CHAPTER 6

632 19 0
                                    

Friendship


"Let me go!" sigaw ng babaeng nakasabunot sa akin nang hablutin ni Aloisia ang buhok nito.


"Hinayupak ka! Papatayin ko pati kuto mo!" sigaw ni Aloisia.

Napabitaw sa akin ang babae dahil sa pagsugod ni Aloisia rito. Napaupo ako sa sahig dahil sa pang hihina. Anim na lang kaming nandito sa loob, tumakbo ang dalawang kasama ng babaeng ito. Naiiyak kong tiningnan ang braso ko na puno ng kalmot at ang buhok kong gulo-gulo.

"Kakain muna ako ng lupa bago mo mahawakan ang beautiful face ko!" pag tulak ni Astrid sa babae na kinadapa nito.

"What's going on here?!" malakulog na sigaw sa loob ng Comfort Room.

Agad akong tumayo nang makitang galit na nakatayo si Sir Dylan sa pinto. Ngayon ko lang napansin na marami pa lang nanonood sa amin. Bukas ang pinto kaya maraming nakakakita sa nangyayari. Iba't ibang estudyante na galing sa ibang department ang mga nanonood. Mabilis na pumunta si Sir Dylan sa pwesto ko at hinigit nito ang braso ko na puno ng kalmot. Madilim ang tingin nito sa pagsuri ng mga natamo ko. Agad ko itong binawi at itinago sa likuran. Hindi ako makatingin sa kaniya pero kita ko sa gilid ng aking mga mata ang pagtitig nito.

"Nakipag away ka?" mahinang tanong nito na agad na ikinabaling ko.

"H-Hindi ba obvious?" tugon ko. Nangingilid ang luha ko ngayon sa kahihiyan at hapdi ng braso ko.


"S-Sir, pinagtulungan po nila kami." Umiiyak na lapit ng babae kay Sir Dylan.

Hindi ako nag salita, hinayaan ko lang siya na mag paawa kay Sir Dylan. Binaliktad niya ako sa harapan ng maraming tao.


"Hoy! Ang kapal naman ng kalyo mo sa mukha! Naabutan naming pinag tutulungan niyo si Amara! Lima nga kayo kanina rito, eh. Tumakbo lang yung dalawa!" sigaw ni Aloisia na nag babalak na sumugod muli pero agad ko siyang hinatak.

"Sir, pinatatawag po yung mga nag-away sa guidance office." Pag sulpot ng isang estudyante.

Umiiyak na umalis ang tatlo kaya sumunod na rin kami. Nakayuko akong nag lakad palabas ng CR pero napahinto ako nang humarang si Sir Dylan sa dadaanan ko.

"Sa Clinic ka muna pumunta." Pag hawak nito sa braso ko.

"H-Hindi na po." Pag tanggal ko nang pagkakahawak niya.

Pagdating namin sa guidance office ay naabutan namin na umiiyak pa rin ang tatlo. Ang lakas ng loob nilang baliktarin ang nangyari. Kung maka iyak sila ay parang aping-api sila kanina. Samantalang ako ang nagmamakaawa kanina na bitawan ako.

"Pakitawag ang guardian ng mga batang ito." Utos ng guidance counselor.

Umupo kami sa harapan ng tatlong babae na naka away namin. Nakikipag palitan ito ng masamang tingin kina Aloisia. Pagkatapos ko lang sila sulyapan ay nagbaba na ako nang tingin. Nakakahiya. Ito ang unang beses na mapatawag ako rito at isang mababaw lang na dahilan.


"Ma'am, hindi raw po makakapunta si Mrs. Valiente nasa conference meeting daw po."

Alam ko naman na hindi makakapunta si Mommy, she's always busy at naiintindihan ko 'yon. Mas okay na rin na hindi siya pumunta dahil napakababaw na away lang ito.

Sabay-sabay naman kami napabaling ng mag bukas ang pinto ng guidance office. Nang makitang si Sir Dylan iyon ay nagbaba na lang ulit ako nang tingin. Bakit ba kasi nag-aalala ang mga tingin nito? Hindi naman siya dapat mag-alala dahil simpleng away lang ito ng mga estudyante.


Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon