Chapter 3

65 0 0
                                    

"Langya ka!!! Kaw lang pala yan. Anong ginagawa mo dyan?" Sigaw ko kay Mish. Hinablot ko ng madiin ang kamay nya para tuluyan syang makalabas sa pinagkukublihan niyang halaman.

Tila nagulat din ito sa bigla kong paglitaw.

"Oh ano? Bakit hindi ka makapagsalita dyan?"

Napansin kong parang hindi sya nakikinig sa akin. Tila hindi rin ito nakatingin sa mga mata ko habang tinatanong ko ito.

Narealized kong titig na titig sya sa ibabang bahagi ng aking katawan. Doon ko naalalang naka underwear lang ako. Medyo nahiya ako sa porma ko.

Alam ko na, pinagnanasaan ako ng babaeng ito.

Pinilipit ko ng mahigpit ang kamay nito.

"ARAY....Nasasaktan ako!!!" Sigaw nito at tila natauhan dahil diretsong napatingin ito sa mga mata ko.

"Babaeng manyakis!!!"

"Aray ko bitawan mo kamay ko" pagmamakaawa nito.

"Sagutin mo muna tanong ko. Anong ginagawa mo dito?"

"Sir Jerick, magpapahangin lang po sana ako ng mapadaan ako dito" bahagya itong bumaba ng tingin at may ininguso. "Malay ko ba sir na makikita ko ang maganda nyong katawan at ganyan kalaking..." napatigil ito sa pagsasalita.

Lalo kong pinilipit ang kanyang kamay.

"Kababaeng tao mo, napaka bastos mo! Umayos ka ah"

"Sinong babae ba ang hindi matutulala at mahuhumaling sa ganyang kalaking abs..., uhhmmm...Yummmy!!!"

Nag-init ang ulo ko. Hindi ko na nagugustuhan ang mga sinasabi nito. Pakiramdam ko parang hindi niya ako ginagalang bilang amo nya.

Hinila ko ito at halos makaladkad.

"Sir jerick, nasasaktan na ako" naging seryoso ang boses nito at pilit itong pumipiglas sa pagkakahawak ko sa kanyang braso.

"Lumayas ka dito sa pamamahay ko ngayon din!" Sigaw ko.

"Hala sir bakit po?"

"Tinatanggal na kita sa trabaho mo. Wala kang respeto sa taong pinaglilingkuran mo!" Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa. "Ikaw, walang magkakagusto sayo! Napakababa mong babae" umiling-iling pa ako. "Ayoko ng makita ang pagmumukha mo!"

Natigilan ito sa mga sinabi ko at tila maiiyak.

"Patawarin nyo ko sir..."

Lalo kong hinila ang braso nya para tuluyan siyang makaladkad, ngunit hindi ko akalain na kakagatin nya ang kamay ko, kaya nabitawan ko sya.

"ARAYYYY..." sigaw ko dahil masakit talaga ang pagkakakagat niya sa kamay ko. Namumula pa ito at nagmarka pa ang talas ng ngipin nito.

Dali-dali syang lumayo sa akin. Susundan ko sana sya ng napatigil ako ng makita ko siyang madulas at dire-diretsong nahulog sa malalim na bahagi ng swimming pool.

Napangiti ako. Karma mo yan!

Pinagmasdan ko ito habang nagtataas-baba ang ulo nito sa ilalim ng tubig.

Tatalikod na sana ako upang iwan siya doon ng marealized kong baka hindi sya marunong maglangoy.

Parang natauhan ako sa nakita ko. Shit ang tanga ko, Mukhang hindi ito nagbibiro dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano ito nahihirapan sa ilalim ng tubig.

Mabilis akong tumalon sa swimming pool upang sagipin siya.

Hinawakan ko siya sa kanyang bewang at mabilis na iniahon sa tubig.

Pina-upo ko siya sa gilid ng swimming pool.

Tinitigan ko sya, namumutla at nanginginig siya sa lamig.

"Sorry...sorry sa mga nasabi ko."

Imbis na sagutin niya ako ay bigla itong humagulgol ng iyak at ang mga palad nito ay nakatakip sa kanyang mukha.

"Mish, hindi na kita papalayasin" sabi ko.

"Mish nagsisisi ako sa mga sinabi ko sayo, sana mapatawad mo ko" sabi ko pa.

Patuloy ito sa pag-iyak ng magsalita ito.

"Hindi mo pa ako lubusang kilala, kaya wag mong sasabihing napakababa kong babae" tinanggal nito ang mga palad niya sa kanyang mukha. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata.

"Sir jerick, okey lang sana kung sipain, sapakin, tadyakin, ibitin, sakalin o ipasagasa mo pa ko sa truck ay tatanggapin ko dahil may lunas na gamot dyan pag nasugatan ako, pero ang saktan mo ko ng emotionally ay hindi basta basta mawawala ang sakit nun dito" tinuro nya ang kaliwang dib-dib niya.

Naguilty ako sa mga sinabi niya. Tama siya wala akong karapatan para saktan siya.

Paano ko nga ba sya mapapasaya? At muling ibalik ang ngiti sa kanyang labi.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon