House
Pagdating sa bahay, sa halip na gamutin ang sugat ay napagtuonan ko ang gumawa ng cookies. Marunong ako noon pero hindi ko alam kung kaya ko pa ngayon, dahil matagal na rin ng huling gumawa ako ng cookies. Nang tumunog ang oven ay agad akong lumapit doon. Dismayadong kong inilabas ang nasunog na cookies. Mukhang mataas masyado ang temperature.
"Ano 'yan, ate? Toasted cookies?" pag sulpot ng kapatid ko.
Agad kong itinapon sa malapit na trash bins ang sunog na cookies. Alam kong hindi iyon makakain dahil nangitim ang gilid nito.
"Where's Mom?" tanong ko kay Charlene habang umuupo sa high chair.
"She's on her way. Bakit nag be-bake ka, Ate? May tindahan naman ng masarap na cookies sa labas."
Iyon na nga lang ang balak kong gawin. Mag jojogging ako bukas at dadaan sa bakeshop sa labas para bumili ng cookies. Wala na akong lakas para mag bake ulit. Maybe next time.
"Pinopromote mo lang sa akin yung bakeshop ng Mommy ng crush mo, eh." Pagbibiro ko sa kapatid ko at agad naman itong namula.
"W-Wala akong crush, Ate. Mom!"
Agad tumakbo ang kapatid ko kay Mommy nang makita ito. Tumayo rin ako para humalik sa kaniya. Bakas sa mukha ni Mommy ang pagod, dala siguro ng sunod-sunod na meeting niya. I can't wait to graduate para matulungan ko na siya.
"Tumawag kanina ang school mo- oh! What happened to your arms?" nag-aalalang sinuri ni Mommy ang braso ko.
"Nadawit lang sa away, Mi. Don't worry I'm fine," nakangiting tugon ko.
"Stay away from the trouble, honey. Look at your arms! Ang kinis kinis mo tapos ganyan. Ginamot mo na ba 'yan?"
Tingnan ko ang braso ko na nawala na ang sobrang pamumula. Mas malala ito kanina buti na lang at nawala ng konti.
"Hindi pa, Mommy. Maybe later after dinner."
Iling-iling naman ito sa akin at umupo na rin sa hapag. Ang ganitong pagkakataon ay dapat na sinusulit namin. Madalang lang namin makasabay sa hapag si Mommy dahil sobrang busy nito. Minsan ay naaawa ako sa kaniya dahil sa office na ito natutulog. Minsan naman ay umuuwi nga siya pero tuloy siya agad sa kwarto niya dahil sa pagod.
"Inaasikaso ko na ang pag take over sa iyo ng isang branch natin, Amara. Matutulungan mo na ako."
Iyon din ang hinihintay ko, ang matulungan si Mommy. Mayrooon kaming dalawang pabrika ng tela na siyang nag didistribute sa buong luzon. Mayroon din kaming limang branch na high-class na pagawaan ng damit, kaya naman sobrang busy ni Mommy. Siya lahat ang nagpapatakbo na 'yon. Noon ay tulong sila ni Daddy pero dahil wala na si Daddy siya na ang sumalo ng lahat.
"Don't worry, Mommy, kahit dalawang branch pa ang ibigay mo." Pag bibiro ko.
"Sana ay makagraduate ka na Cum Laude."
BINABASA MO ANG
Last Sunrise (Last Series#01)
RomanceCOMPLETED/Unedited How can we say goodbye to someone without actually saying it? Could you wait for someone without a word that they would return? Umalis si Amara ng walang malinaw na paliwanag kung bakit niya nagawa ang isang bagay. Pagbalik niya a...