Blooming
"Kaklase mo pala si Joaquin. Naka-usap ko kanina ang Mama niya," ani ni Mommy habang naghahapunan kami.
"Yes, Mi," pag sagot ko.
Ibinaba ni Mommy ang kaniyang kubyertos at nakangiting tumango sa akin. Iba ang ngiti ni Mommy.
"Alam mo bang lumalago ang Company nila?"
Napatigil ako sa pagkain pati na rin ang kapatid ko. Wala akong alam dahil hindi naman iyan napag uusapan sa school. Umiling ako kay Mommy. Uminom muna ito bago mag simula ulit.
"May girlfriend ba siya?" tanong nito.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang naging interesado si Mommy kay Joaquin.
"Wala po yata," tugon ko.
Mukhang nagustuhan ni Mommy ang sagot ko base sa ngiti niya. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya ngayon.
"Bakit hindi na lang kayong dalawa? I heard si Joaquin ang dahilan ng pakikipag away mo. And you know....their company is a big help."
Napatulala naman ako kay Mommy sa pahayag nito. Never kong naisip na magiging kami ni Joaquin dahil lang sa negosyong meron ang aming pamilya.
"What are you trying to say, Mi?"
Gusto kong maging klaro sa akin kung ano gusto niyang mangyari. Kung ang naiisip ko ay tama, hindi ako papayag. Oo, naging successful ang marriage nila Mommy and Daddy kahit arrange marriage sila. Pero hindi lahat ay katulad ni Daddy. Hindi lahat ng arrange marriage ay nagiging successful.
"Why don't you try-"
"No, Mommy." Pag putol ko agad sa kaniya. Alam ko na ang gusto niyang sabihin at tutol ako roon.
"Fine, Honey, hindi kita pipilitin. By the way, may lakad ka ba tomorrow? Isasama sana kita bukas lumuwas ng Manila."
Agad naman akong napaisip kung ano pwede kong idahilan kay Mommy ngayon. Nangako ako kay Daryl na magbebake kami bukas. Nasisiguro akong maghihintay iyon sa pagdating ko.
"M-May case study kaming kailangan tapusin nina Aloisia, Mi." Pagsisinungaling ko.
"Okay, next time na lang kita isasama. Charlene, nasa kwarto ko na yung pinabili mong aklat." Pagbaling sa kapatid ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil hindi na niya ipinilit ang gusto niya mangyari sa amin ni Joaquin. Sa tingin ko ay hindi siya gaanong kaseryoso roon.
Mabilis namang tumayo ang kapatid ko at tumakbo paakyat ng hagdan.
"Siya ang nag mana sa Daddy mo." Baling sa akin ni Mommy.
Tama ang sinabi ni Mommy, na ang kapatid ko ang nagmana kay Daddy. Sa murang edad niya ay nakikitaan na ng potential sa pagkahilig sa negosyo. Mahilig siyang magbasa ng aklat about sa business at lagi siyang interesado sa usapang business. Ngayong pa lang ay nakikita ko ng magiging successful ang kapatid ko katulad ni Daddy. Ginagawa niya ang bagay na ito dahil iyon ang passion niya. Hindi katulad ko, ginagawa ko ito dahil wala akong choice. Panganay ako at kailangan ko tulungan si Mommy.
Kung ako ang masusunod ay kukuha ako ng Architecture. Second choice ko iyon noon pa man pero mukhang hindi para sa akin ang bagay na iyon. Kailangan kong unahin ang resposibilidad ko kaysa sa hilig ko.
BINABASA MO ANG
Last Sunrise (Last Series#01)
RomanceCOMPLETED/Unedited How can we say goodbye to someone without actually saying it? Could you wait for someone without a word that they would return? Umalis si Amara ng walang malinaw na paliwanag kung bakit niya nagawa ang isang bagay. Pagbalik niya a...