CHAPTER 51

1K 20 0
                                    

Please


"Saan ka galing?" tanong ko kay Dylan nang pumasok ito ng kwarto. Kanina ay nasa tabi ko lang siya at hindi ko namalayan ang pag-alis nito.


"Sa labas. May sinagot lang akong tawag," mahinahong sagot nito. Lumapit ito sa aking kama at inayos ang aking kumot. Itinaas niya ito hanggang sa aking dibdib.


"You can go, Dylan. Kung may importante kang pupuntahan. Don't worry about me." Matipid akong ngumiti.


Maagap itong umiling at umupo sa aking tabi. Isinandal nito ang aking ulo sa kaniyang dibdib.


"I'll stay here." Final na desisyon nito.


"Pero kanina pa may tumatawag sa iyo."


Naramdaman ko ang malalim na buntong hininga nito.


"That's the investigator I hired. Nagbibigay lang siya ng update."

Napatunganga ako kay Dylan.


"Investigator? For what?"



"Lyca is missing in action."


Sa pagsisimula niya ay naramdaman ko na ang panlalamig ng aking mukha. Ilang beses akong napalunok habang pinakikinggan si Dylan. Nanatili akong tahimik at nag panggap na walang alam.


"Hindi na siya pumapasok ilang buwan na. I don't know where she is. Nag aalala rin ako dahil hindi siya nag paalam for leave or resignation. I tried to contact her family pero pati sila ay hindi alam. I'm worried, she still my friend after all."


Ramdam ko rin sa boses niya ang pag-aalala.


No, Dylan. She's not just a friend. She's the mother of your children.

Itinikom ko lang ang aking bibig kahit na may nagtutulak sa akin na sabihing pumunta rito si Ma'am Lyca. Naiintindihan ko ang pag-aalala niya. Wala akong naramdaman na pait sa aking pakiramdam pero gusto kong tumupad sa usapan. Bago umalis si Ma'am Lyca at nakiusap ito na wala akong pagsasabihan na nagkita kami. Katulad ng pagtupad niya sa usapan at ganon din ako.



"S-Sana....mahanap mo na siya," sambit ko.



"Amara, are you ready?" pagpasok ni Doctora at Mommy sa kwarto ko.

 

I nodded slowly. Ngayon ang pangalimang chemotherapy ko. Kahit panglimang beses na ito ay nakakaramdam pa rin ako ng takot, pero kapag nandoon na ako ay nawawala ang pakiramdam na iyon dahil natatabunan ng sakit ang takot na nararamdaman ko.

"You can do it, baby..." bulong ni Dylan sa aking tenga habang tinutulak ang wheel chair.


Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon