Chapter 9

51 0 0
                                    

Napaatras si Mish ng makita niya sa loob ng aparador ang babaeng duguan na nakita din niya kagabi.

Nagimbal siya sa mga mata nitong nanlilisik na nakatingin sa kanya. Bahagyang nakahawi ang buhok nito kaya kitang -kita din niya ang ilang sugat nito sa mukha na maraming hiwa. Ang buong katawan nito ay nababalutan ng dugo.

Nanlaki ang kanyang mga mata ng unti-unti itong bumababa mula sa loob ng aparador.

Hindi niya mapigilan ang ilang beses na mapasigaw sa takot.

"Aaaaaahhhhhh...."

Bago pa mang makalapit sa kinaroroonan niya ang babaeng duguan ay kumaripas siya ng takbo patungo sa may pinto.

Ngunit lalo siyang nagimbal at natakot ng mabuksan niya ang pinto patungo sa labas ng kwartong iyon.

"Aaaaaahhhhhhh...." lalong lumakas ang kanyang sigaw ng tumambad sa harapan niya ang lalaking may dalang panaksak.

Kitang -kita niya sa malapitan ang nabubulok nitong katawan.

Halos pagpawisan siya sa takot. Nanginginig pa ang buong katawan niya at nahihirapan na siyang makahinga ng dahil sa takot.

Unti-unti siyang umatras palayo dito.

"Pakiusap lubayan nyo ako..." sigaw niya habang siya ay umiiyak na.

Habang paatras siya ng paatras ay umaabante naman sa kanyang kinaroroonan ang lalaking may dalang panaksak at babaeng duguan.

Halos masiraan siya ng bait dahil parang hindi niya kakayanin ang mga nakikita.

Umuungol ang dalawang nilalang sa harapan niya , ngunit hindi niya maintindihan ang ibig-sabihin nito.

Ng akmang dadakmain siya ng lalaking may dalang panaksak ay mabilis siyang nakaiwas.

Kahit na nanginginig na siya sa takot ay mabilis siyang lumapit sa bintana.

Isa lang ang nasa isip niyang paraan para makatakas sa mga ito.

Mabilis siyang tumuntong sa bintana. Bago pa man siya malapitan at mahawakan ng mga ito ay minadali niyang tumalon mula sa labas.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Nabitawan ni Manang Flor ang mga pinamalengke niya ng masaksihan mismo ng kanyang dalawang mata ang pagtalon ni Mish sa bintana mula sa loob ng kwarto ni jerick.

Tumakbo siya sa kinaroroonan nito, dahil sa pag-aalalang baka napasama ang pagkabagsak nito.

Dali -dali niyang inalalayan si mish para makatayo. Laking pasasalamat niya dahil hindi naman ganoon kataas ang pinagbagsakan nito. Nagtamo lamang ito ng ilang galos sa binti at braso.

Pero ipinagtaka niya ang mukha nitong takot na takot at halos nanginginig pa ang buong katawan nito. 

"Mish ..., anong dahilan bakit ka tumalon mula doon sa bintana? Ano bang nangyayari sayo? " pag-aalalang

tanong niya.

Hindi siya nito sinagot, tanging hikbi lamang ng pag-iyak ang narinig niya dito.

Hindi na muli siyang nagtanong kay mish, dahil nirerespeto niya ang pananahimik nito.

Minabuti na lamang niyang ipagpahinga ito ng buong araw, dahil sa pag -aalalang baka kailangan muna nitong mag -isa.

°~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~°

"Pare kamusta love life?" Tanong kay jerick ng isa niyang kaibigan.

Nandito sila ngayon sa isang bar sa pasay. Pagkatapos ng mahabang oras ng kanilang pagtatrabaho sa kanilang pinapasukang kumpanya ay nagkayayaan silang lumabas para aliwin ang kanilang mga sarili.

Mag -iisang taon pa lamang siyang nagtatrabaho sa isang bangko dito sa maynila ay laking pasasalamat niya ng siya ang irekomenda ng kanilang boss bilang manager. Dahil narin ito sa kanyang husay at talino sa pagpapatakbo ng kumpanya.

Nabaling ang tingin niya kay Elton dahil sa tanong nito.

Hindi niya alam kung sasagutin ba niya ang tanong nito o huwag na lang.

Sa totoo naman kasi wala siyang love life ngayon. Nakakailang girlfriend din siya noon pero hindi niya sineseryoso, dahil pakiramdam niya ay pinaglalaruan lamang siya ng mga ito.

Minabuti niyang hindi nalang sagutin ang tanong ng kaibigang si elton. Kinuha niya sa harap ang beer na kanina pa niya iniinom at mabilis na tinungga ito.

"Wala ka bang napupusuan sa mga ka-work mates nating babae? " tanong naman ni benson na katabi naman nito ang chik boy na si bob.

Umiling siya...

Ang totoo  niyan isang babae lang ang pumukaw sa kanyang atensyon ngayon, ang babaeng unti-unti niyang minamahal,  na nais lamang niya ay gusto din siya nito. At iyon ay si Mish.

Maya -maya ay tinignan niya ang oras sa suot na relo.

Bumaling siya ng tingin sa mga kaibigan.

"Mga pare, 11:13 na ng hating gabi. Kelangan ko na munang mauna sa pag -uwi " pagpapaalam niya sa mga kaibigan bago tumayo sa kanyang kinauupuan.

"Okay sige ingat sa daan " sabi ni bob.

Bago siya makalayo sa mga ito ay naririnig pa niya ang ilang kantyawan ng mga kaibigan kay bob dahil sa pagiging babaero nito.

Habang naglalakad siya sa loob ng bar ay pinagmasdan niya ang paligid. Andaming tao sa loob nito na may kanya kanyang grupo. Ang iba ay abala sa pagsasayaw, pag -iinom, pakikipagkwentuhan  at pakikipaghalikan.

Ang ingay din sa loob nito dahil sa lakas ng tug -tog ng musika, idag-dag pa ang mga bungangang sabay -sabay na nagsasalita.

Tuloy -tuloy lamang siya sa paglalakad, at ng palabas na siya ng pintuan ay hindi sinasadyang may nabangga siyang isang lalaki.

"Bro, sorry ..." pagkasabi niyang iyon ay napatingin siya sa mukha nito.

Ganoon na lamang ang kanyang pagtataka sa lalaking kaharap.

Napakunot ang noo niya sa ekspresyon ng mukha nito.

Hindi naman galit ang mukha nito, pero mas ikinabahala niya ang pagngisi nito. Tila parang may takot na nabuhay sa kanyang pagkatao.

"Pareng jerick, kamusta na? " sabi nito na kanyang ikinagulat.

Paanong kilala siya ng lalaking kaharap?

Gayong ngayon niya lamang ito nakita.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon