Chapter 6

55 1 0
                                    


Makalipas ang dalawang buwan...

Mula ng maramdaman ko ang kakaibang tibok ng puso ko kay mish sa tuwing kasama ko siya, ay lalong napapalapit ang loob ko sa kanya.

Hindi ko alam pero parang matagal ko na siyang kilala.

Hindi kumpleto ang gising ko sa umaga kung hindi ko siya nasilayan, ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito, basta ang alam ko nagising nalang ako na isang araw na gusto ko na pala siya.

"Sir jerick, eto na po kape nyo" inilapag ni mish sa lamesita sa harap ko ang kapeng ipinatimpla ko sa kanya.

Ng aktong aalis na siya ay pinigilan ko siya, hinawakan ko siya sa kanyang braso.

"Maupo ka muna. Gusto ko munang makipag-kwentuhan sayo"

"Hah, sige sir" bahagyang kumunot ang noo niya saka umupo sa harap ko.

"Magkwento ka naman sa dati mong buhay" panimulang tanong ko sa kanya.

"Ah, ano naman po ikukwento ko?"

"Kahit ano?"

Napayuko siya at bahagyang umiling. Ayaw niyang magkwento. siguro may mapait na  karanasan siyang ayaw na niyang balikan pa.

"Sige hindi na kita pipilitin magkwento, pero may iba akong sasabihin sayo" seryoso kong nasabi.

Napatitig siya sa aking mga mata.

"Sir jerick, ano pong sasabihin nyo? May nagawa ba akong kasalanan? Tatanggalin nyo na po ba ako sa trabaho?" Sunod-sunod niyang tanong na parang kinakabahan.

Natawa ako ng mahina. " Hindi ah, wag kang mag-isip ng ganyan. May kelangan ka kasing malaman"

"Hah ganon po ba? Ano po ba ang gusto nyong sabihin?"

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya at tinitigan ko siyang mabuti sa kanyang mga mata. Napansin kong bahagya siyang nagulat sa ginawa ko.

"Hi-hindi ko a-alam ku-kung paano a-ako mag-magsisimula..." nauutal ako.

"Bakit po kayo nauutal? Bakit sir gusto nyo po ba sabihin sa akin na malapit na kayong magiging ngongo?"

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. Eto na ang pagkakataon kong umamin sa kanya na gustong-gusto ko na siya. Huminga ako ng malalim para makahugot ng lakas ng loob na umamin sa kanya.

"Mish wag ka sanang mabibigla ah? Ganito kasi yan, hindi ko alam kung paano nagsimula ito, pero nagising na lang ako isang araw na gusto ko lagi kitang nakikita at laging kasama, kapag masaya ka maligaya ako. Hindi ko mapigilan ang tibok ng puso ko sa tuwing magkalapit tayo at nag-uusap. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit kita nagus--" naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Sir Jerick, ano pong ibig nyong sabihin?" Seryoso niyang tanong.

"Dahil gusto kita, hindi lang yun dahil mahal na mahal na din kita" sa wakas nasabi ko rin.

Ngunit ipinagtaka ko ang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang nagulat siya sa sinabi ko at tila maluluha.

Dali-dali niyang tinanggal ang kanyang mga kamay sa aking pagkakahawak at mabilis na tumayo.

Sinilip kong mabuti ang muka niya at doon ko lang napagtanto na dire-diretso na ang pagluha niya. Naguluhan ako sa ikinilos niya.

"Mish, may mali ba sa sinabi ko?"

"May mga bagay ka pang hindi nalalaman" makahulugan niyang sagot at dali-dali na siyang tumakbo palayo sa akin.

Pinagmasdan ko siya habang unti-unting siyang pumasok sa kanyang kwarto.

Akala ko kapag umamin ako sa kanya ay magiging magaan na ang kalooban ko dahil inakala kong gusto nya rin ako, pero parang hindi pala. Mas lalo yatang bumigat ang nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil pakiramdam ko ay nasaktan ko siya sa mga sinabi ko.

Akala ko talaga ay gusto niya rin ako dahil sa mga pinapakita niyang kakulitan sa akin, mukha yatang ako lang ang nag-iisip nun, sayang lang at mahal na mahal ko na siya. Pero hànda kong patunayan ang sarili ko sa kanya para iparamdam ko sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

You & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon