Chapter 2

104 0 0
                                    

Maaga akong umuwi ng gabing iyon galing sa opisina.

Ng makapasok ako sa loob ng aking bahay,  napansin ko ang maaliwalas na ayos nito na sobrang linis pa ng buong kabahayan.

Napangiti ako, dahil kahit pala may TOYO ang inirekomenda ng agency na si Mish Valencia bilang aking kasambahay ay nagagalak ako dahil sa kasipagan nito.

Tinungo ko ang kusina, upang mag dinner.

Ng maisipang kong pumunta sa may kusina ay bigla na lamang namatay ang ilaw sa buong kabahayan.

"Ano ba yan brown-out pa" yamot kong nasabi sa aking sarili.

"Mish, Manang Flor, andito na ako, nasaan na kayo?" Sigaw ko.

Habang tinutungo ko ang kusina ay may naramdaman akong parang may dumaan mula sa aking likuran.

"Mish, ikaw na ba yan?" Ngunit walang sagot akong natanggap.

Kinabahan ako, kaya dali dali kong kinuha sa bulsa ko ang aking cellphone upang buksan ang flash light nito.

Naisipan kong puntahan ang kwarto ni manang flor, ngunit habang naglalakad ako patungo doon ay nabigla na lamang ako ng may naramdaman akong malamig na kamay ang tumapik sa likod ko.

Dahil sa sobra kong gulat at takot ay mabilis akong humarap mula rito. Ganon na lamang ang aking kilabot ng mailawan ng aking cellphone ang isang babaeng namumuti ang mukha.

Dahil sa pagkabigla ay napasigaw ako ng malakas. "WAAAAHHHHH..."

"AHHHHH..." hala sumigaw din ito.

"AHHHHH...." muli kong sigaw.

"AHHHHH..." sigaw nanaman nito gaya-gaya.

"AHHHHHHH...."  sa huli kong sigaw ay bigla na lamang nagliwanag ang buong kabahayan.

"Hala sir jerick ikaw po pala yan, pasensya na po" sabi nito.

Dahil sa pagkabugnot ko ay nasapak ko itong si mish.

"Langya ka, kaw pala yan! Bakit nananakot ka hah?"

"Bakit ang hilig nyo pong manapak?" Sapo nito ang kanang pisngi na aking nasapak.

"Nakakaloko kana eh, muntik na akong atakihin sa puso ng dahil sayo! Ano ba yang nilagay mo sa mukha mo bakit namumuti?"

"Ah eto po?" Tinuro pa nito ang kanyang mukha. " Pampaganda po at pampa fresh"

"Ah okay, oo nga pala nasaan si manang flor?" Tanong ko rito.

"Masama po pakiramdam nya kaya maaga ko na po syang pinatulog, hayaan nyo po pinakain ko na sya at ipinainom ng gamot"

"Hah ganon ba" napatango ako sa kanya.

"Oo, nga pala tinatawag kita kanina, bakit di ka sumasagot?" Tanong ko sa kanya.

Bahagya itong tumawa na parang nang-aasar.

"Anong nakakatawa? Pinag-tritripan mo ba ko?"

"Eh kasi sir jerick, Sinusubukan ko po kayo kung gaano kayo katapang. Maduduwagin po pala kayo. Aba matinde!!!" At tuluyan ng lumakas ang tawa nito.

Dahil sa inis ko sa babaeng ito ay agad kong kinuha ang walis tambo sa isang tabi, upang ito'y hambalusin.

Pero aba nagtatakbo ito at gusto pa yatang makipagharutan.

Ako naman itong si tanga dahil hinabol ko naman.

"Humanda ka pagna-abutan kita, pipisain kita!" Sigaw ko sa kanya.

Aba ang bilis tumakbo at nang-aasar pa na parang bata kung tumawa.

Binilisan ko nga ang paghabol at ng malapit ko na syang maabutan ay kaagad ko syang dinambahan, ngunit nawalan ako ng balanse kaya parehas kaming napahiga.

Ngunit ang aking posisyon ay nasa ibabaw ni mish. At ang malala pa ay namalayan ko na lang ang sarili ko na nakalapat ang aking labi sa kanyang labi.

