Chapter 10

66 0 0
                                    

"Nagkakilala na ba tayo? " tanong ni jerick sa lalaking kaharap.

Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito.

Pilit niyang inaalala kung sino ang lalaking kaharap, ngunit kahit anong pilit niya ay hindi niya matandaan kung sino ito.

Bahagyang kumunot ang noo nito sa kanyang tanong na tila nagulat sa kanyang sinabi.

"Ang bilis mo namang makalimot, sigurado ka bang hindi mo ako natatandaan?"

Umiling siya bilang tugon rito.

"Ako si jasper, naging magkaibigan tayo 2 years ago. Dito sa loob ng bar tayo nagka ---" hindi na niya pinatapos ito sa pagsasalita.

"Sorry brod, pero nagkakamali ka yata ng taong tinutukoy, dahil wala akong matandaan sa mga sinasabi mo "

"Paanong nangyaring hindi mo ako makilala? " gulat na tanong nito.

"Hindi ko alam, hindi ako ang taong tinutukoy mo. Brod, pasensya na kelangan ko ng makauwi" tumalikod na siya rito at nagmadali sa paglalakad.

Bago siya tuluyang makalayo sa lalaking iyon ay nilingon pa niya ito.

Hindi niya talaga maalala kung sino ito. Malakas ang kutob niyang baka masamang tao ito.

Naisip niyang baka modus operandi nito ang kunwari ay kilala nito ang isang tulad niya, tapos baka pag sumama siya rito ay bigla na lamang siya nitong holdapin, at kapag nalimas ang pera niya at mahahalagang gamit niya ay papatayin na siya nito.

Napapailing siya sa kanyang naiisip.

Binalik niya ang paningin sa daan sa nilalakaran.

Narinig pa niya ang huling sinigaw nito sa kanya.

"BALANG ARAW...HAHANAPIN MO AKO PARA SA MGA KATANUNGANG NAIS MONG MALAMAN!!!"

Binalewala na lamang niya ang ibig sabihin ng isinigaw nito.

Dire -diretso niyang pinuntahan ang parking lot upang lisanin na ang lugar na iyon.

Buti na lamang at kaunti lang ang ininom niyang alak kaya makaka-pagmaneho pa siya ng kanyang kotse.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Gabi na ngunit hindi dinadalaw ng antok si mish.

Pilit niyang inaalis sa kanyang isip ang mga kababalaghang pagpapakita sa kanya ng dalawang nilalang. Tinatak niya sa kanyang isip na guni -guni lamang ang mga iyon.

Bumangon siya sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto.

Tinungo niya ang salas. Umupo siya sofa at binuksan ang telebisyon.

Habang abala siya sa panonood ay naalala niya na hindi pa pala nakakauwi si jerick.

Tinignan niya ang oras sa wall clock .

Ganoon na lamang ang labis niyang pag-alala dahil hindi naman umaabot ng ganitong dis-oras ng gabi na wala pa si jerick.

Paikot -ikot siya sa loob ng sala. Hindi siya mapakali hanggat hindi ito nakakauwi. Ayaw niyang isipin na may nangyari ditong masama, dahil mahalaga ito sa kanya.

Ding..Dong...

Ding..Dong...

Napapitlag siya ng marinig ang doorbell sa labas na nagmumula sa may gate.

Nakahinga siya ng maluwag ng marinig iyon.

"Hay sa wakas nakauwi rin si sir " sabi niya lamang sa sarili.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon