Chapter 31

86 11 4
                                    

Sabado na at masasabi ko na napakabilis ng araw. Gagala kami ni Cailie ngayon pero nakabihis na ako't lahat lahat ay wala pa din siya. Alas nuwebe na ng umaga at ang text niya sa akin kahapon ay eight niya ako susunduin pero hanggang ngayon wala pa din siya.

Baka nakalimutan niya. No, he can't. Minsan na nga lang kami nakakagala. Naiinip na ako kaya nagpaalam na ako kila Val at Atlas pati na din sa dalawa kong kapatid. Ako nalang ang pupunta sa condo ni Cailie dahil baka hindi na naman kami matuloy.

To be honest, I missed him already because we rarely see each other. He's always busy with his work and I'm also busy managing my beach and resort. I maybe looked calm but I'm so damn busy this days.

Pagkarating ko sa tapat ng condominium ay agad kong ipinarada ang kotse ko at lumabas. Napangiti pa ako dahil nag effort talaga akong magsuot ng dress at heels. Damn, I'm starting to like girly outfits.

Agad akong pumasok sa condominium at sumakay ng elevator papunta sa floor ni Cailie. Ng bumukas na ang elevator ay agad akong lumabas at naglakad hanggang sa huminto ako sa tapat ng pintuan ng condo niya. Huminga pa muna ako ng malalim bago kumatok.

Agad na bumukas ang pinto. Hindi si Cailie ang bumungad sa akin kundi si... Valeria.

Pareho pa kaming gulat ang expresyon ng makita ang isa't isa hanggang sa ngumiti siya at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik.

"Oh god Donna, you look more gorgeous!" sabi pa niya at kumalas na sa pagkakayakap sa akin.

I smiled at her.

"You too. You change a lot, how are you?"

"I'm very fine, pasok ka." sabi niya kaya pumasok ako at naupo kami sa sofa.

"May lakad ba kayo ni Cailie ngayon?" tanong niya at tumango naman ako at binigyan niya ako ng kakaibang ngiti.

"Date?" she asked kaya napaiwas ako ng tingin.

"Uhh... something like that." nahihiya ko pang sabi.

"Kayo ha! nawala lang ako ng dalawang buwan may pa date date na kayo. Nakakainis lang dahil akala ko kayo na pero hindi pa pala." sabi pa niya at sumimangot.

I can't help but to laugh a little because she seems so affected.

"Hindi pa din ba nanligaw sayo?" tanong niya at kahit nahihiya pa din ay dahan dahan akong tumango.

Napailing naman siya.

"Torpe talaga yon si Cai, kaya wala pang nagiging girlfriend." sabi niya.

Hindi ko maiwasang magulat at makaramdam ng saya dahil sa narinig ko. So, he has no girlfriend since birth huh?

"Hindi siya nagka girlfriend?" tanong ko at tumango naman siya.

"Pero feeling ko magkakaroon na." sabi pa niya kaya napaiwas ulit ako ng tingin.

"Uhmm... kamusta pala kayo ni Alexion? balita ko si Minerva na ang bagong dame niya." pag-iiba ko ng usapan.

Curious lang kasi ako tungkol sa kanila ni Alexion, kong may communication pa ba sila. Nginitian lang niya ako at itinaas ang kamay niya. Doon ko napansin ang singsing.

"Ikakasal ka na?!" hindi ko maiwasang magulat.

"Yep!" sabi pa niya habang nakangiti.

"Who's the lucky man?" tanong ko habang nakangiti na din.

"It's still him, Alexion."

Ngayon ay napatakip na ako sa bibig ko. Ibig sabihin nagkabalikan na sila? Dahil sa tuwa ay nayakap ko si Valeria. I'm just so happy for the both of them. I know that I'm jealous and hurt in the past when I knew that Valeria is Alexion's new dame pero habang tumatagal ay natanggap ko na din. I realize that I like her for Alexion, only her.

Donna PericolosaWhere stories live. Discover now