CHAPTER 31

514 13 0
                                    

Emergency

"I'm giving you 2 days to finish all your outputs. Kung hindi mo pa rin makukumpleto......" sumandal sa swivel chair si Ma'am Lyca habang mataray na nakahalukipkip. Nakataas ang kilay nito sa akin.


"Wala na 'kong magagawa. Kung inuna mo ang pag-aaral kaysa sa pag harot, hindi ka sana nag mamakaawa sa akin ngayon." Ramdam ko ang pagkasarkastiko nito.


Napayuko ako. Hindi ko maidefend ang sarili ko dahil tama siya. Hindi ako makasagot dahil ako ang mali rito. Ako ang nag mamakaawa sa kaniya na bigyan ako ng oras na maipasa lahat ng kulang ko. Kailangan ko tanggapin ang mga binibigay niya sa aking salita.


"I'm sorry, Ma'am Lyca. Makakaasa po kayong maipapasa ko ang lahat," mababang boses na ani ko.

"Dapat lang....kung gusto mo makagraduate," may halong pagbabanta ang tono nito.


I have to complete all my requirements. Hindi ako nagreklamo kahit na alanganin ang binigay sa akin na oras. Apat na subject ang hahabulin ko at sa kasamang palad ay sabay-sabay ang pag papasa. Hindi na ako umalma ang mahalaga ay binigyan ako ng chance.

"Thank you po. Mauna na po ako." Pagtayo ko. Akma na akong tatalikod nang tawagin nito ang pangalan ko.


"Huwag kang umasa na magiging kayo ni Dylan. Hindi mangyayari iyon."


Kumunot ang noo ko. Naghahamon ang mga titig nito sa akin. Akma akong sasagot ngunit biglang may pumasok sa faculty. Sa huli ay tahimik ko siyang tinalikuran.


Pumait ang aking pakiramdam sa sinabi ni Ma'am Lyca. Pilit ko man iyon balewalain ay nanunuot sa aking sistema ang binitawan niyang salita. Bakit niya iyon nasabi? Oo, umaasa ako na baka sakaling maging kami ni Sir Dylan pero alam kong hindi sa ngayon. Hindi ko lang mapigilan mainis sa sinabi ni Ma'am Lyca. Dahil ba kasinungalingan iyon o dahil iyon ang katotohanan? Hindi matanggap ng sistema ko sa kaniya iyon nang galing, na parang nasa kaniya ang desisyon.


"Iyan yung nang reject kay Joaquin," bulong mula sa likod ko habang nakapila sa Starbucks. Nag patay malisya ako sa narinig.


"Nag pagupit, broken siguro. May gusto naman talaga iyan kay Joaquin gusto lang gumawa ng eksena."


Napapikit ako ng mariin nung marinig ko iyon. Hindi na iyon bulong nakulad kanina pero nag patay malisya pa rin ako. Walang mangyayari kung papatulan ko sila. Ganito rin ang nangyari sa akin kaninang umaga pag pasok ko. Mainit pa rin ang balita sa pag reject ko kay Joaquin. Napansin ng lahat ang pag babago sa anyo ko at halos lahat sila ang sinasabi ay broken ako. Hindi ako na inform na pag nagpagupit ka ay broken ka na. I just want to be better.

Pagkakuha ng order ay pumunta ako sa bakanteng upuan habang hinihintay sina Aloisia at Astrid. Napag usapan namin na rito magkita. Habang hinihintay sila ay inilabas ko muna ang aking laptop upang simulan ang iba kong requirements. Kulang ang oras na ibinigay sa akin kaya kailangan ko ito madaliin.


"Classmate 'yan ni Ate. Ang ganda no? Valiente 'yan. Mana raw sa Mama na inuuna ang paglalandi kaysa sa pag-aaral."


Napahinto ako sa pagtitipa sa aking laptop sa narinig ko. Babalewalain ko na sana iyon ngunit narinig ko ang aking apelyido at si Mommy. Nilingon ko ang pinanggalingan nang bulungan at nakita ko ang mga Senior High School na nakatingin sa akin. Bakas ang gulat sa mga mata nito sa paglingon ko. Hindi yata sila aware na naririnig ko ang usapan nila. Hindi sila mag kamayaw sa pagligpit ng gamit at dali-daling umalis. Bago sila makaalis ay nakarinig pa ako na masama kalabanin daw ang mga Valiente. Lalong kumunot ang noo ko.


Last Sunrise (Last Series#01)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon