The truth
Pababa ako ng aking sasakyan para pumasok sa office nang makatanggap ako ng tawag mula kay Aloisia. Sinabihan ko siya na tawagan ako kung kailan siya hindi busy dahil may kailangan akong malaman mula sa kanila ni Astrid. Sad to say, mahirap macontact ngayon si Astrid dahil busy ito sa trabaho. One week na ang nakalipas ng isend ko sa kanila ang message at ngayon lang nakatawag si Aloisia.
"I'm sorry ngayon ko lang nabasa ang email mo. Wala kasing signal sa pinuntahan ko," ani nito.
"Where have you been?" tanong ko pagkasara ng pintuan ng sasakyan.
Bitbit ang aking bag sa kanang kamay ay pumunta ako sa 5th floor kung saan matatagpuan ang office ko.
"Nag hiking. By the way, sabi mo sa email mo may importante kang itatanong. Ano ba 'yon?"
Pumasok muna ako sa elevator kasabay ang ibang empleyado. Hindi ko agad nasagot ang tanong ni Aloisia dahil sa pagbati ng mga employees.
"May nakarating sa akin na kwento." Pagsisimula ko. Napalingon sa akin ang ibang kasabay dahil sa lenggwaheng ginamit ko.
"About?"
"Kumalat sa school na kinasal ako kay Joaquin kaya hindi ako nakarating sa graduation. Do you know what the worst is? Nabuntis ako kaya ako pinakasalan," naiiling na pahayag ko kay Aloisia. Hindi pa rin ako makapaniwala na may kumalat na kwento sa akin na ganon. Grabe ang sources, puro gawa-gawa.
"Ahh Oo, kumalat nga."
Kumunot ang noo ko sa normal na reaksyon nito. "At hindi niyo sinabi sa akin?"
"Ang dami mo na ngang dinadala, dadagdagan mo pa ng walang kwentang issue. May mga nagtanong sa amin kung totoo, syempre sinabi namin hindi. Ilang beses namin na sinabing hindi totoo, pero alam mo naman ang mga tao. Hindi mo naman mapipilit ang tao kung ayaw maniwala. Alam mo naman na mabenta kanila yung kwentong napulot lang kung saan."
Alam ko 'yon, pero karapatan ko rin naman na linisin ang pangalan ko at pangalan ni Joaquin. Hindi ko pa natatanong si Joaquin kung nakarating sa kaniya ang kwento, pero malamang ay nakarating sa kaniya. Hindi niya rin sa akin sinabi. Siguro ay walang kwenta nga ang issue na iyon katulad ng sabi ni Aloisia para bigyan ng oras. Sa harapang pag reject ko noon kay Joaquin ay hindi ko akalaing may naniniwala sa kwentong kumalat.
"Hindi mo ba alam kung sino ang nagpakalat?" tanong ko.
"May kutob ako na si Carra or si Maisie. Basta tiyak na nandoon lang sa magkakaibigan."
"At bakit naman nila gagawin 'yon?"
Parang ang hirap matanggap na sila ang gumawa noon. I treat them as my friend lalo na si Maisie, hindi ko siya itinuring na iba sa akin. Lahat ng taong malalapit sa akin ay itinuturing kong kaibigan.
"Well....people change. Hindi dahil itinuring natin silang kaibigan ganun din ang tingin nila sa atin. Lalo na nung nalaman ko na si Carra ang nagpakalat ng pictures niyo ni Sir Dylan."
Dahil ba may gusto si Maisie kay Sir Dylan kaya nagawa iyon sa akin ni Carra. How about yung unang picture na kumalat? Siya rin kaya ang may gawa noon? Hindi ko siya pinag isipan na magagawa nila iyon sa akin. Wala akong makitang ebidensya na sila ang gumawa noon tuwing nakaharap sila sa akin. Mabait sila at akala ko ay kaibigan ang turing namin sa isa't isa. Hindi ko alam na ang minsan pala nating tinuturing na kaibigan ay siyang sisira sa atin.
BINABASA MO ANG
Last Sunrise (Last Series#01)
RomanceCOMPLETED/Unedited How can we say goodbye to someone without actually saying it? Could you wait for someone without a word that they would return? Umalis si Amara ng walang malinaw na paliwanag kung bakit niya nagawa ang isang bagay. Pagbalik niya a...