Ewan ko ba sarili ko, pero parang may sensasyon sa pagkatao ko ang nabuhay. Naamoy ko ang mabango niyang hininga. Para akong nadadarang sa apoy ng sandaling iyon.

Nasa ganoon akong posisyon ng matitigan ko ang kanyang mukha na tila gulat din sa nangyari. Mabilis akong tumayo upang alalayan sya sa kanyang pagtayo.

"Sorry.. hindi ko sinasadya" sabi ko sa kanya dahil kahit ako ay nabigla rin ng maglapat ang aming mga labi.

"Tara sir sa kusina, ipaghahain ko na po kayo. Alam ko pong gutom na kayo" iba ang sagot nito sa tanong ko.

"Hah sige, anong ulam?" Tanong ko.

" Kare-Kare po, paborito nyo daw po yun sabi ni manang flor" napangiti ako ng marinig iyon.

"Sige tara na, kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa nga po eh"

"Sumabay kana sa akin."

Tila nagningning ang mga mata nito sa narinig. "Talaga sir... halika tara na kain na tayo! Gutom na ako" at bigla nitong hinaltak ang isa kong kamay patungo sa kusina.

Napagmasdan ko ang mahigpit na pagkakahawak niya sa kamay ko. Ganon na lamang ang saya ng nadarama ko na para ba akong nakuryente sa kanyang hawak. Parang ayoko ng bitawan nya ang kamay ko dahil sa kakaiba kong nadarama. Lubusan na lamang akong nagpatangay sa kanya papuntang kusina, habang wala sa sarili akong napapangiti.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Isang gabi ng maisipan kong maligo sa swimming pool sa likod ng aking bahay dahil sa maalinsangan na panahon. Kaagad kong tinanggal ang saplot sa aking katawan na tanging brief lamang ang itinira.

Binabad ko ang katawan ko sa tubig.

Habang ako'y nasa kalagitnaan ng paglalangoy ay ipinagtaka ko ang mga pumasok na eksena sa utak ko na labis kong ikinagulat.

Eksena ng isang lalaki at isang babae.

Sila ay maaring magkasintahan dahil sa nakikita ng utak ko, sila ay...

NAGMAMAHALAN...

NAGLALAMBINGAN...

PINO-PROTEKTAHAN ANG BAWAT ISA...

Ngunit kinagulat ko ang sumunod na eksena dahil silang dalawa ay...

NAG-AAWAY...

NAGKAKASAKITAN...

NAGHAHABULAN...

At nagimbal ako sa sunod kong nakita dahil pinapatay ng lalaki yung babae. Masyado nitong brutal na pinatay yung babae.

Dahil di kaya ng utak kong makita iyon ay dali-dali akong lumusong sa tubig at umupo sa gilid ng swimming pool.

Gulong-gulo ang utak ko ngayon dahil sa biglaang pagpasok ng mga eksenang iyon sa isip ko.

Malinaw sa akin ang bawat pangyayari, ngunit ang labis kong ipinagtaka ay blurred o malabo ang mukha ng babae at ng lalaki. Kaya hindi ko nakita ang mukha ng mga ito.

Masyado akong nanghinayang sa nakita kong eksena, dahil una ay masaya silang nagmamahalan, ngunit sa huli ay nasira ang pagsasama nila at nauwi sa pagdanak ng dugo.

Naguguluhan ako kung bakit biglang pumasok iyon sa utak ko. Siguro isang pangitain lamang iyon, pero para kanino? Ito ngayon ang tanong ng isip ko.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng maramdaman kong parang may mga matang nakamasid sa akin. Bigla na lamang nagtaasan ang mga balahibo ko at nakaramdam ako bigla ng takot.

Kaagad akong tumayo sa pagkakaupo ng mapansing kong gumalaw ang isang halaman na malapit doon sa kabilang parte ng swimming pool. Tila ba parang may taong mabilis na tumakbo doon at nagkubli.

Naglakad ako patungo doon. Medyo madilim sa bahaging iyon, pero nilakasan ko ang loob ko.

Mabilis kong hinawi ang halaman kung saan nagkukubli ang nilalang na iyon.

Labis akong nagulat sa aking nakita.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon