon na lamang ako matutulog sa sofa sa may salas"

"Maniwala po kayo, totoo po niyan ramdam ko parin yung higpit ng hawak ng babaeng duguan sa paa ko, tignan nyo po ang paa ko kung may bahid ng dugo " nabaling ang tingin nito sa kanyang paa ngunit kahit ito  ay nagulat dahil wala silang nakita ni kahit na anong bakas ng dugo rito.

"Sir Jerick,  imposible po kanina lang maraming bakas ng dugo dito sa paa ko dahil sa multo ng babaeng iyon "

"Mish,  siguro kailangan mo lang ng pahinga. Maghapon kang abala sa gawaing bahay kaya kung ano-ano nalang ang nakikita mo " hindi buo ang loob niyang maniwala rito, dahil para sa kanya ito ay binangungot.

"Pero sir --" hindi na nito naituloy ang sasabihin.

"Sssshhhh, halika magpahinga kana sa kwarto ko " dali-dali niya itong inakay patayo.

Hindi na ito umimik ng dalhin niya ito sa kanyang kwarto upang doon muna ito pansamantalang matulog.  Dumiretso siya sa sala at doon na lamang sa sofa natulog. Hindi man niya aminin sa kanyang sarili pero may bahagi ng kanyang isip na parang gusto nitong maniwala sa mga sinasabi ni mish.  Ipinikit niya na lamang ang mga mata upang bumalik sa pagtulog.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon