Chapter 1

115 1 0
                                    

After 2 years...

"Sir Jerick, nandyan na po sa baba ang inirekomenda ng agency na bago nating kasambahay" napalingon ako kay manang flor.

Mula sa aking pagkakaupo sa gilid ng aking kama ay mabilis akong tumayo.
"Salamat manang flor, susunod na po ako sa baba" lumabas agad ng aking kwarto si manang flor.

Bago ako lumabas ng aking kwarto ay napatitig ako sa malaking salamin na nakasabit malapit sa aparador. Pinagmasdan ko ang aking sarili.

Ako si Jerick Montezar sa edad na 27 ay masasabi ko ng may napatunayan na ako sa aking buhay, dahil sa sunod-sunod na natanggap kong biyaya at isa na dyan ang maging manager ng isa sa pinaka-malaking bangko dito sa maynila. Ang mga magulang ko ay naninirahan nasa states kasama ng nag-iisa kong kapatid na babae. Ako ngayon ay nakakaranas ng maranyang buhay at wala na siguro akong mahihiling pa.

Pero teka, ang sabi ng ilan kong kaibigan ay parang may kulang pa sa buhay ko?

alam ko na!

Ang tinutukoy nila ay ang babaeng mamahalin ko kasama sa pagtanda.
Uhhmmmm... Sino kaya yun? Kailan ko naman kaya siya makikilala?

Napailing ako ng maalala kong may naghihintay sa akin sa baba. Dali-dali akong lumabas ng aking kwarto at kaagad na tinungo ang salas.

Naghihintay na roon ang bago kong kasambahay na magiging kasama dito ni manang flor sa bahay. Masyado ng matanda si manang flor kaya minabuti kong kumuha ng bagong kasambahay na makakasama nito sa mga gawaing bahay.

"Hello sir good morning" bati sa akin ng bago kong kasambahay, bigla nitong inabot sa akin ang isang envelope na naglalaman ng ilan niyang papeles na kanyang pagkakakilanlan.
Binuksan ko ito at binasa ang ilan doon.

"Mish Valencia, pwede ka ng magsimula ngayon" sabi ko rito.

Nagulat na lamang ako ng bigla itong magtatalon kasabay ng pagpalakpak ng kanyang mga palad. Habang ito ay nakanguso at ang mga mata nito ay panay ang kindat sa akin.

"Oh, anong ginagawa mo?" Tanong ko rito dahil para yatang nasumpit ng hangin itong nakuha kong bagong katulong.

"Hehe..sir jerick alam nyo po kasi ay sobra po akong nagagalak na maging kasambahay nyo dahil ang gwapo-gwapo nyo po pala at mukha pa po kayong mabait, geeezzz..." at tumili ito ng pagkalakas lakas.

Napangiti na lamang ako sa mga sinabi nito at ikinilos. Mukhang masayahin itong si Mish, mukhang magiging masaya ang kanyang tahanan sa pagdating nito.

Maya-maya ay natigilan ako ng biglang maging seryoso ang mukha nito. Unti-unti nitong nilalapit ang kanyang mukha sa aking mukha.

"Oh, anong gagawin mo?" Mukha yatang may pagkamanyakis din itong si mish.

Bigla akong kinabahan sa kanyang kinilos, lalo na ng pinanlakihan niya ako ng kanyang mga mata na para bang sinasabi niyang "Wag kang papalag, gusto kitang tikman"

Napapikit na lamang ako, at ng unti-unti kong naaamoy ang kanyang mabangong hininga ay naramdaman kong dumampi ang kanyang ilong sa aking ilong. Hindi ko na ito kaya!  Mabilis kong iminulat ang aking mga mata kasabay ng malakas na pagsapak sa mukha ni mish. Nakita ko kung paano ito bumuwal mula sa kanyang pagkakatayo.

"Hala sir jerick, ang sakit naman! Bakit nyo ko sinapak?" Sapo nito ang kaliwang pisngi. Tila gulat na gulat ito sa aking ginawa.

"Anong pumasok sa utak mo para manyakin ako?"

"Ahahaha...." bigla itong tumawa ng malakas habang hawak nito ang tiyan.

Naguguluhan ako sa ikinikilos nito, mukha yatang may toyo ang isang ito.
Napansin ko na lalo pa itong tawa ng tawa at nagpagulong-gulong pa sa sahig.

"Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan?" Seryoso na talaga ako.

Bigla itong tumayo at mabilis na lumapit sa akin.

"Ikaw naman sir, napaka-malisyoso naman po pala kayo" nagulat na lamang ako ng bigla itong may tinanggal sa aking mga mata gamit ng kanyang daliri. "May MUTA po kasi kayo, gusto ko lamang tanggalin. halatang kagigising nyo lang po kasi."

Nakahinga ako ng maluwag, akala ko naman kung ano na.

"Oh, sige gawin mo na ang dapat mong gawin dito sa bahay, dito na muna ako" tumalikod na ako kay mish.

"Oh, sir jerick saan ka pupunta?" Tanong nito.

Naiinis akong napalingon sa kanya. "Maliligo na ako at maaga akong papasok sa opisina ngayon"

"Sir, baka gusto nyong ako ang magpaligo sayo? Hehe..."

Pinakita ko sa kanya ang kanang kamao ko. "Gusto mo ba ulit makatikim ng sapak?"

"Hehe...joke lang sir" dali-dali itong umalis sa harap ko at tinungo ang kusina.

Napapangiti na lamang ako habang tinutungo ang banyo.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon