CHAPTER 39

562 12 0
                                    

Stuck

"I miss you, Girl!" pagsalubong ng yakap sa akin ni Astrid.

"I miss you too. Where's Neil?" tanong ko kina Astrid nung pagbuksan ko ito ng pinto ng condo.

"May pupuntahan daw siya," pag sagot sa akin ni Aloisia at pag yakap nito.


Inalis ng dalawa ang suot na coat at pumasok sa loob. Sinalubong sila ng tili ni Klea na galing kusina.

"Ang gaganda niyo! Siguro may asawa na kayo!" ani ni Klea sa dalawa. Natawa naman ang dalawa.


"Maganda lang, walang asawa," tumatawang tugon ni Aloisia. Si Astrid naman ay nilibot ang kabuuan ng condo. May tatlong kwarto ang condo. Kung gugustuhin nila rito mag stay ay pwede. Kaso ay tumanggi si Astrid dahil mas malapit sa tinutuluyan nila ang pupuntahan niya para sa trabaho. Oo, trabaho ang pinunta rito ni Astrid, dahil sumama ang dalawa ay naging maikling bakasyon.


"Wala pala kayo kay Amara, eh." Pagbibiro ni Klea.


"Bakit may boyfriend siya?" gulat na tanong ni Astrid.


Umalis naman ako sa sala dahil sa pagtunog ng doorbell. Ako na ang nagbukas non dahil libang na libang si Klea. Pinagbuksan ko si Joaquin na nakapang bahay lang.

"Nandiyan na sila?" bungad sa akin ni Joaquin. Inabot ko naman ang inaabot na tupperware nito. Siya ang nag sabi na siya na ang magluluto kapag dumating sina Aloisia.


Nilakihan ko naman ang pagbukas ng pinto para makapasok siya.


"Wala pa si Neil. Si Aloisia at Astrid pa lang."

Sabay kaming pumasok ni Joaquin ng condo. Bakas agad ang gulat sa dalawang kong kaibigan. Hindi pa pala nila alam na magkadikit lang ang condo na tinutuluyan namin ni Joaquin. Iniwan ko si Joaquin kasama nila Klea at diretso naman ako sa kusina para mag handa ng pagkain.


"Hey, tulungan na kita." Pagsulpot ni Aloisia.


Tinulungan ako nito ayusin ang dalang pagkain ni Joaquin. Nangingibabaw naman ang boses ni Klea sa sala.


"Kumusta buhay mo rito?" tanong ni Aloisia.


"Ayos lang," maikling tugon ko. Pilit kong pinipigil na tanungin ang isang bagay na bumabagabag sa akin. Ipinilig ko ang aking ulo upang pigilan ang pag-iisip na 'yon.


"Kayo.....kumusta kayo doon?" tanong ko.


"Ayos lang din. Madalang ako umuwi ng La Union ganon din si Astrid."


Tumangu-tango ako rito. Gusto ko rin tanungin kung kumusta siya. Pero parang wala akong lakas ng loob.


"Hindi ka ba uuwi......sa Pilipinas?" naninimbang na tanong ni Aloisia.

Pinahid ko ang aking basang kamay sa  suot na apron at inalis ito bago humarap kay Aloisia. Nakahilig ito sa upuan at hinihintay ang sagot ko.


Malakas muna akong napabuntong hininga. "Hindi pa kami nagkakausap ni Mommy. But probably......next year."

Nagliwanag ang mukha nito sa sagot ko. Napag isipan ko kaylan lang na maglakas loob na sabihin kay Mommy na gusto kong umuwi. Napag isipan ko na ito ng mabuti. Kung itatanong man kung bakit biglaan ang gusto kong pag-uwi, ang idadahilan ko at aattend ako ng kasal ni Genimyz, isang modelo na nakilala ko rito. Inimbitahan niya ako sa kasal niya next year na gaganapin sa boracay. Doon ko naisip na may dahilan na akong umuwi ng hindi nagdududa si Mommy.

Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon